webnovel

Blue Moon: the Keeper and the Cursed

Ayon sa mga kwento, lahat ng nilalang sa mundo ay may nakatakdang tadhana. Anong gagawin mo kung ang tadhanang inilaan sa iyo ay salungat sa iyong paniniwala at kaalaman? Handa ka bang labanan ang tadhana?

Ruche_Spencer · Urbano
Classificações insuficientes
5 Chs

Rovina

"Harriette!" sigaw ni Kassandra habang lakad takbong lumapit sa kunot- noong dalaga. "Pinapatawag ka ni mam Beatriz. May kailangan ka daw i-rush," hinihingal na saad nito.

Bumuntong-hininga na lamang si Harriette dahil alam niyang kahit sumalungat siya sa nais ng kanyang boss ay mas lalo siyang tatambakan ng trabaho. Tumingin siya sa kanyang relo. Mag-aalas singko na ng hapon.

Walang salitang naglakad ang dalaga patungo sa ikalawang palapag ng kanilang kompanya at dumiretso sa opisina ng kanyang boss. Naabutan niya itong may kausap sa telepono. Nang makitang naroon ang dalaga ay agad nagpaalam sa kung sinomang nasa kabilang linya.

"Magandang hapon po mam. Pinapatawag niyo daw po ako," bati ni Harriette sa nakapamaywang na ginang.

Ngumiti si Beatriz saka tinignan si Harriette mula ulo hanggang paa dahilan upang maging conscious ang dalaga sa kanyang itsura. Naka-suit and slacks siyang kulay abo na pinarisan niya ng black pumps. Simple ngunit eleganteng tignan.

"We have VIPs coming tonight and I want you to attend to their needs. Alalahanin mo, mga importanteng tao ang mga yun kaya ayokong makarinig ng anumang reklamo mula sa kanila. Or else," banta ng ginang.

Bumuntong- hininga lang si Harriette saka tumango bilang pagtugon kahit wala siyang ediya kung sino ang mga ito. Yun lamang at iniwan siya ni Beatriz.

Tila naging mabagal ang takbo ng oras kaya't inaliw na lamang ni Harriette ang sarili sa pag-iisketch ng mga bagay- bagay. Napapangiti pa siya at napapakanta habang nakikitang nagkakabuhay ang kanyang mga obra.

"Rovina~" animo'y isang bulong na nagpahinto sa bihasa niyang kamay saka sinuri ang lounge ngunit wala siyang makitang tao maliban sa guard nilang nagtitimpla ng kape. Ikiniling pa nito ang kanyang ulo na tila naguguluhan din kung may narinig nga ba siya or imahinasyon lamang niya. Nagpatuloy siya sa kanyang pagguhit.

"Rovina!" naging mas malakas ang boses kaya sigurado ang dalagang hindi kathang-isip lamang ito.

"Shit!" mura niya ng makitang nag-iisa lamang siya sa naturang lounge. "Imahinasyon ko lang ba to? Dulot ata ng ilang araw na kawalan ng tulog," saad niya sa sarili. Tumingin ulit siya sa kanyang relo. May limang minuto pa bago dumating ang mga bisita kaya't binilisan niyang tapusin ang ginuguhit na dalawang magkaharap na Romanian dragons.

"Nice drawing!" saad ng isang baritonong boses dahilan upang mapasinghap si Harriette sa gulat. Ang dalawang panauhin ay nakasuot ng puting three piece suits at ang nakatatanda ay may hawak na silver cane na pinalamutian ng iba't ibang kumikinang na bato.

Agad tumayo si Harriette saka bumati sa dalawa. "Good evening, sirs! Apologies for my negligence," saad ng dalaga na nakayuko habang humihingi ng paumanhin. Tumawa ng payak ang matanda saka naunang maglakad patungo sa elevator. Dali- daling sumunod ang dalaga saka pinagbuksan ang dalawa.

"How have you been, Rovina?" masuyong tanong ng matanda ng magsimulang umandar ang elevator pataas ng gusali.

