webnovel

Labintatlong taon kitang minahal (20)

Editor: LiberReverieGroup

Ang mayordoma ang unang nakakita na pumasok na si Qiao Anhao. "Miss Qiao, nandito ka na pala?"

Ngumiti lang si Qiao Anhao at magalang na tumungo. Iniabot niya ang mga binili niyang masusustanyang produkto sa mayordoma.

Tinanggal ni Han Ruchu sakanyang noo ang kamay ni Xu Jiamu, na minamasahe siya. Dahan-dahan siyang umupo at tinapik ang kama. "Umupo ka."

"Aunt Xu, Brother Jiamu" Naglakad papalapit si Qiao Anhao at magalang na bumati bago siya umupo. 

Tinignan ni Han Ruchu ang mga masusustansyang produkto na pinamili ni Qiao Anhao sinabi ng mahinahaon ngunit halatang nanghihina, "Qiao Qiao, kung pupunta ka dito, pumunta ka lang. Bakit kailangan mo pang mag'abala?"

Kumuha si Xu Jiamu ng unan na inilagay nito sa tabi ni Han Ruchu. "Hindi ba pwedeng nagaalala lang sayo si Qiao Qiao…"

Ang mayordoma na kasalukuyang nagaayos ng mga pagkain ay biglang nagsalita, "Nasubaybayan na ni Madam ang paglaki ni Miss Qiao at simula una palang ay minahal niya siya ni ito. Mula nang mamatay ang kanyang mga magulang ay itinuring na siya ni Madam na parang tunay nitong anak kaya siguro hindi mapigilan ni Mis Qiao na magalala para kay Madam."

Nang marinig ni Qiao Anhao ang mga sinabi ng mayordoma, lalo lang siyang nakonsesnya. Napayuko nalang siya at pinilit niyang ngumiti. Hindi nagtagal, bigla siyang nagtanong na halatang nagaalala, |Aunt Xu, kamusta na po ang pakiramdam mo?"

Ngumiti si Han Ruchu. Marahil dahil na rin sa sakit niya, medyo mabagal itong kumilos at magsalita ngayon. Mahinahon itong sumagot, "Hindi naman ganun kaseryoso. Medyo uminit lang ang ulo ko kanina kaya hinimatay ako."

Muli nanamang sumingit ang mayordoma, "Anong hindi seryoso? Ang galit ang pumapatay sa puso ng isang tao. Maswerte ka Madam, dahil ang sobrang galit ay pwedeng ikamatay…"

"Wag ka ngang magsalita ng mga walang kakwenta kwentang bagay sa harap ng mga bata!" Biglang pinatigin ni Han Ruchu ang mayordoma sa pagsasalita nito. Dahil medyo tumaas ang kanyang emosyon, bigla siyang inubo.

"Ma!"

"Aunt Xu!"

Sabay na tinapik nina Qiao Anhao at Xu Jiamu ang likod ni Han Ruchu. Upang gumaan ang pakiramdam, hinimas ni Han Ruchu ang kanyang dibdib. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita ng kalmado, "Ayos lang ako. Hin di talaga naiiwasang magkasakit ng isang tao lalo na kapag tumatanda na siya. Nagkataon lang siguro ngayong araw."

Hindi pa nakuntento ang mayordoma at muli siyang nagsalita, "Madam, sa mga oras na ito, ano bang kailangan mong itago? Tinawagan ka ng bastardong iyon kanina kaya ka nagalit. Gusto niyang makuha ang mana ng young master. Talagang napakawalang utang na loob niya. Dapat talaga hindi na niligtas ng young master ang buhay niya!"

Napakunot ang noo ni Qiao Anhao habang nakatingin sa mayordoma na nagsabi ng salitang 'bastardo' at naguguluhang nagtanong, "Iniligtas ang kaninong buhay?"

"Miss Qiao, siguro hindi mo pa alam, pero noong tatlong taong gulang ang bastardong iyon ay nagkaroon siya hg leukemia. Ang master ang nagdonate sakanya ng bone marrow para mailigtas ang buhay niya. Kung hindi dahil sa young master ay malamang patay na siya ngayon! Bilang kapalit noong mga oras na yun, nagkaroon ng kasunduan na hinding hindi siya magmamana ng kahit ano sa mga Xu. Isa pa, hindi rin siya pwedeng ipapakilala sakanyang mga ninuno o kaya naman ay makakatungtong sa mansyon ng mga Xu. Ngayon, ninakaw na ng bastardong yun ang lahat!"

Nagkaroon ng leukemia si Lu Jinnian noong tatlong taong gulang palang ito? Si Xu Jiamu ang nagdonate ng bone marrow para iligtas ang buhay nito?

Yun pala ang dahilan kung bakit hindi pumupunta si Lu Jinnian sa mansyon ng mga Xu. Noong nagaaral palang si Qiao Anhao, hindi niya maintindihan kung bakit mukhang mahirap si Lu Jinnian gayong alam niya na malaki naman ang negosyo ng Xu family. Kahit na malapit sila ni Xu Jiamu, kahit kailan ay hindi niya pa nagagawang tanungin ito ng mga pribadong bagay kaya wala siyangkahit anong ideya.