webnovel

Ang Love Letter mula sa nakaraan (1)

Editor: LiberReverieGroup

Biglang natigilan si Qiao Anhao at matapos ang ilang sandali, muli siyang

nagpatuloy, "Buntis kasi ako."

-

Biglang kumunot ang noo ni Lu Jinnian nang marinig niyang pumunta si Qiao

Anhao sa ospital kahapon.

Ospital? Bakit pumunta si Qiao Qiao ng ospital kahapon? Bakit wala siyang

kaalam alam?

Biglang naalala ng assistant kung paano siya pagalitan ni Lu Jinnian kahapon

sa sobrang pagaalala, "Mr. Lu, yun ba ang dahilan kung bakit siya umiiyak

kahapon? Meron ba siyang malubhang sakit…"

Pero bago pa siya matapos sa pagsasalita, bigla siyang tinignan ng masama

ni Lu Jinnian kaya dali-dali niyang tinakpan ang kanyang bibig. "Mr. Lu, wag

mo kong pakinggan… wala lang yun… hindi ako nagiisip…"

Hindi na sumagot si Lu Jinnian sakanyang assistant at muling tinignan si Qiao

Anhao, na nakatayo stage. Kahit na pinipilit niyang kumalma, hindi siya

mapanatag na baka totoo ang sinasabi ng assistant…

Totoo kayang may malubhang sakit si Qiao Qiao…

Pero hindi niya napoproseso ang lahat nang muli niyang marinig ang

mahinahong boses ni Qiao Anhao, "Buntis kasi ako."

Biglang kumalma si Lu Jinnian sa kinauupuan niya habang nakatingin kay

Qiao Anhao, na para bang wala siyang narinig na kahit ano.

Samantalang ang kanyang assistant na nakaupo sa tabi niya ay biglang

natigilan at hindi makapaniwala sa narinig.

Maging ang mga hurado at mga manunuod ay napanganga rin sa sobrang

gulat.

"Gusto kong alagaan ang baby ko, kaya bago siya maipangak, nagdesisyon

ako na hindi ako tatanggap ng kahit anong trabaho. Para naman sa naging

problema, ang masasabi ko lang ay sobrang pasensya sa inyong lahat."

Pagkatapos magsalita, muling yumuko si Qiao Anhao.

Wala ng nakapagsalita pagkatapos niyang magpaliwanag…

Sobrang sadista naman ata ng production kung pipilitin nilang magpa'abort si

Qiao Anhao para sa pelikula… Isa pa, buhay ang pinaguusapan dito.

Pero kung hindi kukunin ni Qiao Anhao ang role, ibibigay nalang ba nila sa

first runner up?

Bago magdesisyon, muling nagkumpulan ang mga organizer para gumawa ng

plano at ang interpreter ay inulit ang sinabi ni Qiao Anhao sa Amerikanong

Direktor. Mukhang naintindihan naman nito ang sitwasyon at tumungo lang

bago nito kamayan si Qiao Anhao, "Congratulations."

Dali-daling nakipagkamay si Qiao Anhao sa direktor.

Sa kauna-unahang pagkakataon, kinuha ng direktor ang microphone at sinabi,

"This is something definitely worth being happy over. I will speak with the

people in charge of the movie, to convince them to start it after the baby is

born."

Kahit noong pangalawang beses na sinabi ni Qiao Anhao ang tungkol sa baby,

walang pa ring reaksyon si Lu Jinnian at nanatili siyang kalmado habang

nakatitig sa asawa. Parang wala siya sa sarili niya hanggang sa magsalita ang

direktor. Doon lang siya nahimasmasan at nagtatakang tumingin kay Qiao

Anhao. Iniisip niya na baka nagkamali lang siya ng rinig kaya pinilit niyang

maging kalmado at tumingin sa assistant, "Anong sinabi ni Qiao Qiao?"

Maging ang assistant ay hindi rin makapaniwala sa magandang balita kaya

nang mahimasmasan sa tanong ni Lu Jinnian, dali-dali siyang tumingin dito at

masaya sinabi, "Mr. Lu, ang sabi ni Miss Qiao, buntis raw siya."