webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Geral
Classificações insuficientes
32 Chs

Chapter 20

C H A P T E R T W E N T Y

~**~

Tumango ako.

Lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa tuluyan na niya akong binitawan. Humakbang siya isang beses paatras at tiningnan ako ng maigi. By the looks of him, against siya sa sinabi ko.

"Sasabihin rin naman natin. Wag lang agad agad," pag-a-asssure ko sa kanya.

He let out a sigh as if in a defeat. "OK. I respect your decision. But even if we are dating secretly, don't you dare entertain any other boys."

"Ikaw nga ang dapat kong sabihan niyan. Wag kang lalandi sa ibang babae, naiintindihan mo? Kundi makakatikim ka!" Pinakita ko sa kanya ang kamao ko.

Tinaas niya ang kanang kamay niya na para bang sumusuko. "Oo naman. Takot ko lang sa girlfriend ko."

Waaah. Kinilig naman daw ako sa sinabi niyang girlfriend.

Seriously? Is this real? Boyfriend ko na si Lian? Samantalang kailan lang nagpapatayan pa kaming dalawa.

Inalis ni Lian ang vest niya. He placed that on top of my shoulders to cover my bare back.

"Ano ba 'yang suot mo masyadong sexy. Hindi ka kaya pneumonia-hin nyan?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Bakit ka nag-Terrence?"

Ngumiti siya. "Because you are Tinker Bell." He gently pinched my cheek. "You want pixie dust?"

"What? May dala kang pixie dust?"

"My pixie dust is only for you." Bigla niya akong hinalikan sa kanang pisngi.

I blushed. "Talagang sa'kin mo lang dapat ibibigay yang pixie dust mo na yan!"

"And if not?" he asked playfully after he kissed my left cheek.

"Babasagin ko mukha mo."

He chuckled. "Ayokong mabasag ang mukha ko kaya susundin ko ang lahat ng rules ng girlfriend ko."

"Siguraduhin mo lang yan."

"Opo, kamahalan." And finally, he kissed me on the lips. My five seconds became magical.

I am deeply inlove with him kaya bahala ng sumugal.

***

"Saan ka magbibihis?"

"Dito. Kaya shoo! Umalis ka na."

"Isasama ko si Baby Timo syempre." At binuhat na niya si Baby Timo na nakadapang nanonood ng Spongebob Squarepants.

"Hoy, ano ka ba! Nananahimik nanonood yung bata iniistorbo mo!"

Ngayon, nagwawala na tuloy si Baby Timo. Nagpapapadyak habang kalong kalong niya.

"Alangan namang hayaan kong magbihis ka ng may lalake?"

"H-ha?" Hindi ko pa nga nai-co-compose ang sasabihin kong Bakit, baby pa naman si Timo ah, umalis na ng hidden room si Lian bitbit si Baby Timo.

Kumuha na ako ng damit pantulog sa closet at nagbihis. Pagkatapos, umupo ako sa harap ng tukador at nagtanggal ng make up. Paglabas ko ng hidden room, nakita ko sa sala ang dalawa. Parehong tulog. Nasa kandungan ni Lian si Baby Timo, na natutulog ng nakasandal sa kanya. Si Lian naman nakapatong ang isang braso sa armrest ng couch habang hawak ang iPad na nakabukas ang screenlight. Nakasandal ang ulo niya sa headrest ng couch at nakapikit.

Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa. Lumapit ako at naupo sa tabi ni Lian. Kinuha ko sa kamay niya ang iPad at nilapag sa tabi.

Nagising si Lian. Nginitian ko siya at kinuha si Baby Timo. Saktong pagbuhat ko ng pahiga kay Baby Timo, sinandal ni Lian ang ulo niya sa balikat ko. Ini-stretch niya ang braso niya para kunin ang iPad sa gilid ko. May kung ano siyang ginawa sa gadget hanggang sa mayamaya lang tinapat niya ang screen sa harap ko. May sinulat pala siya.

I LOVE YOU!

Napangiti ako. And using my free hand, habang hawak niya ang iPad, nagsulat din ako. Dinagdagan ko ng "too" to make it I LOVE YOU TOO

Ngumiti siya tapos binura ang nakasulat. Nilayo niya pa sa akin ang iPad para hindi ko makita ang isusulat niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsusulat siya. Siya naman, kakaiba ang ngiti na para bang kalokohan ang sinusulat niya. Or something...

Gimme some pixie dust

Yan ang nakalagay sa screen nang iharap niya sa akin ang iPad. Nang tignan ko siya, nakapikit siya at nakanguso.

Natawa ako. Then I wrote,

Bukas :)

Siniko ko siya para sabihing may reply na ako. Pagdilat niya ng mata at pagkabasa sa sinulat ko, agad na napalitan ang ngiti niya ng pout. Ang cute!

Binura niya ang nakasulat at nagsulat siya ng panibago. This time, di niya inalis sa tapat ko. So habang nagsusulat siya eh nababasa ko.

I'll give you pixie dust instead :P

I glared at him. Then replied, SUBUKAN MO LANG.

Lalong sumimangot ang mokong. Napahalakhak kasi ako ng tawa. Nagpapaalam pa kasi eh. Pwede namang gawin nalang.

Baby Timo groaned kaya napatingin ako sa kanya.

"Mommy," he murmured tapos yumakap sa akin.

"Tulog na, baby." Tapos hinalikan ko siya sa pisngi. Narinig kong nag-Tsk ng tatlong beses si Lian. Pagtingin ko sa kanya umiiling iling siya na para bang nagrereklamo.