"Hindi," Kalmadong sagot ni Xu Jiamu, at pagkalipas ng limang segundo, muli
siyang nagsalita, "Naalala mo ba kung anong sinabi mo sa akin noong gabing
nagkita tayo?"
"Sabi mo… mukhang may kwento ako." Biglang tumawa si Xu Jiamu at
nagpatuloy, "Kung kinokonsider mong kwento ang buhay ng isang lalaking
sinaktan ang isang babae sa loob ng walong taon, mukhang may kwento nga
ako."
At walang pagdadalawang isip, bigla siyang tumayo, at kinuha ang kanyang
phone at susi ng kanyang sasakyan, na parehong nakalapag sa lamesa. "Diba
matagal mo ng gustong marinig ang kwento ko? Tara, ipapakita ko sayo."
-
Dinala ni Xu Jiamu si Yang Sisi sa sementeryo at tinuro ang isang puntod na
walang litrato. "Ito ang kwento ko."
Hindi makapaniwala si Yang Sisi sa mga rebelasyong tumambad sakanya, at
sobrang dami niya sanang gustong itanong, pero alam niyang magpapatuloy si
Xu Jiamu kaya hinayaan niya ito.
"Ito ang anak ako, ang anak ko na nawala sa mundong ito na hindi ko man lang
kung babae ba o lalaki," Mula noong naghiwalay sila ni Song Xiangsi, sa
puntod na 'to nalang inilalabas ni Xu Jiamu ang lahat, kaya ngayong narito siya
ulit, puno ng emosyon niya itong tinitigan.
"Anak niyo ba 'to ni Song Xiangsi?" Mula kanina, ito ang unang beses na
binanggit ni Yang Sisi ang pangalan nito.
"Oo," Walang pagdadalawang isip na sagot ni Xu Jiamu.
"Namatay sa tyan niya?"
"Hindi siya nakunan," Kung tono lang ng boses ang pagbabasehan, parang
nagkwekwento lang si Xu Jiamu sa isang kaibigan, pero sa totoo lang, sobrang
lungkot niya. Dahan-dahan, lumuhod siya sa harap ng puntod para himasin ito
bago siya muling humarap kay Yang Sisi, "Pinalaglag niya ang bata."
Muli, gulat na gulat si Yang Sisi.
Tatlong taon itong kinimkim ni Xu Jiamu na nakabaon lang sa puso niya… At
ngayong nabigyan siya ng pagkakataong ilabas ito, gusto niyang sabihin ang
lahat hindi dahil gusto niyang magpaliwanag kay Yang Sisi, kundi dahil gusto
bawasan ang bigat na nararamdaman niya…
"Bago niya ipalaglag ang bata, walong taon na kaming nagsasama.
"Noong nagkakilala kami, college palang siya 'nun… bago pa siya maging
super star, kaya hindi pa siya nagmemake up at sobrang simple niya pa.
"Mula pagkabata, tinatak na sa akin ng mga magulang ko na kailangan kong
magpakasal sa isang babaeng kapareho ng antas ng pamumuhay namin, kaya
kahit kailan, hindi ko naisip na magaasawa ako ng isang babaeng galing lang
sa isang simpleng pamilya.
"Never kaming nagdate, at sa loob ng walong taon na 'yun, hindi naging kami.
"Binili ko siya sa halagang fifty thousand dollars… Oo, transaksyon lang
lahat… At ang buong akala ko, pagkatapos 'nung gabing yun, matatapos na rin
ang lahat sa amin.
"Pero akalain ba naming tatagal pala kami ng pitong taon…
"Noong ikapitong taon, nakipaghiwalay siya sa akin.
"Pano ba… Sa buong pagsasama namin, sobrang bait niya at lahat ng gusto
ko, sinusunod niya, kaya masasabi ko na 'yun ang unang pagkakataon na
sinubukan niya ako. Galit na galit ako, pero hindi ko maintindihan kung saan ko
kinukuha yung galit na 'yun… Siguro dahil sa pride ko…
"Kaya noong hinamon niya ako hiwalayan, sabi ko sakanya, 'Sige, wala naman
akong pakielam sayo.'"