webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (34)

Editor: LiberReverieGroup

Medyo matagal pa siyang nakahiga sa kama bago niya naramdaman ang matinding pananakit ng kanyang ulo.

.

Iniangat niya ang kanyang kamay para kapain ang kanyang ulo at doon niya lang naramdaman na may humihila sakanyang kamay. Tinignan niya ito at nakita niyang may tubo na nakakabit sakanya.

Hindi pa nahihimasmasan si Qiao Anhao. Paano siya nagkaroon ng swero?

Pinagmasdan niya ang kanyang paligid at napansin niya na nasa ospital siya. 

Biglang kumunot ang kanyang noo at sinusubukan niyang alalahanin ang mga nangyari hanggang sa makarinig siya ng isang sigaw. "Giding na siya! Sa wakas gising na ang pasyente sa room 101!" 

Ang nurse na nakasuot ng kulay pink na uniprme at masayang tumakbo papalapit sakanya. "Miss Qiao, gising ka na?"

Pagkatapos nitong magtanong, biglang nagbukas ng malakas ng pintuan ng kwarto. 

 "Qiao Qiao!"

"Qiao Qiao, gising ka na?"

May narinig si Qiao Anhao na dalawang pamilyar na boses na sa pagkakawari niya ay sobrang saya. Hindi nagtagal, bumungad sakanya ang masasayang mukha ng kanyang Aunt Xu at ni Xu Jiamu. May mga kasama itong mga doktor na pumalibot sakanya paa masuri siya. 

Hindi nagtagal, inalis ng doktor ang mask niyo at itinuro si Aunt Qiao at nagtanong kay Qiao Anhao, "Kilala mo ba kung sino siya?"

Paano niya naman makakalimutan ang kanyang auntie… Nagtatakang tumingin si Qiao Anhao sa doktor at sinabi, "Si Auntie." Doon niya lang napansin na medyo nanghihina ang kanyang boses. 

"Sino naman siya?" Tanong ng doktor habang nakaturo kay Xu Jiamu.

"...Brother Jiamu."

Tumungo ang doktor at humarap kina Aunt Qiao at Xu Jiamu at sinabi, "Maayos naman ang memory ni Miss Qiao at normal lang din ang kanyang heart pressure. Medyo napalala lang ang pagkakalaglag niya kaya analog ang utak niya na naging dahilan ng pagioging comatose niya ng ilang araw. Pero ngayon, gising na siya at mukhang wala namang ibang problema. Pwede na siyang makauwi sa bahay pagkalipas ng ilang araw.

Pagkalabas ng doktor, agad na lumapit su Aunt Qiaio sa tabi niya at hinahawakan ang kanyang kamay. Mangiyak ngiyak ang mga mata nitong nagsalita, "Qiao Qiao, gising ka na? Muntik mo ng mapatay si auntie sa sobrang takot."

"Ayos lang po ako." Sinigurado ni Qiao Anhao ang kanyang Auntie. Hindi nagtagal, bigla niyang naalala na may dinner date sila ni Lu Jinnian kaya dali daliu siyang dumungaw sa bintana. Nang makita niyang madilim na ang kalangitan, nagmamadali siyang nagtanong, "Anong oras na?"

Tinignan ni Xu Jiamu ang oras at sinabi, "Alas otso na."

Ganun na kagabi? Nagmamadaling umupo si Qiao Anhao pero dahil masyadong biglaan ang pagtayo niya, medyo nakaramdam siya ng hilo. Nandilim ang kanyang paningin at muntik pa siyang mahimatay ulit. 

Agad na lumapit si Xu Jiamy para alalayan siyang humiga muli sa kama. "Qiao Qiao, kagigising mo lang. Wag ka munang gumalaw."

"Hindi… may kadinner ako."

Biglang sumagot si Aunt Qiao, "May kadinner ka noong gabing iyon? Pero apat na araw at apat na gabi ka ng walang malay."

Apat na araw at apat na gabi? Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Qiao Anhao at bigla niyang inihagis ang unan. "Nasaan ang phone ko?"

"Baka nasa bahay namin ang phone mo. Ano pa man yan, mas mabuti kung magpagaling ka muna. Pangako, kukunin ko sa bahay bukas."

Ginatungan din ni Aunt Qiao si Xu Jiamu na kumbinsihin si Qiao Anhao, "Tama, Qiao Qiao, kakagising mo lang, wag ka munag magisip ng kung ano. Magpahinga ka nalang muna."

Gusto sanang hiramin ni Qiao Anhao ang phone ni Xu Jiamu pero nalala niya ang nangyari sa magkapatid ng dahil sa Xu Enterprise kaya hindi niya nalang itinuloy.