webnovel

Kung ayaw nila sayo, papakasalan nalang kita (4)

Editor: LiberReverieGroup

Napansin ni Qiao Anhao na parang may kakaiba sa mga kilos ni Lu Jinnian kaya tinitigan niya ito na para bang takang taka sa nangyayari. "Anong meron? Mukang hindi ka mapakali."

"Wala." Biglang nahimasmasan si Lu Jinnian nang marinig niya ang tanong ni Qiao Anhao. Tinignan niya ang orasan na nasa pader at nang mapansin niyang ala una na ng madaling araw, muli niyang binuhat si Qiao Anhao para maingat itong ihiga sa kama. Kinumutan niya ito ng maigi at noong papatayin niya na ang mga ilaw ay muli siyang nagsalita, "Malalim na ang gabi, magpahinga ka na."

Noong nga oras na 'yun lang naalala ni Qiao Anhao na basang basa pa ang buhok at mga damit ni Lu Jinnian. Pareho silang sumugod sa ulan, pero bukod tanging siya lang ang inisip nito kaya kinikilig niyang sinabi, "Lu Jinnian, magshower ka na. Baka magkasakit ka."

"Sige." Sumagot si Lu jinnian pero nanatili siya sakanyang kinatatayuan at nakatitig lang kay Qiao Anhao. "Mamaya na ako maliligo, matulog ka muna."

Hindi na nagpumilit si Qiao Anhao at ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata. Ramdam niya na may kakaiba kay Lu Jinnian pero hindi niya alam kung ano man yun.

Pagkagising niya kinaumagahan, tumawag kaagad sakanya si Lu Jinnian para sabihing may pupuntahan sila.

Hindi nila nakasanayang magtravel kahit pa madalas silang magkasama. Nagtaka siya kung bakit biglang pumasok si isip ni Lu Jinnian na yayain siyang umalis pero imbes na magtanong ay masaya siyang pumayag at dali daling nagempake ng ilang sakanyang mga damit.

Ang buong akala niya ay malapit lang sa Beijing ang destinasyon nila kaya nagulat siya nang malaman niyang dadayo pala sila sa kabilang dako ng China!

Mula sa Luoyang, pumunta sila sa Xian at sa Hainan bago sila dumiretso sa Hangzhou at Nanjing.

Nakita ni Qiao Anhao ang mga terracotta warrior, at inakyat niya rin ang Mount Hua. Medyo nahirapan siyang maglakad sa makipot na daan dahil masyadong mataas ang takong na suot niya kaya nagdesisyon si Lu Jinnian na buhatin nalang siya noong pababa na sila.

Ilang beses ng nakapunta si Qiao Anhao sa Shanghai at kagaya ng Beijing, marami ring magagandang bilihan dito kaya masarap talagang magshopping. Sa loob ng tatlong araw nilang pananatli dito, marami silang nabiling iba't-ibang gamit kaya kinailangan nilang pumunta ng mahigit limang beses sa courier.

Tanghali na sila nakarating sa Hainan. Pagkacheck in na pagkacheck in, agad na dumiretso si Qiao Anhao sa isang boutique na nasa loob ng hotel para bumili ng beach dress at beach hat. Nang masigurado niyang maganda na siya, niyaya niya si Lu Jinnian na pumunta sa beach at sumakay sila sa banana boat.

Habang nasa Bangka, aksidenteng nalaglag si Qiao Anhao sa dagat kaya walang pagdadalawang isip na tumalon si Lu Jinnian at lumangoy ng di hamak na mas mabilis kumpara sa mga life guard para iligtas siya. Hindi naman masyadong natakot si Qiao Anhao dahil pareho naman silang may life jacket pero medyo marami rin siyang nainom na tubig dagat kaya hindi niya napigilan ang sarili niyang maidura ito sa mukha ni Lu Jinnian.

Bukod sa Beijing, isa rin ang Hangzhou sa mga lugar na punong puno sila ng mga alaala. Marami ng napuntahan dito si Qiao Anhao dahil madalas niyang bisitahin si Lu Jinnian noong nagaaral palang sila. Pagkarating nila dito, naglakad sila sa memory lane, nagbike sa loob ng Song at Xitang, kung saan may nakita silang pagawaan ng paso at sa tulong ng may ari ng tindahan, hindi na nila pinaglapas ang pagkakataon na subukang gumawa ng paso.