webnovel

CHAPTER 2 - THE DOLL (ARKIE)

Friday ng hapon at dalawa lang sina Arkie at Dawn na naiwan sa boarding house. Si dawn ay naglalaba at si Arkie naman ay nanonood ng movie gamit ang kanyang cellphone sa kanilang kwarto, nakatagilid sya ng pwesto at nakaharap sa pader malapit sa pintuan. Maya-maya pakiramdam nya ay unti-unti syang inaantok kaya tinigil nya na ang panonood at napatitig na lang sya sa kaharap nyang pader at nag-iisip ng kung anu-ano nang makarinig sya na parang dumating na ang isa sa mga kasama nila.

"Si Lyn dumating na, ang aga naman di pa nila uwian ah" iniisip nya habang nakatitig pa din sya sa pader. At narinig syang umakyat si Dawn at Rein ngunit hindi ito pumasok sa kwarto nila at bumaba din agad. Hindi nya tiningnan ang dalawa kahit naaninag nya mga paa ng mga ito dahil nakubukas naman ang pinto ng kanilang kwarto. Maya maya pa pumasok sa kwarto nila ang kapatid nyang si Diane.

"anu ba ate Arkie kanina pa kita tinatawagan hindi ka naman sumasagot buti na lang nahanap ko tong boarding nyo" wika ni Diane at binaba ang kanyang mga gamit sa baba ng salamin. Di nya pa rin ito tiningnan pero sure sya na kapatid nya yun dahil alam nya ang boses ng kapatid nya.

"bakit kaya nandito yang babae na yan? wala naman syang sinabi na pupunta sya dito, at anu naman ang gagawin nya dito" nagtatakang iniisip ni Arkie, nang maya-maya ay nagpasya na syang bumangon, pagbangon nya ay nakita nya ang isang manika sa tabi ng pader.

"wala yan kanina dito ah, kanina pa ako nakatingin jan sa pader na yan pero di ko naman yan napansin kanina jan, napansin mo ba yan kanina diane?" tanung ni Arkie sabay lingon kay diane. Ngunit paglingon nya ay tumambad sa harapan nya ang manika na kanina ay nasa pader, napasigaw sya ng malakas at ng akmang tatakbo na sya palabas ng kwarto ay biglang may humila sa kanya paupo sa pader. Biglang nageng static ang pandinig nya at dumilim ang paligid nya.

"Oh my God, oh my God anung nangyayari? God tulungan nya po ako" wika nya sabay dasal, ngunit ng gagalawin nya ang kanyang kamay ay hindi nya ito magalaw.

"Oh my God! huhuhu! Our Father..." Umiiyak na sya at nagdarasal ngunit habang tumatagal ay bigla syang may maaninag... yung manika unti-unting lumalapit sa kanya, pumikit sya ng makita nyang nakititig ito sa mga mata nya.

"tulungan nyo po ako!! Papa God tulungan nyo po ako" Sigaw, iyak, dasal lang nagagawa nya, at habang lumalakas ang iyak at dasal nya ay lalong lumalakas ang static na naririnig nya, nang biglang may humawak sa kamay nya at napasigaw rya malakas at nagawa nyang maimulat ang mata nya.

Nang maimulat nya ang mga mata nya ay nakahiga at nakatagilid pa rin sya paharap pa din sya sa pader, same position bago mangyari ang lahat. Napaupo sya at napaiyak, tiningnan nya ang gamit ni diane ngunit wala ito. Nagdasal muna sya at bumaba, pinuntahan nya si Dawn na naglalaba pa rin at tinanung kung pumunta ba dun ang kapatid nya.

"Hindi bhe eh bakit?" tanung ni dawn.

"kasi napansin ko na pumunta sya sa kwarto kanina" sagot ni Arkie

"kanina pa ako dito bhe, hindi pa ako umaalis dito sana napansin ko, baka namalik-mata ka lang" sagot ni dawn.

"Seguro nga bhe, eh si Lyn umuwi na ba?" muling tanung ni Arkie.

"Anu ka ba bhe maya pa yung mga yun, eh bakit ba bhe? parang di ka mapakali?" nagtatakang tanung ni Dawn.

"wala bhe, nanaginip lang seguro ako pero ok lang ako" sagot ni arkie.

"sure ka ha?" wika ni dawn

"oo bhe, sege na maglaba ka na ulit pasuk muna ako sa loob" wika ni arkie sabay pasuk sa loob, dumiretso sya sa kusina para uminom ng tubig, habang umiinom sya ay napansin nya ang isang picture frame. Hinawakan nya ito at tiningnan nya itong mabuti nang makita nya dito ang manika sa kanyang panaginig na hawak ng isang batang babae, bigla syang nagtaka.

"ngayon ko lang nakita ang picture frame na ito pero bakit nasa panaginip ko na agad yung manika na yun? at hindi lang basta panaginip kundi bangungot" nagtatakang iniisip nya ito ng bigla nyang nakitang lumbas si Dimple galing sa CR, nilapitan nya ito at tinanung.

"ate dimple kilala mo ba tong batang ito?" tanung sya sabay turo sa batang may hawak ng manika sa picture frame.

"ah bunsong kapatid yan ni Aling Nethz" sagot ni Dimple

"nasan sya ngayon te?" muling tanung ni Arkie

"matagal na yang patay bhe, naaksidente daw pero ayon sa kwento ng mga dating nagboboard dito at mga kapitbahay, kasama daw yan sa mga namatay sa ambush, at sabi pa nila kasama daw yang manika na hawak nya sa picture na nilibing, kasama daw sa kabaong" wika ni dimple, biglang syang kinilabutan at nabitawan ang hawak nyang baso ng tubig...

...to be continued