webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (24)

Editor: LiberReverieGroup

Gising pa si Qiao Anhao at nararamdaman niya na unti unting nawawala ang lakas ng kanyang katawan. Lalo siyang kinakabahan habang pahina siya ng pahina. Kagaya noong bago siya maaksidente, walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang text na isesend niya kay Lu Jinnian.

Natatakot siya na baka ito na ang huling pagkakataon na makausap niya si Lu Jinnian.

Sinubukan niyang iangat ang kanyang kamay sa kagustuhan niyang makuha ang kanyang phone, pero noong sandaling igalaw niya ang kanyang mga daliri, bigla niyang naramdaman ang sakit na halos tagos sa buto. Pinilit niya itong tiisin hanggang sa tuluyan niya na itong maabot. 

Pero wala talaga siyang sapat na lakas para iangat ang kanyang phone mula sa sahig kaya bandang huli hinila niya nalang ito papalapit sakanya. Noong mga oras na 'yun, saktong nagliwanag ito ngunit bago pa siya mabigyan ng pagkakataon na silipin ang screen nito, tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Pagkatapos ng mga nangyari, tatlong beses na sunod sunod na nagring ang kanyang phone – ding dong, ding dong. Ding ding. Nagliwanag ang kanyang phone sa magkakasunod na message ni Lu Jinnian.

[I'm Sorry.]

[Qiao Qiao, pagusapan natin ito ng mahinahon mamaya sa dinner natin.]

[Sa Li Jing Xuan, hihintayin kita.]

-

Noong naganap ang aksidente, may dalawang katulong na nakatokang magluto sa kusina. Nang marinig nila ang ingay, dali dali silang tumakbo palabas. Nakita nila ang mayordoma na hawak ang bukong-bukong nito at sumisigaw ng "Miss Qiao", hindi nagtagal nakita rin nila si Qiao Anhao na may hawak na phone habang nakahigang naliligo sa dugo.

Ang puting sahig ay nabalutan ng napakatingkad na kulay pula. Tunay ngang nakakapanindig balahibo ang eksena. 

Halos tatlong minutong nablangko ang dalawang katulong hanggang sa nahimasmasan ang isa sakanila at dali daling tumakbo palabas ng bahay. Tumakbo ito papunta kay Xu Jiamu at kinakabahang sumigaw, "Young master, young master! Naglaglag si Miss Qiao sa hagdanan…"

Nang marinig ni Xu Jiamu ang sinabi ng katulong, biglang nanginig ang kanyang daliri at nagmamadali niyang itinpon sa sahig ang halos kalahati niya pang sigarilyo. Nagmamadali siyang tumakbo papalapit sa katulong pero dahil nakaharang ito sa pintuan, kinailangan niya pa itong hawiin at tumambad sakanya si Qiao Anhao na naliligo sa dugo.

Bigla siyang namutla at sinigawan ang mga katulong na nakapaligid, "Ambulansya, bilisan niyo! Tumawag kayo ng ambulansya!"

Lumuhod siya sa harap ni Qiao Anhao at habang nanginginig ang kanyang mga daliri, dali dali niya itong binuhat palabas ng bahay.

-

Sinilip ni Han Ruchu ang mayordoma na katatayo lang mula sa sahig at paika ikang umaakyat ng hagdanan.

Napakunot ang noo ni Han Ruchu nang makita niyang nahihirapan itong maglakad. Pagkapasok ng mayordoma sa kwarto, agad niya itong tinanong, "Hindi ko naman sinabing gawin mo yan. Pwede ka namang magpanggap na injured, bakit kailangan mo talagang magpakainjured?"

Masyadong malakas ang pagkakatulak ko kay Miss Qiao kaya pati ako ay nasprain din.

Tumungo lang si Han Ruchu. Noong magsasalita na sana siya, sakto namang may kumatok mula sa labas. "Madam."

Habang nakaupo sa kama, nagpanggap si Han Ruchu na masama ang pakiramdam at sinabi, "Pasok."

Iniabot ng katulong ang isang phone at magalang na sinabi, "Mukhang kay Miss Qiao po yan."

Dahil nababalutan ang phone ng dugo, medyo nandiri si Han Ruchu kaya itinuro niya ang coffee table para sensyasan ang katulong na doon ilapag at sinabi, "Nagmamadali si Auntie Yun sa pagbaba kaya aksidente niyang nabangga si Qiao Qiao. Nasprain din siya kaya tulungan mo siyang makauwi para makapagpahinga muna siya."