webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (8)

Editor: LiberReverieGroup

Lunes palang ngayon, kaya ibig sabihin may dalawang araw pa bago

mag'miyerkules. Isa pa, bakit hindi nalang ito magsabi kapag nakauwi na ito

kung magdidinner lang naman sila? Bakit kailangan pa nitong magtext? At bakit

may dalawang araw na pagitan…

Dahil hindi maintindihan ni Qiao Anhao ang ibig sabihin ni Lu Jinnian, nagreply

nalang siya ng isang [Oh.]

Huminga ng malalim si Lu Jinnian at ipinikit ang kanyang mga mata habang

inuulit ang mga pinaghandaan niyang salita na gagamit niya kapag umamin na

siya. Dahan-dahan niyang binigkas ang bawat salita at inisip niya ang sarili niya

habang sinasabi ang mga ito. Nang masigurado niya ng perpekto na ang lagat,

muli siyang umayos ng upo para magpatuloy sa pagtatrabaho.

Pero noong nagumpisa na siyang magbasa ng dokumento, muli nanamang

lumipad ang kanyang isip. Bandang huli, hindi niya na natiis kaya binitawan niya

ang mga dokumentong hawak niya at pinindot ang telpono na nasa kanyang

tabi. "Ihanda mo ang sasakyan, pupunta ako sa Li Jing Xuan."

-

Dahil hindi tinantanan ni Lu Jinnian ang kakapaalala, nagumpisa na ang

paghahanda sa venue kung saan siya aamin kahit may dalawang araw pang

pagitan.

Naka'set ang venue sa isang private room na open-air na nasa pinakamataas na

palapag ng Lin Jing Xuan. Kapag tumingala si Qiao Anhao, makikita nito ang

kalangitan na puno ng bituin, kapag naman tumingin ito sa gilid, makikita nito

ang nightview ng forbidden palace. Tunay ngang napakaperpekto ng lahat kahit

saang anggulo pa ito mapatingin.

Pagkarating ni Lu Jinnian sa venue, may nakita siyang ilang trabahador na

nagsasabit ng makukulay na ilaw sa balcony. Nang matapos ng mga ito na

mailagay sa pwesto ang mga dekorasyon, binuksan ng manager ang mga ilaw

para makita kung anong kalalabasan nito. Nagninignig ang mga makukulay na

bumbilya pero dahil maliwanag pa, hindi pa ito ganun kaespesyal tignan.

Ang pinaka huling ilaw na binuksan ay kulay pulang ilaw na nasa likod ng mga

salitang: "Dahil nakasama kita sa buong taon, naging maayos ang lahat."

Biglang sumikip ang dibdib ni Lu Jinnian at hindi niya napigilang maging

emosyonal nang biglang magliwanag ang mga salita.

Sa isang gilid ng balcony, may isang kahoy na lamesa na may nakapatong na

isang malaking European style na vase. Wala pang lamang bulaklak ang vase

pero nangingibabaw na ang kulay puting lace na nakabalot dito.

Habang ipinapaliwanag ng manager ang bawat detalye, itinuro nito ang isang

lamesang bato na nasa isang gilid, "Mr. Lu, maglalagay kami ng mga fresg na

Chinese Bellflowers doon, at papalibutan naming 'yun ng ilang kandila. Kagaya

ng request niyo, naginvite kami ng isang western chef na galing pa sa ibang

banda para magluto ng mga kakainin niyo sa gabing 'yun. Maging ang wine na

nirequest niyo ay nakahanda na rin…

"Para mas lalo pang maginit, maglalagay din kami ng makukulay na bulaklak sa

dulo ng balcony para kapag umihip ang malamig na simoy ng hangin,

magkakalat ang napakabangong aroma sa buong paligid…."

Habang nagpapaliwanag ang manager, tinignang maigi ni Lu Jinnian ang bawat

sulok at detalye hanggang sa masigurado niya na perpekto na ang lahat.

Tumungo siya at hindi siya mapakali na nagpaalala, "Kunin mo ang

pinakasariwang mga bulaklak na galing pa sa ibang bansa…Ang theme ay pink

at white, ayaw ni Qioa Qiao ng mga bulaklak na masyadong matingkad ang

pagkapula….

"Para naman sa lilies, kulay milky yellow ang piliin mo kasi nakita ko siya dati na

nakatitig sa ganoong bulaklak na nasa isang magazine… Kailangan rin ng

maraming Chiner Bellflowers, paborito niya kasi 'yun…Iorder mo ang lahat ng

kulay…Oh, para sa steak naman, siguraduhin mong lutong luto kasi ayaw ni

Qiao Qiao ng may dugo sa steak niya…Para sa prutas, ang paborito niya ay…"

Gusto lang sanang ipaalala ni Lu Jinnian ang mga paborito ni Qiao Anhao pero

bandang huli inulit niya na ang lahat ng detalye ng gusto niyang mangyari.

Habang nasa byahe paalis ng Li Jing Xuan, may nadaan silang isang shop na

nagtitinda ng mga panlalaking damit. Biglang may pumasok sa isip niya kaya

tumingin siya sakanyang assistant na nagmamaneho para sabihin, "Oh, wag

mong kakalimutan na bilhan ako ng damit bukas, kailangan bago ang lahat ng

isusuot ko mula panloob hanggang panlabas. Lahat."