webnovel

Ang Katapusan (25)

Editor: LiberReverieGroup

Sa totoo lang, sobrang kinabahan si Xu Jiamu noong una, pero ngayong

naumpisahan niya na, di hamak na mas lumakas na ang kanyang loob…

Sobrang seryoso ng kanyang mukha habang nakatitig kay Mr. Lin, na para

bang siguradong sigurado na siya sa desisyon niya at wala siyang kahit

katiting na balak na makipag negosasyon.

Samantalang si Lin Qianqian, na pinaka nagulat sa sinabi niya, ay hindi na

napigilang umiyak. "Brother Jiamu, nagbibiro ka diba…."

Pero hindi sumagot si Xu Jiamu.

Walang tigil ang pagbuhos ng luha sa mukha ni Lin Qianqian. "Brother Jiamu,

nakalimutan mo na ba yung pangako sa akin ng papa ko? Diba sabi niya

kapag pinakasalan mo ako, mapupunta sayo yung lupain naming sa

Dongyuan… at yung collaboration sa Chengsi…"

Nanatali pa ring tahimik si Xu Jiamu, na para bang kahit anong sabihin ni Lin

Qianqian ay hindi na talaga magbabago ang isip niya.

Kaya sa sobrang pagkadesperado, galit nag alit na tumayo si Lin Qianqian.

"Brother Jiamu, diba matagal mo ng gusto ang Dongyuan at Chengsi? EWag

mong sabihin na nagbago na ang isip mo?"

"Oo, nagbago na ang isip ko." Sa wakas nagsalita na rin si Xu Jiamu, pero

hindi kagaya ni Lin Qianqian, sobrang kalmado niya, na para bang pinagisipan

niya talaga ng sobra ang sunod niyang sasabihin . "Matagal ko na 'tong

pinagisipan, at narealize ko na hindi ko naman kailangan ang mga 'yun."

Kaya sa pagkakataong ito, maging si Mr. Lin, na nakikinig lang mula noong

magumpisa ang komosyon, ay hindi na rin napigilang magtanong, "Bakit?"

Habang humahagulgol si Lin Qianqian, na parang isang batang inagawan ng

laruan, tintigan ni Xu Jiamu ng diretso sa mga mata si Mr. Lin at emosyunal na

nagpatuloy, "Dahil narealize ko na may mas mahalaga sa akin."

"Isang babae?" Tanong ni Mr. Lin.

"Isa pong babae." Determinadong sagot ni Xu Jiamu.

"Sapat bang dahilan yan?" Natatawang sagot ni Mr. Lin, na para bang

nakarinig ito ng sobrang nakakatawang biro. "Para sa isang babae, handa ka

talagang talikuran ang isang napaka gandang kapalaran? Wag mong

kalimutan na kapag nakuha mo ang Dongyuan at Chengsi, ikaw na ang

magiging pinaka maimpluwensyang negosyante sa buong Beijing…."

"Wala pong bagay sa mundong ito ang hihigit sa kanya." Sa kabila ng lahat ng

panggigipit ng mag'ama, matatag ang paninindigan ni Xu Jiamu, at ngayong

nasabi niya na ang pakay niya, wala na siyang dahilan pa para magtagal kaya

bigla siyang tumayo para magpaaalam na sa dalawa, at naglakad palabas

dala ang kanyang jacket.

Pagkabukas niya ng pintuan, huminto lang siya sandali para tawagin ang

waiter, "Bill out."

At agad niya rin itong isinarado kaya tuluyan ng nawala sa pandinig niya ang

nakakaawang iyak ni Lin Qianqian.

-

Alas tres na ng hapon nang makaalis si Xu Jiamu sa Jade Wave Garden, at ito

ang oras na pinaka tirik ang araw.

Bago siya tuluyang dumiretso sa kanyang sasakyan, huminto muna siya sa

entrance ng restaurant para sulitin ang pagkakataon na tumingala sa

kalangitan at huminga ng malalim. Napakaraming nangyari sa buhay niya… at

ngayong sa wakas malaya na siya, pakiramdam niya ay para siyang lumilipat

sa sobrang gaan ng puso niya.

Mula pagkabata, nakatanim na sa utak niya na walang ibang tungkulin ang

mga kalalakihan kundi ang mangingibabaw sa mundo ng negosyo, kagaya

nalang ng mga bayani noong unang panahon, na walang takot na

nakipaglaban sa mga dayuhan, kaya habang tumatanda, sinarado niya ang

puso niya sa pag ibig, dahil para sakanya, kalokohan lang ito.

Kaya ni isang beses sa pitong taon nilang pagsasama ni Song Xiangsi, hindi

niya naisip na mahal niya ito at darating ang araw na ikakasal silang dalawa.

Pero totoo palang misteryoso ang pagibig, na kahit anong pigil mo ay

makikipaglaban at makikipaglaban talaga ito.

Inaamin niya na maraming pagkakataong sobrang naguluhan siya. Noong

unang beses silang naghiwalay ni Song Xiangsi, tinatanong niya ang sarili

niya kung bakit sobrang apektado siya. Malinaw na wala naman silang

relasyon, pero bakit sa sobrang galit niya, bigla siyang lumabas ng apartment

nito, pero noong nasa labas na siya…. ayaw niya namang umalis…

Kaya naghintay siya ng tatlong oras hanggang sa lumabas ito, pero nang

walang Song Xiangsi na nagpakita, lalong sumama ang loob niya kaya para

siyang nabaliw na nagmaneho ng sobrang bilis…na nauwi pa sa aksidente…

Pagkagising niya, ito ang unang taong sasalubong sakanya, pero hindi… at ni

isang beses ay hinid manlang ito nagparamdam sakanya, kaya yunng galit na

naramdaman niya bago siya maaksidente ay lalo lang nag'init.