webnovel

Pagkatapos (21)

Editor: LiberReverieGroup

"Makikisuyo na rin pala ako sayo Mrs. Song na paki sarado nalang ang

pintuan paglabas mo." Dagdag ni Xu Jiamu.

At tuluyan na siyang naglakad papunta sa hagdanan, na para bang wala

talaga siyang pakielam sa pagmamakaawa ni Song Xiangsi.

Pero nakakailang hakbang palang siya nang maramdaman niyang tumakbo ito

papalapit sakanya at bigla siyang hinawakan.

Noong sandaling naramdaman niya ang init ng palad nito, bigla siyang

natigilan dahil parang kinuryente ang buo niyang katawan. Pero pagkalipas

ng dalawang segundo, agad din siyang nahimasmasan at muling hinawi ang

kamay nito.

Pero para kay Little Red Bean, determinado talaga si Song Xiangsi kaya dali-

dali niyang hinawakan ang kamay ni Xu Jiamu gamit ang dalawa niyang

kamay, at dala ng matinding takot at kaba, sobrang nanginginig ang mga ito

nang sandaling magsalita siya. "Wala na akong oras para maghanap ng iba.

Ang sabi ng doktor, wala na raw dugo sa blood bank, at kung hindi ako

makakahanap ng dugo, mamatay siya! Kaya parang awa mo na. Nagmakaawa

ako sayo, tulungan mo naman ako kahit ngayon lang, pwede ba?"

Pero kabaliktaran ng emosyon ni Song Xiangsi, biglang humalakhak si Xu

Jiamu, na para bang narinig niya ang pinaka nakakatawang biro, bago siya

dahan-dahang humarap at mapang'asar na sinabi, "Mrs. Song, kung tama ang

naalala ko, sinabi mo kanina na wala na tayong paguusapan. Tama ka naman

dun. Kaya ano pa bang rason para tulungan ko ang isang taong wala namang

kaugnayan sa akin?"

Siguro dahil sa tono ng boses ni Xu Jiamu, lalong natakot si Song Xiangsi na

baka wala na talaga siyang pagasang mapapayag ito, at kung

magkakaganun, siguradong katapusan na ni Little Red Bean… Kaya sa

sobrang kaba, hindi niya na napigilang maiyak habang nakahawak ng

mahigpit sa kamay nito. "Parang awa mo na… Pwede bang ito nalang yung

kapalit sa walong taon nating pagsasama…"

"Walong taon?"

'Ha ha… parang kanina lang ang tigas tigas ng puso mo at sinabi mong tapos

na ang lahat sa atin… Ngayon, para iligtas ang buhay ng ibang lalaki,

sasabihin mo yan?'

Muling natawa si Xu Jiamu, pero sa kabila nito, bakas sakanyang mga mata

ang matinding lungkot. Dahan-dahan siyang tumalikod para titigan si Song

Xiangsi ng diretso sa mga mata, at buong diin na sinabi, "Yung walong taon

na 'yun, business deal lang yun, diba? Ikaw na mismo ang nagsabi na bayad

na tayo sa isa't-isa. Eh bakit parang humihingi ka naman ata ngayon ng tip,

Mrs. Song?"

Pagkatapos magsalita ni Xu Jiamu, bigla siyang pumikit sa sobrang sama ng

loob at huminga ng malalim habang nakakuyom ang dalawa niyang mga

kamay.

Pagkalipas ng dalawang segundo, muli siyang dumilat na may nanlilisik na

mga mata para tinitigan si Song Xiangsi ng diretso sa mga mata. "Isa pa,

may gusto pala akong itanong sayo, Mrs. Song… Bakit ko nga pala

tutulungan ang babaeng walang awang pumatay sa anak ko para lang

makipaghiwalay sa akin?"

Habang sinasabi niya ito, pwersado niyang hinawi ang kanyang kamay mula

sa pagkakahawak ni Song Xiangsi, at galit na galit na nagpatuloy, "Mrs.

Song, wag mo ng hintayin na kaladkarin pa kita."

Pagkatapos, nagpatuloy siya sa paglalakad at umakyat sa hagdan.

"Xu Jiamu!" Takot na takot na sigaw ni Song Xiangsi habang pinagmamasdan

itong naglalakad palayo. "Pangako… kapag nagdonate ka ng dugo, gagawin

ko kahit anong gusto mo!"

At dahil sa mga salitang ito, biglang natigilan si Xu Jiamu.

"Babayaran ko 'to sayo. Pangako, sabihin mo sakin kung anong gusto mo,

kahit ano. Gagawin ko ang lahat para tuparin 'yun. Deal?"

Eleven years ago, binenta nito ang sarili nito sakanya para sa tatay nito…

At pagkalipas ng eleven years, muli nitong binebenta ang sarili nito para

naman sa asawa nito…

Ngayon napatunayan niya na matindi talagang magmahal ang isang Song

Xiangsi… Pero ang nakakalungkot lang, hindi siya nabigyan ng kahit katiting

ng napaka gandang pagmamahal na ito…

Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit siya nagagalit… Pero anong klaseng

tao ba naman siya para magmatigas sa isang taong walang ibang gusto kundi

ang mailigtas lang ang taong mahal nito? Kaya kahit mabigat sa loob,

bumaba siya at binalikan ito.