webnovel

Buntis Ako (8)

Editor: LiberReverieGroup

Sa puntong 'to, isa-isa ng tumulo ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni

Qiao Anhao.

Sa ibaba ng entablado, ang mga hurado na akala niyang hindi magiging

interasado ay dalang-dala na rin sa kwento niya.

Pinilit ni Qiao Anhao na ngumiti at dahan-dahang magpatuloy, "May

pagkakataon na umalis siya at iniwan niya ako. Pero bago umalis, nagemail

muna siya sa kaibigan niya… Soooobrang haba ng email at umabot yun sa

limang page at tatlo dun, ay puro tungkol sa isang babae…. Sa akin… at

hanggang sa pinaka huling linya, nandun pa rin ang pangalan ko."

Habang tumatagal, pautal-utal na si Qiao Anhao dahil dalang-dala na siya ng

kanyang emosyon. "Pagkalipas ng matagal na panahon, nalaman ko na

pumunta pala siyang America kaya pinuntahan ko siya. Noong nandun kami,

dinala niya ako sa isang Chinese Restaurant at dahil ako lang naman ang

kakain, isang ulam lang ang pinili ko, pero noong binigay ko na sakanya ang

menu… walang tingin-tingin siyang namili ng mga gusto niyang idagdag. Akala

ko, wala lang pero noong dumating na mga pagkain, doon ko lang narealize

na lahat ng inorder niya ay mga paborito ko.

"Noong oras na yun, gustong gusto siyang tanungin: Ilang beses kang

kumakain sa Chinese Restaurant na 'to? At ilang beses mo bang inoorder ang

mga paborito kong pagkain para makabisado mo na ang menu?

"Habang nagfifilm ako ng 'Heavenly Sword'… Medyo maliit lang ang budget

ng production tapos isang gabi, may magnanakaw na pumasok sa kwarto ko.

Siguro nagulat yung magnanakaw na bigla akong nagising kaya tinakluban

niya ng unan ang mukha ko hanngang sa hindi na ako makahinga.

Pero…nagpakita siya… niligtas niya ako…at nagmamadaling umalis. Noong

panahon na 'yun, magkahiwalay kami. Yun ang pangalawang beses na niligtas

niya ang buhay ko at kung nasa sinaunang panahon lang tayo, kapag niligtas

ka ng isang tao ng isang beses, ibig sabihin nun, iaalay mo na ang buhay mo

sakanila. Dalawang beses niya akong hinintay, kaya utang ko sakanya ang

buhay kong 'to at ang susunod kong buhay."

Habang nagsasalita si Qiao Anhao, karamihan sa mga manunuod ay nadadala

na rin at hindi na mapigilang umiyak.

"Wala akong intensyong magmayabang kung gaano ako kasaya, pero

masayang masaya talaga ako. Kahit na pagyayabang pa 'to, hindi ko naman

'to ikamamatay, diba? Basta ang gusto ko lang ay umakyat ako sa stage para

ikwento kung ano yung mga nagawa niya sakin. Ito ang unang beses na

maririnig niya kong magkwento, at kahit na hindi ko nasasabi ang mga ito

sakanya noon, nakatatak ang lahat sa puso ko.

"At… para tapusin ang kwento ko, may gusto lang akong sabihin sakanya."

Pagkatapos niyang magsalita, bigla niyang itinaas ang isa niyang kamay na

walang hawak.

"I." Ibinuka niya ang kanyang kamay para maging 'papel'

.

'Love.' Na naging 'gunting'.

"You." Na naging 'bato'.

"Mr. Lu, nagcoconfess sayo si Miss Qiao sa harap ng buong mundo!" Kinikilig

na bulong ng assistant.

Pero parang wala ng ibang nakikita si Lu Jinnian kundi si Qiao Anhao nalang

at nakatitig lang siya rito habang nakangiti.

Sa totoo lang, nalungkot siya noong una na hindi nito naperform ang

pinaghirapan nitong drum dance… Pero hindi niya naman akalain na

mapapalitan ito ng isang napakagandang sorpresa.

Papel, gunting, bato.

Ito ang pinaka magandang confession gamit ang hand sign na minsan niyang

ginamit para magconfess kay Qiao Anhao...

Parehong pareho sila ng ginawa… Ang pinagkaiba lang ay nakatayo ito sa

entablado at nagkwekwento sa lahat.

Sa dami ng sinabi ni Qiao Anhao, hindi pa siya kuntento at marami pa sana

siyang gustong idagdag, kagaya ng : "Minahal kita ng labintatlong taon." Pero,

bigla niyang naalala ang love letter na hindi niya naibigay kaya gusto niya

sanang maging parte ito ng isa niya pang sorpresa kaya sa pagkakataong ito,

pinigilan niya nalang ang sarili niya at yumuko. "Tapos na ang kwento ko.

Maraming salamat sainyong lahat."

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Bandang huli, biglang nahimasmasan ang assistant ni Lu Jinnian at dali-daling

pumalakpak na sinundan naman ng lahat kaya hindi nagtagal, napuno ang

buong venue ng hiyawan.