webnovel

Breaking The Last Rule

"I love you and I don't care if I might break their last rule..." Xiana and L are labelmates. Walang araw na hindi sila nag-away at nagbangayan. Bully si L. Tagasaway naman itong si Xiana. Hindi nakakapalag si L sa mga pambabasag na ginagawa ni Xiana sa mga trip nya. Until destiny uses 1hundred Days show and pairs them up. Pinaniwala ni L si Xiana na dapat siya nitong suyuin at ligawan para mapapayag nyang pirmahan ang kontrata. If not, problema na ito ng babae. Walang palag na napasunod sya ni L sa mga trip nito. Nandyan ang inuutus utusan siya, pinagsasayaw at halos gawin ng alila. Pero walang lihim na hindi nabubunyag. Nang magkaalaman na ng totoo, ayun, world war 3 na...

envieve · Geral
Classificações insuficientes
32 Chs

Chapter 11

C H A P T E R  E L E V E N

~**~

"Wow! Ang laki naman ng bahay ninyo!" manghang sabi ni Jisoo habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay. "Inyo na ba ito pagkatapos ng episode niyo?"

"Tangeks, pinahiram lang sa kanila ito," sabi ng kambal niyang si Misoo.

"Dream house talaga ang Harrison Homes," wika naman ni Danna matapos makaupo sa couch.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. This house is modern. Isang palapag lang ngunit napakalawak. May garden at may pool pa na makikita when you turned on some button that will turn the wall into glass. One of my goals is to buy mom a dream house from Harrison Homes at hanggang ngayon pinag-iipunan ko iyon. I want my queen to live in the castle that's why I'm working so hard.

Even the appliances is all modern na import pa galing Japan at bihirang makahanap dito sa Pilipinas, for now. Kahit dito lang ako sa bahay buong araw hindi ako mabo-bore dahil maraming maaaring paglibangan.

"Nasaan na si Baby Timo? I'm so excited to meet him!" ngiti-ngiting sabi ni Mia.

Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Arcel, ang babysitter ni Baby Timo.

"Ah, wawa! Di ka na baby ni Ate Xiana!" pang-aasar ni Misoo sa kambal niya.

Sumimangot si Jisoo. Nagtawanan kaming lahat maliban sa kanya. Para makabawi, niyakap ko siya habang hinihintay na sagutin ni Arcel ang tawag ko.

"Hello po, nakauwi ka na, Xiana?"

"Yes. Nandito rin sa bahay yung mga kagrupo ko. Pwede mo na bang dalhin si Baby Timo dito?"

"Opo, opo. Sige po papunta na kami dyan."

Nilibot ng apat ang bahay habang naghihintay sa pagdating ni Baby Timo. Inaabangan kong may makapansin sa hidden room pero hindi nila ito napagtuunan ng pansin. Sayang! Bbibigyan ko pa naman sana ng prize ang makapansin.

"Mommy!"

Lumingon kaming lima kay Baby Timo na tumatakbo papunta sa akin. Through the corner of my eye, nakita kong sumimangot si Jisoo.

"Napanood kita TV kakanta!"

Natuwa ako sa sinabi ni Baby Timo. Binuhat ko siya at pinaupo sa kandungan ko.

Kagagaling lang namin sa isang live afternoon show at doon namin unang pinromote ang new album namin. And yes! Pwede na akong magbakasyon!

Makakapagbakasyon naman talaga ako sa ayaw at sa gusto ko dahi nasa activity list namin ni Lian ang pagpunta sa Tagaytay. Pwede na rin kahit na kasama ang buong 1hundred Days team. Hindi naman 24/7 na sa amin itututok ang mga cameras.

Makakapag-enjoy pa rin ako with privacy. Yipeee!

"Ang cute!" Nilapitan ni Jisoo si Baby Timo at kinuha sa akin.

"Pasimple ka, Jisoo! Baka mamaya kinukurot mo na yan sa selos mo!"

"Di naman ako kasing sama ng iniisip mo! Nilalaro ko nga eh."

Ayan na nag-aaway na ang dalawa.

"Weh..." patuloy na pang-aasar ni Misoo.

"May crush ka lang kay Kuya L, eh."

Biglang tumahimik si Misoo sa sinabi ni Jisoo. Gusto kong matawa pagkakita sa biglang pamumula ng mukha ng una.

"Di kaya!" bulalas niya at nagtakip ng mukha.

Lalong lumakas ang tawa namin pati si Arcel natatawa rin sa reaksyon ni Misoo.

"Crush lang naman ah. Bakit ba? Di naman masama yun diba, Ate Xiana?"

Umiling ako. "Di masamang magka-crush. Wag lang kay Lian dahil─"

"Dahil sa'yo siya?" putol ni Danna sa sasabihin ko.

Now, it's my time to turn red. "Wag ka ngang sumabad, Danna! Ang sabi ko, wag lang kay Lian dahil pasasakitin lang ng pasaway na yun ang ulo mo, Misoo."

"Sus. Ayaw mo lang na may ibang magkagusto kay L eh. Gusto mo ikaw lang. Aminin mo na kasi," nakisali pa itong si Mia.

"Shh! Quiet! Narerecord yung mga pinagsasasabi nyo," saway ko sa kanila at tinuro ang mga cameras na naka-install sa taas ng wall.

"Natatakot ka bang mabuking?" Laglag ang panga ko nang pati si Arcel nakisali na.

Kinuha ko ang bata at tinaboy silang lahat. "Umalis na nga kayo dito! Wag na kayong babalik!"

***

Nanonood ako ng teaser ng 1hundred Days: XL EPISODE sa laptop nang bigla akong yakapin ni Baby Timo.

