webnovel

Ang mga text message sa phone (10)

Editor: LiberReverieGroup

Nagpanggap si Qiao Anhao na wala siyang nakita at nagpatuloy lang siya sa

pagpunas ng kanyang mga kamay. Nang masigurado niyang wala na siyang

nakalimutang gawin, agad niyang binuksan ang pintuan at lumabas.

Galit na galit ang itsura ni Lin Shiyi at humupa lang ito noong narinig niyang

nagsara na ang pintuan. Hindi niya na kayang kimkimin ang lahat ng sama ng

loob kaya pagkalabas na pagkalabas ni Qiao Anhao, tuluyan na siyang umiyak.

Noon, hindi niya matanggap na natalo siya kay Qiao Anhao dahil sa suporta ni

Lu Jinnian. Sa tuwiung susubukan niyang kalabanin ito, siya lang ang mas

nadedehado. PALAGI! Ngayon na nasa iisang set nanaman sila ni Qiao Anhao,

naglakas loob lang siya na kalabanin ito ulit dahil nabalitaan niya na wala na si

Lu Jinnian sa Beijing. Pero, sino bang magaakala… na kagaya pa rin pala ng

dati ang kahahantungan niya. Para nanaman siyang kumuha ng isang malaking

bato na binagsak niya sa sarili niyang paa.

Hindi ba ang sabi sa balita, bigla nalang nawala si Lu Jinnian? Paano nangyari

na nandito nanaman siya?

Biglang kumunot ang noo ni Lin Shiyi. Naalala niya na may nakita siyang

kapareho ng tindig ni Lu Jinnian kagabi. May kasama itong foreigner na babae

at tandang tanda niya na pumasok ang dalawa sa isang kwarto sa Four

Seasons Hotel... Noong oras na 'yun, naramdaman niya na baka si Lu Jinnian

nga ang nakita niya pero agad niya rin itong binalewala dahil ang pagkakaalam

niya ay nawawala pa rin si Lu Jinnian. Pero ngayon, mukhang tama nga ang

kutob niya…

-

Pagkalabas ni Qiao Anhao sa CR, agad siyang bumalik sa make up room.

Napansin niya na wala na si Lu Jinnian sa loob kaya dali-dali niyang kinuha ang

kanyang bag para hanapin ito. Pero, noong palabas na sana siya ng pintuan,

bigla naman siyang tinawag ng isang eighteen-year old na dalaga. "Sis Anhao,

boyfriend mo ba talaga si Mr. Lu?"

-

Alam ni Lu Jinnian na medyo matagal siyang maghihitay kay Qiao Anhao kaya

lumabas muna siya para manigarilyo. Base sa pagkakakilala niya sakanyang

asawa, sigurado siyang magaalala ito kapag hindi siya niya nito nakita kaya

agad din siyang bumalik sa make up room, pero nang sandaling buksan niya

ang pintuan, saktong narinig niya na may nagtatanong kay Qiao Anhao. Hindi

niya rin alam kung bakit pero noong oras na 'yun, bigla siyang natigilan at

napatitig nalang sa mukha ni Qiao Anhao.

Noong nagkainitan sina Zhao Meng at Lin Shiyi, napilitan si Qiao Anhao na

papuntahin si Lu Jinnian para ipagtanggol sila. Sa lahat ng nangyari, halata

namang may kakaiba sa realsyon nila.

Sampung araw na silang kasal ni Lu Jinnian, pero hanggang ngayon ay wala pa

itong sinasabihan ng tungkol sa pagiging mag-asawa nila at ayaw niya rin

namang pangunahan ito.

Kaya sa naging biglaang pagtatanong sakanya ng dalaga, ano nga bang dapat

niyang isagot?

Inisip ni Qiao Anhao ng maigi ang isasagot niya kaya ilang sandali pa ang

lumipas bago siya dahan-dahang umiling. "Hindi."

Nang marinig ni Lu Jinnian ang sagot ni Qiao Anhao, bigla niyang ikinuyom ang

kanyang mga kamay. Hindi niya inaasahan na itatanggi siya nito kaya sobrang

nanlumo siya.

Samantalang si Qiao Anhao naman na nasa loob ng make up room ay biglang

ngumiti sa dalaga at malumanay na nagpatuloy, "Hindi ko boyfriend si Lu

Jinnian, asawa ko siya."

Yun naman talaga ang totoo, kaya anong dahilan bakit siya magsisinungaling?

Magagalit ba si Lu Jinnian dahil umamin siya?

Si Lu JIinnian, na sobrang nasaktan at nalungkot sa unang sagot ni Qiao

Anhao, ay biglang bumilis ang tibok ng puso nang sandaling marinig niya ang

pagpapatuloy nito.

Hindi niya naisip na aamin si Qiao Anhao.

Ang nagiisang rason lang naman kung bakit hindi niya pa sinasabi sa iba ang

tungkol sa relasyon nila ay dahil hindi pa siya sigurado kung talaga bang mahal

siya ni Qiao Anhao. Pero ngayon, pinapunta siya nito sa set para ipagmalaki sa

lahat at walang pagdadalawang isip na umaming magasawa sila…. Hindi kaya

talagang gusto rin siya nito?

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Lu Jinnian habang pinagmamasdan niya si

Qiao Anhao na nakikipagusap pa rin sa dalaga. Ayaw niya ng istorbohin ang

dalawa kaya dahan-dahan niyang isinara ang pintuan at naghintay nalang sa

labas.

-

Nagaalala si Qiao Anhao na baka naiinip na si Lu Jinnian kaka'antay sakanya

kaya pagkatapos niyang sagutin ang tanong ng dalaga ay agad na rin siyang

nagpaalam at nagmamadaling naglakad palabas. Pero noong malapit na siya sa

pintuan, hindi niya inaasahan na may bigla nanamang tatawag sakanya.

"Qiao Anhao."