webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Geral
Classificações insuficientes
32 Chs

Chapter 7

C H A P T E R S E V E N

~**~

Pagkaalis ng prof namin saka ko sinagot ang tawag ni Lian. Kanina ko pa nararamdaman ang vibration ng phone ko habang nagdi-discuss si Sir. Hindi ko naman masagot at hindi ako makapag-excuse kasi duh? Mas importante sa akin ang pag-aaral ko kaysa kay Lian.

"ANO BA KANINA PA KO TAWAG NG TAWAG AH!" sigaw niya sa kabilang linya.

"SINO BANG NAGSABI SA'YONG TAWAGAN MO 'KO?"

Napatingin sa akin ang babaeng nasalubong ko sa hallway. Nginitian ko siya bago ko siya malampasan.

"Pumunta ka dito sa library," utos niya.

"At bakit?"

"Pipirmhan ko na yung contract."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Sa wakas! Hindi na ako maaalila ni Lian! Hindi na niya ako mauuto!

"Xiana, pwede pong pa-autograph?"

Paglingon ko, nakita ko ang babaeng nasalubong ko kanina. Nakangiti kong kinuha ang notebook at pen na hawak niya at pumirma ako sa papel.

"Salamat. Fan na fan niyo po ako. Ang ganda ganda at ang galing galing niyo po. Ikaw po ang UB ko sa UNQ." Ultimate Bias.

"Wow, thanks. Mag-aral ng mabuti." I gently tap her head with a smile.

"HOY NAKIKINIG KA BA?"

Napapikit ako sa nakakabinging sigaw ni Lian sa kabilang linya.

"I have to go. See ya again!" Kumaway ako sa babae at tumakbo. Binaba ko na ang tawag ni Lian at dumiretso sa library.

"Akala ko ba pipirmahan mo na yung contract kaya pinapunta mo ako dito?" naiinis na paalala ko kay Lian. Paano, pagkarating ko sa Library inutusan agad ako na bitbitin ko ang mga libro niya.

"Bakit, dala mo ba yung contract?"

Shoot. Napakamot ako ng ulo. "He-he, nasa dorm."

Umiling iling siya habang nakatitig sa akin. "Dalhin mo na 'yan."

"Akala ko ba nagkasundo tayo na dapat walang ibang tao?" Tiningnan ko ang mga estudyanteng nandito. Ang iba busy sa pagbabasa at sa pagsusulat. Pero ang karamihan nakatingin sa amin. Miski yung librarian nakababa ang salamin at pinagmamasdan kami.

"Last day na naman ngayon, ah. Pipirmahan ko na yung contract kaya nilulubos ko na. Sige na bilis bilisan mo. Teka, don't tell me di mo kaya?" panghahamon niya bigla.

"Ako pa?" mayabang na sabi ko sakanya. Binuhat ko ang magkakapatong na makakapal na libro.

Jusko, maniwala akong babasahin niya lahat ng mga ito. If I know, pinapahirapan niya lang ako.

Mataas ang dala ko kaya hindi ko napansin na may nakaharang na monoblock at napatid ako sa isang paa nito. Natumba ako at nabitawan ko ang mga libro. Nagkalat ang mga ito sa sahig.

"Di mo pala kaya eh," rinig kong sabi ni Lian sa likuran.

"Kaya ko! Wag mo kong tulungan," agap ko nung pumunta siya sa harapan ko. Binilisan ko ang pag-aayos ng mga libro. Matapos kong pagpatung-patungin, niyakap ko na ang mga ito.

Nagbend down siya at nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya ako.

"Lian, ibaba mo nga ako!"

Nginitian niya lang ako at mayamaya lang nagsimula na siyang maglakad. Marami akong dala ngunit naging magaan dahil buhat buhat ako ni L. Maramig sumusunod ng tingin sa amin at may mga kumukuha pa ng picture or video.

***

"Ano kayang magandang ipagawa sa'yo bago ko pirmahan 'to?"

"Wala! Pirmahan mo nalang."

Nasa leisure room kami ng Big Hint Entertainment building.

"Gawin mo nga ulit yung nico nico cute."

"No way."

"Dali!"

"Ayoko di bagay sa'kin."

"Kaya nga pinapagawwa ko sa'yo eh." Humalakhak siya ng tawa.

"Ayoko nga," nakasimangot na sabi ko.

"Bahala ka, hindi ko pipirmahan." Sumandal siya sa one seated couch na inuupuan niya at puma-dekwatro ng upo.

Ginulo ko ang buhok sa inis. Could it just end easily?

Sinunod ko na siya nang matapos na.

Tawa ng tawa si Lian habang ginagawa ko yun. "Damn. Cute. Isa pa."

"Ayaw."

"Isa pa."

Wala na akong ibang nagawa kundi ang sumunod.

"Sayawan mo naman ako."

"Napapagod na ako!"

"Bahala ka. Nasa sa'yo naman 'yan." Nilapag niya sa table ang pen kasama ang contract.

"Kasi naman, eh!" nanggigil na sabi ko sabay ginulo ang buhok ko.

Tumawa naman ang unggoy.

Pinagmasdan ko siyang tumatawa. Tapos unti unti kong sinayaw ang latest track naming "Run Into You". Kitang kita ko kung paano matigilan sa pagtawa si Lian at mapatitig sa akin habang sumasayaw ako. I don't know if it's just my imagination or he just blushed.

"Wag 'yan." With hand gesture pa.

Tumigil ako sa pagsayaw.

"Yung funny. Mag-dance craze ka."

"Ang dami mong arte!"

"Sumunod ka nalang."

Nagbilang ako ng isa hanggang tatlo at sumayaw na parang baliw. Talon talon, head bang, giling giling. Ah, nakakahingal!

Ang lakas ng tawa ni Lian habang nagmumukha akong baliw sa harapan niya.

Nung napagod ako, tumigil na ako. I bent down with my palm resting on my knee. Ang isa kong kamay nakahawak sa dibdib ko. Ramdam na ramdam ko ang heartbeat kong nagwawala. Para akong nag-threadmill na nakatodo ang range.

"Ayaw ko na. Pagod na ako."

"Gusto ko pa eh."

Pinanlisikan ko siya ng mata.

He just grin. "Sing a song for me. Last na. Promise last na."

Pumikit ako para pakalmahin ang sarili. And then I do as I was told.