webnovel

My Birthday Present To You (8)

Editor: LiberReverieGroup

Habang naghahanap ng lugar kung saan niya itatago ang metal box, hindi niya napigilan ang kanyang sarili tignan ang laman nito. Ang box ay punong puno ng mga plane at railway tickets, hinawi niya ang mga ito at kinuha ang kulay sky blue na envelope.

Binuksan niya ang envelope at kinuha ang sulat na nasa loob nito. Line by line, puno ang buong page ng kanyang dikit dikit na handwriting.

Lu Jinnian,

"Ang lahat ng tao sa mundong ito ay nageexist para hanapin ang kanilang kabiyak, sa tingin ko nakita ko na ang para sa akin, at ikaw yun.

"Wala akong ibang hinihiling, ang gusto ko lang ay ang makasama ka.

Hindi rin ako magaling sa mga salita, pero ang gusto ko lang sanang sabihin ay kahit na sa susunod na fifty years ay kaya pa rin kitang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo ngayon.

"Sa mga natitirang araw ng buhay ko, wala na akong mamahalin pang iba ng katulad ng pagmamahal ko sayo.

"Wala kang ideya kung gaano kahirap para sa akin ang lapitan ka mula noong unang araw na nagkita tayo.

"Marami akong pangarap, pero ang lahat ng iyon ay ikaw. Marami akong kahilingan, pero ang lahat ng iyon ay ang makapiling ka. Marami akong gusto, pero ang lahat ng iyon ay ang mahalin mo ako."

"Para sa mundong ito, marahil ay isa ka lang simpleng tao. Pero sa akin, ikaw ang buong mundo.

For the rest of my life, I will only love you.

Qiao Anhao.

Sa likod ng kanyang letter ay gumamit siya ng light pink na pen para magsulat ng ilang linya mula sa kanta ni Jay Chou.

"Rainy days aren't the most beautiful,

It's the house we hid to shelter from the rain that is..."

Noong mga panahong iyon, kahit na malapit na siyang grumaduate, bata pa rin siya na inosente pagdating sa pagibig kaya bigla siyang nahiya sa bawat linya ng kanyang mga isinulat.

Noon, binasa niya ito ng malakas kay Xu Jiamu para kunin ang opinyon nito at matapos nitong makinig sakanya, sinermonan siya nito pero pagkatapos naman nun ay tinulungan din siya nitong itama ang isang salita. Ang last line na dating " For the rest of my life, I will love you the most" ay naging " For the rest of my life, I will only love you."

Sinong bang nakakalam na ang salitang pinalitan nito ay magkakatoo pagkatapos ng mahabang panahon. Makalipas ang maraming taon, si Lu Jinnian para rin ang nagiisang tao sa puso niya.

Napabuntong hininga si Qiao Anhao at ibinalik ang kanyang letter sa loob ng envelope at ipinasok niya ito sa isang tin box. Matapos niyang libutin ang buong bahay, napagdesisyunan niyang itatago nalang niya ang box sa ilalim ng kama.

Ilang sunod-sunod na araw palang na umuuwi ng si Lu Jinnian pero nasanay na si Qiao Anhao sa presensya nito. Pagkatapos magdinner, umuupo muna siya sa living room at nanonood ng TV habang binibilang ang oras kung kailan ito makakauwi.

Kung nalelate ito ng uwi, nakakanuod siya ng broadcast drama. Natatapos ang drama ng 9:45 pm at sa mga oras na iyon ay nakakauwi na si Lu Jinnian. Pero ngayon, natapos na ang drama pero hindi pa rin ito umuuwi kaya nanuod pa siya ng isa pang advertisement na twenty minutes ang tagal, pero kahit natapos na ito ay hindi niya pa rin naririnig ang sasakyan ni Lu Jinnian na paparating.

Naiinip na si Qiao Anhao habang nakaupo sa sofa at ilang beses na rin siyang nagpalit ng posisyon. Kinuha niya ang remote control para maghanap ng magandang channel na mapapanuod. Noong halos 11 pm na, bumangon si Madam Chen mula sa tulog nito para uminom ng tubig at laking gulat nito nang makita si Qiao Anhao na nakaupo pa rin sa sofa. "Mrs. Lu, bakit hindi ka pa natutulog?"

Hindi lumingon si Qiao Anhao kay Madam Chen at nanatili lang na nakatingin sa TV. "Hindi pa ako inaantok." Hindi nagtagal ay dinagdagan niya ito, "Bilisan mo at bumalik ka na sa tulog mo pagkatapos mong uminom ng tubig."