"M-me?" maang na tanong ni Harriette ng makitang nakatingin ang dalawang lalaki sa kanya na animo'y hinihintay ang kanyang kasagutan. "I'm sorry, sir, but I am not Ro--,"

"Oh! Beatriz must have done a good job. Don't you think?" tanong ng matanda sa kasama niyang patango-tango tamang sa tinuran nito.

Maraming katanungan ang namumuo sa isipan ng dalaga ngunit bago pa siya magkaroon ng lakas na tanungin ang mga ito ay isang surpresa ang bumulaga sa kanya.

"We're here!" saad ng nakakabatang lalaki bago buksan ang magarbong pintuan habang si harriette ay napako sa kanyang kinatatayuan. Samu't saring emosyon ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. Naroon ang kaba, pangamba, takot, ngunit sa di maipaliwanag na dahilan, matinding pagkasabik ang mas nangibabaw sa kanyang mga nararamdaman.

"Rovina, don't be afraid. You are safe now. You're home," masuyong saad ng matanda sa tulalang si Harriette bago siya akayin sa loob ng maluwang na bulwagan ng malaking mansion. Kung papaano sinlang nakarating doon ay hindi niya alam.

Nang sa wakas ay mahimasmasan ang dalaga, lumingon ito sa matandang nagpakilalang Carlos at sa kasama nitong si Raul. "Where am I?" tanong ni Harriette sa dalawa. "H- How did we? Why? Who are you?"

"We are your family, Rovina," sagot ni Raul na sa unang pagkakataon ay napagmasdan ng maigi ng dalaga. Sa tantiya niya ay halos magkasing edad lamang sila nito. Sa kabila ng maputlang balat ay hindi ito mukhang may sakit dahil sa maamo at palangiti nitong mukha. Hindi rin ito patpatin bagkus ay may katamtamang katawan sa taas nitong halos 6 ft.

Ngunit walang oras makipagkaibigan o makipaglokohan ang dalaga kaya't kunot- noo siyang sumagot dito. "Look! I don't know what kind of trickery this is, but this has to stop. I am NOT Rovina and I am supposed to meet our VIPs otherwise my wicked boss will make my life a living hell for the rest of the week! Do you understand?! I need to go back NOW!"

Napangiwi pa ang dalawa sa lakas ng boses ng dalaga saka sabay na nagkatinginan. Ngunit walang tigil na naglitanya si Harriette kaya sige ito sa kakangawa. "THIS is literally kidnapping if you know what that means. And if you think I have a lot of money, SORRY! I have NO bank accounts, NO savings, NO assets, and NO rich relatives you can ask for ransom from! In short, I am NOTHING!"

"Are you done?" kalmadong tanong ng matanda.

Hinihingal na tumango ang dalaga. "Yes."

"Good. Now, come. I have something to show you," saad nito. Walang nagawa ang dalaga kundi sumunod sa dalawa.

"We understand why you are probably upset or frightened. We apologize for not properly introducing ourselves to you," saad ng matanda bago buksan ang malaking pintuan patungo sa isang madilim na silid. Lalong kinilabutan si Harriette ng maamoy ang magkahalong alikabok at sangsang ang tuyong dugo. Agad na nagtakip ng ilong ang dalaga at naduwal sa baho paligid.

"Rovina, don't be scared. This is the cradle of our existence. The truth among all the lies said to you. This... is... your home!" mariing saad ng matanda bago sindihan ang magkabilang sulo. Napasigaw ang dalaga ng biglang magliyab ang paligid.

"You say you have nothing. Here you have EVERYTHING. Power, wealth, and a vast empire at your command. Rovina, this is your true existence. This is your true self, your dominion," nakangiting saad ni Raul sa di-makapaniwalang dalaga.

"No! No! You must be mistaken. How many times should I tell you? I am NOT Rovina! My name is Harriette. Stop toying with me, please. I just wanna go home," humihikbing saad ni Harriette sa dalawa.

"But this-- is home. Look around you," ani ni Carlos habang itituro ang bawat sulok ng silid. "Come on, child. There's nothing to be afraid of."