webnovel

Bakit ayaw mo sa anak ko? (14)

Editor: LiberReverieGroup

Ilang beses na sinabi ni Qiao Anhao ng pabulong, "Sinong nagbigay sayo ng karapatan?" Tumingala siya sa kisame habang paulit ulit niyang pinupunasan ang mga luha niyang walang tigil sa pagbuhos. Hindi nagtagal, ibinaling niya ang kanyang tigin sa labas para pagmasdan ang ulan.

Unti-unti, inalala niya kung paano siya nahulog kay Lu Jinnian. Umuulan din noong araw na yun kagaya ngayon. Parang may biglang tumusok sa puso niya kaya hindi niya nanaman napigilan ang sarili niya at muli nanaman siyang umiyak.

Sa pagkakataong ito, tumahan din siya kaagad. Matapos niyang mahimasmasan, tinitigan niya si Lu Jinnian ng may mga pilikmatang basang basa ng luha. Hindi niya mapigilan ang bugso ng kanyang damdamin kaya muli siyang nagsalita, "Lu Jinnian, seryoso, naiintindihan ko naman kung bakit mo 'yun ginawa. Asawa ako ni Xu Jiamu sa pangalan kaya hindi talaga pwedeng mabuhay ang bata. Pero kahit naiintindihan ko ang intensyon mo, hindi pa rin kita magagawang patawarin. 

"Kaya ko ring maging kasing sama mo…"

Pahina ng pahina ang boses ni Qiao Anhao. Ang buong akala niya noon ay wala ng papantay sa sakit na nararamdama ng taong hindi kayang magmahal, pero nagbago ang lahat ngayon dahil napagtanto niya na mas masakit pala ang katotohanan na kahit sinaktan na siya ng sobra ni Lu Jinnian pero hindi niya pa rin kayang pigilan ang kanyang pagmamahal para rito.

Yumuko siya sa pagitan ng kanyang mga tuhod at malungkot niyang sinabi, "Kung mabait ka lang sa akin dahil nakokonsensya ka, wag ka ng mag'abala dahil hindi ka na makakabawi sa ginawa mo…"

Gulat na gulat si Lu Jinnian sa mga sinabi ni Qiao Anhao, at ngayon niya lang naproseso ang tunay na nangyari. Alam na ni Qiao Anhao ang tungkol sa abortion? Pero binayaran niya na ng malaki ang mga doktor at nurse para hindi magsalita ang mga ito…

Habang iniisip niya kung paano nalaman ni Qiao Anhao, bigla niyang narinig ang huling sinabi nito: "wag ka ng mag'abala dahil hindi ka na makakabawi sa ginawa mo…"

Bigla siyang nagkaroon ng pagasa at walang pagdadalawang isip na sinabi, "Gusto mong layuan kita dahil iniisip mo na ipinalaglag ko ang bata?" 

Hindi inaasahan ni Qiao Anhao ang naging tanong ni Lu Jinnian. Sa sobrang galit niya, napahawak siya ng mahigpit sa kanyang kwelyo at hindi niya kayang tumingin kay Lu Jinnian dahil nagbabadya nanamang tumulo ang kanyang mga luha. Hindi nagtagal, muli siyang nagsalita na puno ng poot, "Pinatay mo ang anak ko…"

Dahil sa sagot ni Qiao Anhao, medyo nainis si Lu Jinnian kaya bigla niyang hinawakan ang balikat nito at muling nagtanong. "Qiao Qiao, sagutin mo muna ang tanong ko. Gusto mo akong layuan dahil sa bata?"

Muling yumuko si Qiao Anhao sa pagitan ng kanyang mga tuhod at sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakawak ni Lu Jinnian.

Pero pang hinigpitan ni Lu Jinnian ang kanyang pagkakahawak at muling nagtanong, "Sagutin mo ako…"

Bago pa siya matapos sakanyang pagtatanong, biglang iniangat ni Qiao Anhao ang ulo nito at galit na galit na sinabi, "OO!"

Sapat na ang isang salitang sinabi ni Qiao Anhao. Bumakas sa mukha ni Lu Jinnian ang isang masayang ngiti at dali-dali niya itong hinila para yakapin ng mahigpit.