webnovel

Mahal kita, Mahal kita (8)

Editor: LiberReverieGroup

"Oh…" muli nanamang nagulantang ang reporter, pero sa pagkakataong ito sa sagot naman ni Lu Jinnian. Pinanindigan nito ang panunukso sa dalawa, "Mukhang pareho namang willing sina Miss Qiao at Mr. Lu, ibigay na natin sa kanila ang mga blessings natin, wishing the both of you a blissful and sweet romance…"

Biglang naging seryoso ang reporter. "Of course, biruan lang naman ito, dito na rin natin tatapusin ang interview na ito. I hope na suportahan ng lahat ang 'Alluring Times' na pagbibidahan nina Qiao Anhao at Lu Jinnian."

Parehong tumingin sina Lu Jinnian at Qiao Anhao sa camera para magpaalam.

Alam ni Qiao Anhao na sumakay lang si Lu Jinnian at nagbiro rin dahil sa pakikisama, pero sa loob niya, sobrang kinilig siya. Kahit na nagmukhang biro lang ang tunay niyang nararamdaman, alam niya sa sarili niya na seryoso siya sa mga sinabi niya.

Alam ni Lu Jinnian na nagbibiro lang si Qiao Anhao nang sabihin nitong mahal siya nito, pero sobrang sumaya pa rin siya. Ito ang unang pagkakataon sa buong buhay niya na narinig niyang nagsabi si Qiao Anhao ng mga ganon kagandang salita patungkol sakanya, pero nakakalungkot lang kasi hindi nito alam na hindi siya nagbibiro noong sumagot siya dahil yun talaga ang tunay niyang nararamdaman.

Ilang mga salita ba sa mundong ito ang ginagawa nalang biro? At ilang mga biro ba ang mga salitang gusto sana talagang sabihin pero hindi magawa?

Alas siyete na ng gabi nang matapos ang interview at dahil oras na ito ng gabihan, nagpahanda ang direktor ng dinner para sa lahat sa Beijing hotel.

Nakatanggap si Lu Jinnian ng importanteng tawag kaya kinailangan niyang bumalik sa Huan Ying Entertainment para sa isang meeting.

Hindi naman nagtagal ang meeting. Pero may mga kailangan pa siyang tapusin kaya nanatili pa siya hanggang alas nuebe ng gabi bago siya umalis.

Masyado siyang naging abala sa buong araw kaya medyo pagod na siya. Pagkapasok na pagkapasok niya sa sasakyan, agad siyang sumandal sa upuan nito.

Hindi na siya inistorbo ng kanyang assistant at tahimik na nalang nitong pinaandar ang sasakyan. Pagkalabas nila ng underground park, biglang tumunog ang phone ni Lu Jinnian.

Biglang nagbago ang itsura ni Lu Jinnian. Kinuha niya ang kanyang phone at tinignan ang screen nito. Natigilan siya at halata sa kanyang mga mata na nainis siya sa nakita niya at para bang may bigla siyang naalala. Tumingin siya sakanyang assistant at sinabi, "Sa Nan Luo Gu Gang tayo."

Nagtataka ang kanyang assistant sa pabigla-bigla niyang desisyon, pero pinigilan nitong magtanong at dumiretso nalang sa Nan Luo Gu Gang gaya ng inutos niya.

Hindi na pinasama ni Lu Jinnian ang kanyang assistant at pinaghintay niya nalang ito sa loob ng sasakyan. Lumabas siya ng mag-isa at naglakad sa isang makipot na daan. Matapos ang halos apatnapung minuto, bumalik siya na may dalang dalawang plastic bags. 

Pagkabalik niya sa loob ng sasakyan, ibinigay niya ang mas malaking bag sa assistant. "Kumuha ka ng cab sa junction sa may tapat ng Mian Xiu Garden, nasabihan ko na si Madam Chen kung ano ang gagawin, siya na ang bahala sayo."

Sobrang naguguluhan na ang assistant sa mga nangyayari kaya pinagmasdan nito si Lu Jinnian sa rear view mirror ngunit wala naman itong napansing kahit anong kaduda-duda kaya nagmaneho nalang ito papunta sa junction at bumaba ng sasakyan dala ang bag.