webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Geral
Classificações insuficientes
32 Chs

Chapter 9

C H A P T E R  N I N E

~**~

"Good morning!" ngiti ngiting bati ni Lian sa akin kinaumagahan pagdating ko sa kitchen.

Ngayon ang unang araw na magkasama kami sa bahay. Kagabi ng pagdating namin dito sa bahay, wala kaming pansinan sa kanya. Galit galit.

"Good morning!" bati ko sa chef na papaalis na.

Nginitian niya ako at binati pabalik.

"Ako, walang good morning mo?" tanong ni Lian at kumagat ng sandwich.

"Pake ko sa'yo?" Inirapan ko siya at uupo na sa stool nang sipain niya ito kaya sumalampak na naman ako sa sahig.

Nag-igting ang panga ko kasabay ng pagkuyom sa kamao ko habang pinanlilisikan ko siya ng tingin. Siya naman umiinom ng tubig na akala mo'y inosente at walang ginawang kalokohan.

Mabilis akong tumayo at humablot ng tinidor sa mesa. Siya naman agad na binaba ang baso tapos tumakbo.

Hinabol ko siya habang nakataas ang hawak kong tinidor. Nakarating kami sa living area. Tumalon siya sa sofa at pinagpupulot ang mga throw pillow at pinagbababato sa akin. Ang una ay nailagan ko ngunit yung pangalawa at pangatlo ay sumakto sa mukha ko kaya naman lalo akong nanggigil. Tawa siya ng tawa habang ako inis na inis na.

Paikot ikot kami sa sala at kung anong mahawakan ko ay ibinabato ko sa kanya. Natigilan lang kami nang may tumili. The 1hundred Days team is here. At naabutan nilang magulo ang bahay. Uh-oh...

***

Sa school, nakabuntot sa akin ang 1hundred Days team habang nagpapasa ako ng mga requirements sa prof ko. Pwede na akong hindi pumasok bukas at pwede na akong makapagbakasyon once na ma-release ang upcoming album namin.

Ngayon, hinahanap namin si Lian. Kanina pa kami paikot ikot sa campus pero di namin siya makita. Dinala ko na nga sila sa alam kong madalas tambayan ni Lian ngunit wala siya. Tinanong ko ang mga kaibigan niya but sad to say hindi nila alam kung nasaan ang unggoy.

"Dito nalang po muna kayo. Ako nalang ang maghahanap kay Lian at dadalhin ko siya dito."

Pumayag naman silang lahat kaya iniwan ko na sila sa quadrangle kung saan pinagtitinginan sila ng mga estudyante. Siguro may lumapit lang na isa dyan mamaya sunod sunod na hanggang sa dumugin na nila ang 1hundred Days, the most popular show in the Philippines.

May napagtanungan akong babae at naituro niya kung saan niya nakita si Lian. Sa building daw ng mga tourism. Sa laki ng gusali hindi ko alam kung anong floor siya hahanapin. Until napadaan ako sa hallway malapit sa Comfort Room. May narinig kasi akong nagtitilian kaya na-curious ako at pumasok sa CR. May nakabunggo pa sa akin at nung tinanong ko siya kung anong nangyayari sumigaw siya ng may multo. Whut?

Pumwesto ako sa gilid ng pintuan at nag-cross arms. Mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari.

Naghintay ako hanggang sa may pumasok na dalawang babae. Nagchichikahan sila to the point na hindi nila ako napansin.

"Grabe 'no? Ang ganda ganda ni Direk BS. Mas bagay siyang artista kaysa mag-direktor."

"Pero mas bagay akong maging female participant ng show niya syempre."

"Bakit, celebrity ka ba? Bago mo pangarapin maging participant ng 1hundred Days una mong pangarapin na maging celebrity ka─WAAAAAH!"

Napaayos ako ng tayo ng biglang sumigaw ang dalawang babae dahil sa gulat. Kitang kita kong may white lady ang nagpakita sa dulong cubicle. Miski ako natakot sa hitsura. Puting puti ang mukha na halos natatakpan ng magulong buhok at may bahid ng dugo. Nakakatakot tumingin ang mga mata nito na para bang gusto kang patayin.

"OMG BAKIT MAY GHOST DITO?" frantic na sabi ng isang babae habang nag-uunahan silang tumakbo palabas ng CR.