"Aba, nanlalambing ang baby ah." Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Sopas!" sabi niya at nagtatatalon sa kama. Nasa hidden room kami, anyway.

"Kaya pala nanlalambing ang baby dahil may request!" gigil na sabi ko at pinisil ang pisngi niya. "Upo ka muna tapos behave."

Sinunod niya ang utos ko. Umupo siya ng pa-indian sit at tahimik na tumitig sa akin.

"Tatawagan ko si Daddy L mo, huh? Sabihin ko sa kanya pasalubungan ka ng sopas."

"Yehey!" masayang sabi niya with matching taas pa ng mga kamay.

Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya tapos ini-stretch ko ang paa ko papuntang side table kung nasaan  nakapatong ang phone ko tapos sinungkit sa pamamagitan ng pag-ipit nito sa dalawang daliri.

"Bakit ngayon ka lang nagsabi? Nasa gate na ako papasok ng bahay."

"Ganun ba? Sige hayaan nalang natin umiyak si Baby Timo nakakaawa naman."

Lumingon sa akin si Timo na naglalaro ng leggo pagkarinig sa pangalan niya.

"Nangonsensya ka pa. Sige na maghahanap ako kahit gabi na. Alagaan mo ng mabuti yang anak natin babalik agad ako."

Napangiti ako sa sinabi niya. "Ingat ka!"

Nilagay ko sa isang bag ang mga laruan ni Baby Timo tapos binuhat siya. Lumabas kami ng hidden room at nagpunta sa living area. Pinaupo ko siya sa malaking couch at nilatag ko doon ang mga laruan niya. Binuksan ko rin ang TV at nanood kami ng cartoons habang hinihintay si Lian.

"Iba ka maglihing bata ka."

Napalingon ako ng marinig ang boses ni Lian. Nag-lighten up ang mukha ko nang makitang may dala nga siyang sopas. Ngunit may isa pa akong napansin sakanya.

"Ba't ganyan itsura mo?" tanong ko habang sinusundan siya ng tingin. Gulo gulo kasi ang buhok at damit nito.

Pumunta siya sa coffee table at nilapag doon ang tatlong sopas na nasa styro foam at tatlo ding disposable spoon.

"Hinarass na naman ako ng mga babae habang bumibili ako ng sopas. Kayong mga babae talaga katawan lang ang habol sa'kin," iiling iling na sabi niya.

"Alam mo na kasing marami kang lukaret fans di ka pa nag-disguise ng kaunti."

Lumapit si Lian para buhatin si Baby Timo at paupuin sa carpet. Sumunod ako at naupo sa tabi ng bata. Bale napaggigitnaan namin siya ni Lian.

"Wow sopas!" tuwang tuwang sabi ni Baby Timo.

"Susubuan kita, baby, ah? Wag kang malikot mapapaso ka, sige. Mainit itong sopas."

Sumandok ako ng sopas sa kutsara at hinipan.

"Kumain ka na?" tanong ni Lian.

Tumingin ako sa kanya saglit. "Oo. Kasama kong nag-dinner yung mga kagrupo kanina. Baby Timo, say ahhh."

Matapos kong subuan si Baby Timo tumingin ulit ako kay Lian at siya naman ang tinanong. "Ikaw, kumain ka na?"

"Ngayon palang."

Nilagay ko ang pagkain ko sa tapat niya. "Sa'yo na 'yan."

"Wala na bang pagkain sa kusina?"

"Inubos na nung apat yung niluto ng chef."

"Nung apat o ikaw?"

"Grabe, tingin mo ba mauubos ko yun?"

"Oo. Halimaw ka sa pagkain eh."

"ANONG SINABI MO?"

"Mommy, sopas!" Baby Timo demand.

"Ay, sorry. Ito na po." Sumandok uli ako ng sopas tapos hinipan. "Pero kung gusto mo pwede kitang lutuan."

"Wag na napipilitan ka lang ata eh."

"Ewan ko sa'yo!"

"Mommy, subo!"

Kanina pa nakatapat sa bibig ni Baby Timo ang kutsara at kaya naman pala di niya sinusubo kasi walang laman. Kaya sumandok ulit ako at sinubo sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Baby Timo tapos biglang sumigaw. Nataranta kami ni Lian. Agad din naman naming naintindihan kung bakit dahil binuka ng bata ang bibig niya. Napaso. Si Lian, hinihipan ang bibig ni Baby Timo.

"Mainit ba," tanong ko sa sarili tapos sumubo din ng isang kutsarang sopas. Katulad ng naging reaksyon ni Baby Timo ang naging reaksyon ko. Nadagdagan lang ng pagpaypay ko sa bibig ko gamit ang kamay ko.

Nagulat nalang ako nang biglang hinawakan ni Lian ang chin ko tapos katulad ng ginawa niya kay Baby Timo, hinipan niya rin ang bibig kong nakabukas. The air that comes from him gently touched my tounge.

Feeling ko nakalimutan ko bigla na napaso ang dila ko. My eyes were so wide as I looked at him. And damn! His lips barely touch mine. And I've gone crazy.

Naitulak ko siya at napatingin kay Baby Timo. Nakatunganga siya sa amin ni Lian.

"Nakikita ka sa camera!" sabi ko sa kanya.

"Bakit, anong masama? Hinihipan ko lang naman bibig mo ah?"

I stared at him. Hindi ba niya talaga naramdaman ang saglit at napaka-light na pagdikit ng buttomlip niya sa buttomlip ko o sadyang nagmamaang-maangan lang siya? Pero teka... our lips brushed! Partly. Consider na bang kiss yun? WAS THAT MY FIRST KISS?