webnovel

Ang mga text message sa phone (37)

Editor: LiberReverieGroup

Pero bago pa makapagsalita si Han Ruchu, bigla siyang kinaladkad palabas

ni Xu Jiamu sa harap ng lahat.

Pagkabalik ng mag'ina, saktong maguumpisa na rin ang charity auction.

Tumayo ang host sa stage para sabihin sa mic na opisyal ng maguumpisa

ang auction.

Umupo si Qiao Anhao sa tabi ng kanyang Auntie. Agad niyang nakita sina Xu

Jiamu at Han Ruchu na magkatabing nakaupo sa hindi kalayuan. Halatang

nagtalo ang mag'ina dahil parehong nakasimangot ang mga ito.

Dahil dumalo ang mga tao para sa charity auction, mukha talagang

interesado ang mga ito na mag'bid para makapagdonate ng magandang

halaga.

Sa totoo lang, hindi naman talaga maganda ang mga binibid sa mga ganitong

klaseng charity gala, pero sympre nagpupumilit ang mga tao na makuha ang

final item dahil ito ang magiging basehan kung sino ang pinaka mayaman.

Hindi ganun kamahal ang mga naunang items at karamihan sa mga ito ay

alahas, dyamantye, o kaya mga pangdisplay sa bahay.

Pareho lang ang proseso sa lahat ng auction at dahil madalas ng pumupunta

sa ganito si Qiao Anhao, kabisadong-kabisado niya na ang pagkakasunod ng

mga mangyayari.

Mahigit isang oras din ang lumipas bago dumating ang pinakahihintay na

parte ng lahat. Biglang nabuhayan ang mga audience na halos makatulog na

sa pagkabagot, at maging ang host ay biglang ring wild noong kunin nito ang

mic para magbiro at mambola sa mga tao.

"Ang susunod nating item ay isang wardrobe na pinangalanang Miracle.

Tatlumpung karpintero ang nagtulong-tulong sa loob ng anim na tao para

mabuo ang kakaiba at mamahaling produkto kagaya nito. Ang bid ay

maguumpisa sa one billion, two thousand million RMB. Ngayon, tignan na

nating lahat ang wardrobe na si Miracle…."

Pagkatapos magsalita ng host, dahan-dahan na nagbukas ang kurtina para

mareveal ang kulay dark green na wardrobe. Napapalibutan ito ng makukulay

na dyamante kaya para itong nagniningning kapag natatamaan ng araw.

Tunay ngang napaka miraculous niya, tama? Ngayon, iauction na natin siya.

Magumpisa na tayong mag'bid-"

Tatlong segundo pagkatapos magsalita ng host ay may nanguna na sa

pagbibid. "One billion, two thousand, three hundred million RMB."

"One billion, two thousand eight hundred million RMB."

"One billion, three thousand million RMB.

Sa loob lang ng dalawampung minuto, umabot na ang presyo ng Miracle sa

dalawang bilyong RMB. Nagtuloy-tuloy lang nag pagbibid na para bang ayaw

tumigil ng mga tao. Pero noong umabot na ito ng tatlong bilyong RMB, dalawa

o tatlong pamilya nalang ang natira. Nang tumaas pa ng two thousand million,

ang Qiao Family na ang nangunguna.

"Three billion two thousand million, going once."

"Three billion two thousand million, going twice."

Noong sisigaw na sana ang host ng salitang 'sold', bigla namang nagsalita si

Han Ruchu, na kanina pa nanahimik, "Three billion four thousand million."

Biglang nagsigawan ang lahat.

Walang alam ang mga tao na ibang iba na ang buhay ng Xu Family simula

noong mawala sa mga ito ang Xu Enterprise.

Pero marami pa rin ang nagulat noong sumigaw si Han Ruchu ng 'Three

billion four thousand million'.

Ito ang pinaka hinihintay na sandali ni Qiao Anhao.

Sa totoo lang, napagusapan na nila ni Qiao Anxia ang magiging sistema ng

auction.

Sinabi sakanya ng pinsan niya na dahil sa biglaang pagbabago ng buhay ng

Xu Family, humingi sila ngayon ng tulong sa Qiao Family para makuha ang

final item. Gustong palabasin ng pamilya na mayaman pa rin sila kahit na

hindi na sila ang major stockholder ng Xu Enterprise. Malaking halaga ang

kailangan nilang ilabas pero ang hindi alam ng lahat ay mas malaki ang

magiging balik sakanila kapag sila ang nanalo.