Tumingin ulit ako sa huling cubicle. Wala na ang white lady. Ngunit may naririnig akong napakapamilyar na tawa. Aha! Alam ko na kung sino ang may pakana nito.

Nagmartsa ako papunta sa nasabing cubicle. Marahil nakatunog si Lian kaya bigla niyang tinaas ang sobrang nakakatakot na mannequin with matching creepy sound effect pa. Tumalon ako at sinuntok ang mannequin na yun.

"What the fuck," rinig kong mura niya.

Binuksan niya ang pinto. Nanlaki ang mga mata niya pagkakita sa akin. "A-anong ginagawa mo dito ha?"

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" balik tanong ko sa kanya.

Nagkamali ako sa una kong hinuha na may lalakeng namboboso dito sa Comfort Room kaya nagsisitakbuhan ang kung sinumang babae na pumasok dito. Ayun pala, nandito ang king of the prank na si Lian at nananakot.

"Agaw trip ka na naman. Alis!" Hinawi niya ako para maisara niya ang pinto ngunit hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya.

"Manyak ka hinahawakan mo kamay ko," sabi niya.

Hindi ko siya pinansin at piningot siya sa tenga at hinila palabas ng cubicle. "Lakas trip ka na naman ngayon!"

Nakarinig kami ng kalabog, Natumba pala ang mannequin.

"Nasira na!" asik niya pagkakita sa mannequin na naputol ang ulo. Mayamaya, ngumisi siya. "Kunsabagay, mas nakakatakot yan ngayon. Salamat ha."

"Ikaw talaga napakapasaway mo!" Piningot ko ulit ang tenga niya.

"Siguro panggap ka lang na nananakot pero ang totoo nangboboso ka lang!" sambit ko sakanya.

Inalis niya ang kamay ko sa tenga niya tapos binulsa ang phone niya, kung saan nanggaling ang creepy sound kanina. "Yak, para mamboso? Ako nga binibosohan ninyong mga babae eh."

Tinaas niya ang uniform niya. Ang madalas niyang gawin kapag gusto niyang ipamukha ang kagandahan ng katawan niya.

"Basta sa kalokohan todo effort ka, ano? May pa-mannequin mannequin ka pang nalalaman at nag-download ka pa talaga ng creepy sound sa phone mo, huh? Yung mga school requirements mo ba tapos mo na?"

"Ha," mayabang na bulalas niya sabay ayos ng damit. "Ako pa tinanong mo mas nauna pa akong nakapagpasa sa'yo. Kaya nga wala na naman akong magawa eh."

"Kaya nangpa-prank ka na namang unggoy ka?"

"Tigil tigilan mo nga ang kakatawag sa'kin ng unggoy! Lalo na ngayon mas maraming camera ang nakatingin sa atin, mamaya pati mga fans ko unggoy na itawag sa'kin."

Napahalakhak ako sa sinabi niya. "Whatever! Speaking, nandito sila."

"What? You mean the 1hundred Days team? Si Direk BS?"

Tumango tango ako. "Kanina ka pa namin hinahanap."

Inakbayan niya ako. "Ate kita, diba? Pwede mo akong pagtakpan. Wag mo ng sabihin sa kanila na dito mo ako sa CR ng girls nahanap, OK?"

Nagkibit balikat lang ako at nagsimula ng maglakad.

"Patingin ng kamay mo," utos ni Lian habang naglalakad kami papunta kung saan ko iniwan ang 1hundred Days team.

"Bakit?"

Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya lang ang kamay ko at pinagmasdan. "Namumula tuloy. Ikaw kasi napaka-amazona pati mannequin sinasapak mo."

"Alam mo namang ayokong natatakot at sinasaktan ang mga babae. Kaya hangga't pinagti-tripan mo ang mga babae hindi tayo magkakasundo."

Ngumiti si Lian. Hindi ko alam kung anong mayroon sa ngiti niya para magwala ang tibok ng puso ko.

"Atleast nagkakaroon tayo ng bonding," aniya. Hawak pa rin ang kamay ko.

"Huh?"

"Sa paraan ng pagbugbog mo sa akin."

Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa ako nang bigla kong makalimutan ang dapat na sasabihin ko dahil isinara niya ang kamay ko at ikinulong iyon sa mga palad niya. It felt warm and comfortable.