webnovel

Kasal (9)

Editor: LiberReverieGroup

"Kung matutuwa ako sa sagot mo, handa akong patawarin ang lahat ng nagawa

mo sa akin: sa hindi mo pagsipot, at sa…"– Natigilan si Lu Jinnian dahil bigla

niyang naalala ang gabi na natanggap niya ang pinaka masakit na text mula kay

Qiao Anhao. Nandilim ang kanyang paningin, pero agad niya rin namang

naikalma ang kanyang sarili –"lahat ng mga sinabi mo sa akin, kakalimutan ko

ang mga 'yun."

Noong nakaramdam si Qiao Anhao ng pagasa, agad siyang tumahan at tinignan

si Lu Jinnian ng diretso sa mga mata. "Sabihin mo sa akin."

Pagkatapos niyang umiyak ng matagal, kinusot niya ang kanyang ilong kaya lalo

pa siyang nagmukhang kawawa.

"Qiao Qiao…" Ramdam na ramdam ang matinding sakit sa mga mata ni Lu

Jinnian habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Qiao Anhao, "Bigyan mo ako

ng dahilan."

Hindi maintindihan ni Qiao Anhao kung ano ang ibig sabihin ni Lu Jinnian.

Ibinuka niya ang kanyang bibig ngunit walang lumabas na kahit anong salita.

Hindi nagtagal, muling nagpatuloy si Lu Jinnian, "Bigyan mo ako ng rason para

paniwalaan kita na mahal mo talaga ako."

Kahit ilang beses ng sinabi ni Qiao Anhao na mahal niya talaga si Lu Jinnian,

kahit ilang beses na siyang gumawa ng paran para i'harass ito para lang

mapansin siya nito, kahit binalewala niya na ang magiging tingin sakanya ng

ibang tao noong umiyak at nagwala siya dahil ayaw niyang umalis…. Sa kabila

ng napaka rami niyang ginawa para makumbisi si Lu Jinnian na gusto niya

talaga itong makasama… Ngayon, hinahanapan pa rin siya nito ng rason.

Simula noong natanggap ni Lu Jinnian ang text na "May karapatan ka ba",

tuluyan na siyang nawalan ng lakas ng loob.

Pagkatapos niyang masabi ang kanyang tanong, nanatili siya sa kanyang

kinatatayuan habang nakatitig kay Qiao Anhao.

Kailangan niyang magbigay ng rason para mapatunayan na mahal niya talaga si

Lu Jinnian?

Muling bumuhos ang mga luha sa mukha ni Qiao Anhao pero hindi nagtagal ay

agad din siyang kumalma at naging seryoso. Napakunot siya ng kanyang noo

habang iniisip ng mabuti kung ano bang dapat niyang isagot.

Noong mga oras na 'yun, biglang nabalot ng katahimikan ang sulok kung saan

sila nakatayo.

Minsan, may mga naririnig silang tunog ng mga eroplanong lumilipad.

Dalawang minuto palang ang lumilipas pero pakiramdam ni Lu Jinnian ay

habang buhay na siyang naghihintay. Hindi nagtagal, unti unting gumaan ang

kanyang mga kamay na nakahawak sa mga balikat ni Qiao Anhao at noong

bibitaw na sana siya ay bigla naman itong nagsalita. "Lu Jinnian…"

Namamaga na ang mga mata ni Qiao Anhao sa sobrang kakaiyak. Namumula na

rin ang ilong nito at maging ang mga hibla ng buhok nito ay nagkabuhol buhol

din. Mukha talaga itong kawawa, pero kitang kita ni Lu Jinnian ang sinseridad sa

itsura nito. "Magpakasal na tayo."

Kung kailangan ni Lu Jinnian ng dahilan para maniwala ito na talagang mahal

niya ito, wala ng ibang maisip si Qiao Anhao kundi ang yayain itong

magpakasal.

"Hindi ba ang sabi mo sa akin dati, handa kang pakasalan ako kung wala ng

magkakagusto sa akin. Pwede mo na akong pakasalan ngayon, at ibibigay ko

sayo ang lahat ng mga natitirang araw ng buhay ko, sa tingin mo ba sapat na

ito?"

Noong sandaling marinig ni Lu Jinnian ang sinabi ni Qiao Anhao, biglang

nanigas ang kanyang buong katawan at sa sobrang pagkagulat ay nakatitig lang

siya rito.

Habang tumatagal ang pananahimik ni Lu Jinnian, pabilis ng pabilis ang tibok ng

puso ni Qiao Anhao sa sobrang kaba. Hindi pa ba sapat kay Lu Jinnian ang

ibinigay niyang rason? O baka naman ayaw lang talaga siya nitong makasama?

Pagkalipas ng kalahating minuto na hindi pa rin umiimik si Lu Jinnian, sobrang

natakot na si Qiao Anhao kaya muli nanaman siyang naiyak at hindi mapakaling

nagsalita, "Lu Jinnian, kung hindi pa sapat ang sinabi ko, may pwede pa akong

idagdag. May bata na sa sinapupunan ko ngayon, hindi mo naman papabayaan

ang bata, tama?"