webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Geral
Classificações insuficientes
32 Chs

Chapter 14

C H A P T E R F O U R T E E N

~**~

Dalawang araw naging super busy namin pareho ni Lian sa trabaho. Halos hindi na nga kami nakapag-video film sa 1hundred Days. Ngunit kahit busy siya inamin sa akin ni Lian na hinahanap niya pa rin yung bag na sinabi ko sa kanya. Nagpatulong pa nga daw siya kung kani-kanino para lang mahanap kung saan nakakabili nun, sa Paris.

Mahilig akong tumingin ng mga accessories sa internet. At may nagustuhan akong bracelet na bagay kay Lian lalo na kapag may suot siyang relo.

Today is Saturday morning. After the breakfast niyaya kami ni Baby Timo sa entertainment room para manood ng paborito niyang Spongebob Squarepants.

"Nasabi sa'kin ni Jisoo na may regalo ka sa'king bracelet."

Napatingin ako kay Lian nang magsalita siya. Nasa gitna namin si Baby Timo.

Tinaas niya ang kamay niya sa harap ko. "Akin na at nang malaman ko kung bagay ba sa'kin."

Pilit akong tumawa. "Wala talaga akong maisisikreto sa'yo! Surprise nga dapat yun eh."

"Wala kang magagawa may madaldal kang kaibigan." Ang tinutukoy niya ay si Jisoo.

Na-excite lang ang batang yun kaya ganun.

"Bukas ko na ibibigay."

Sabay ng ibibigay mo sa'kin. Waah! Excited na akong mahawakan ang bag na noon ko pa pinapangarap!

"Nakalimutan ko, gusto kayong isama ni Ainon sa party niya mamaya."

"Mamaya na agad?"

Tumango siya. "Nung kelan pa niya sinabi pero ngayon ko lang naalala."

Si Ainon ay ang girl best friend ni Lian. Siya yung babaeng ginagalang at nirerespeto ng sobra ni Lian. Ni hindi niya nga ito magawang pagtripan. Alagang alaga niya ito. Sobrang gentleman niya pagdating dito. Dahil malisyosa ako, noon ko pa iniisip na may something sila.

"Birthday niya?" tanong ko. Nagsimula na akong mag-alala.

Tumango si Lian.

Ibig ba nitong sabihin...

"So siya yung pagbibigyan mo ng regalo?"

Tumango ulit siya. "Oo, bakit?"

Tuluyan na akong napanghinaan. Kainis. Lakas ko kasi mag-assume eh! Akala ko mapapasa akin na ang bagay na gustung gusto ko. Hindi pala. Well, ako nalang ang maghahanap. I will conquer the impossible. Kung si Lian nga nakahanap, ako pa kaya? Waaah. Pero kasi marami siyang source.

"Wala." Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.

"Nag-iisip pa ako ng pwedeng iregalo sa'yo."

Lalo akong nanlumo sa sinabi niya. Yung bag lang naman ang gusto ko.

"Kaso wala akong maisip. Pwede bang katawan ko nalang?"

Nabatukan ko siya sa sinabi niya. "Di ka na nahiya may katabi kang bata!" asik ko sa kanya.

***

Maraming artista at idols ang invited sa party ni Ainon. May mga models din. Maraming mga gwapo at magaganda ang nagkalat sa venue. Masasarap din ang mga pagkain pero wala akong mahanap na dahilan para ngumiti. Feeling ko OP ako dito sa party dahil ako lang ang hindi masaya. Si Baby Timo pinaglalaruan ng mga babae sa katabing table. Tuwang tuwa sila sa pagkabibo ng bata. May mga lumalapit sa akin para mag-Hi. Yun lang. After I said Hi too tapos na ang conversation. Pero atleast pumapansin sa akin. Perks of being an idol.

Si Lian? Kasama niya si Ainon. Ini-escort niya ito saan man magpunta at ang sakit lang nila sa mata!

"Kaya walang stars eh. Nakasimangot ka kasi."

Napalingon ako sa taong umupo sa tabi ko. Napanganga ako pagkakita sa kanya pero hindi ko pinahalata.

I composed myself and said, "Anong konek?"

"Wala. May masabi lang." At tumawa siya.

Natawa na din ako sa kanya. Ang korni niya sobra. Mabuti nalang sobrang gwapo niya. And I can't believe makakatabi ko si Chander, ang crush na crush ko sa Sexy Beast.

"Nasaan yung ibang Sexy Beast?" tanong ko sa kanya.

He shrugged. "Ako lang naman ang friendly sa grupo namin." Nginitian niya ako.

Na-starstruck naman ang lola niyo.

"Sayang," sabi niya tapos tumingin sa mga taong naglalakad pabalik balik.

"Ha?" Akala ko nonsense at walang koneksyon na naman ang sasabihin niya pero...

"Naunahan ako ni L. Ako dapat ang virtual boyfriend mo sa 1hundred Days."

"Seriously?" I gasped.

He nodded. "But L didn't let me. Neither the other boys."

"Diretsahin mo nga ako."

Magsasalita pa siya pero biglang dumating si Lian.

"Yow, Chander!" Nagkamayan sila.

Chander and L are friends too. Actually maraming kaibigan si Lian. That's why hangga't maaari ayaw makipag-kompetensya ng ibang grupo sa Pentagon. Napapansin iyon ng marami kahit na ang mga fans. Walang sumasabay sa week of comeback nila.

"Close na kayo?" tanong niya at salitan kaming tiningnan ni Chander. "Wag mong pinagkakausap 'yang babaeng 'yan, Chander. Nambubugbog yan."

"Dun ka na nga!" asar na pagtaboy ko kay Lian.

Tinatawanan lang kami ni Chander.

Kinuha ni Lian si Baby Timo sa mga babae. Nakipagharutan pa siya sa mga ito hanggang sa dumating si Ainon at hinatak siya sa kung saan kasama si Baby Timo. Napairap nalang ako.

"I heard you will play Tinker Bell at the ball?" ani Chander matapos ang katahikan sa aming dalawa.

"Yeah. Kasi I heard magpe-Peter Pan ka. That's why..." Tumawa ako.

Ngumiti siya tapos pinisil ang pisngi ko. Medyo nagulat ako sa ginawa niya.

"Naiinggit talaga ako kay L."

"Huh?"

"Kasi makakasama ka niya sa loob ng 100 days. Kung hindi mo pa alam, attracted ako sa babaeng maganda na palaban pa."

"Nangangamoy playboy ka ah? Anong pabango mo?" sarkastik na sabi ko habang sinisinghot siya.

Serious talk, mabango siya. Yung bang nang-aakit ng mga babae? Tapos yung mga salitaan pa niya....

Humalakhak si Chander tapos tinaas ang glass of wine niya. Tinaas ko din ang akin at nag-cheers kami.

Thanks to Chander kasi hindi na ako OP dahil sakanya.