KATHLEEN'S POV:
Sinimulan na nilang apuyan ang mga kahoy na nasa gitna na pinaiikutan namin madilim na kasi kaya inapuyan na nila ito.
Katabi ko ngayon si Aaron at suot suot ko ang jacket nyang black at naka short ako ng white medyo mahaba ang jacket ni Aaron kaya natatabunan nito ang kalahati ng mga legs ko.
Naka short naman si Aaron at suot nya ang jacket nyang red. Habang si Andrea ay naka long sleeve at black na short. Ezekiel wear a black t-shirt at black na short.
Naglabas na sila ng mga marshmallow at stick, itinapat namin sa apoy ang stick na may marshmallow. Masarap kaming kumain ng mga marshmallow at nag kwentuhan ng matapos naman kami ay napag isipan na naming matulog.
"Kung may problema tumawag ka lang sakin ah." Sabi ni Aaron.
"Sige, good night." Sabi ko naman.
"Good night din, I love you." Sabi ni Aaron at nginitian ako kaya naman napangiti na rin ako.
"I love you too." Sabi ko naman kaya halos umabot na sa tenga nya yung mga ngiti nya.
Nakatayo lang si Aaron sa harapan ko.
"Sige papasok na ako." Sabi ko at tinuro yung tent.
"Teka lang, may nakalimutan ka yata." Sabi ni Aaron.
"Ano naman?" Pagtatanong ko.
"Yung kiss ko." Sagot nya, agad naman akong lumapit sa kanya at binigyan sya ng kiss sa pisngi.
"Oh, okay ka na ah." Sabi ko kaya naman ngumiti si Aaron.
"Pasok ka na." Sabi ni Aaron kaya naman agad na akong pumasok sa tent.
-
-
-
"Gusto mo kwentuhan kita ng nakakatakot Andrea?" Pagtatanong ko sa kanya
"Ayoko no, baka mapanaginipan ko pa yan." Sagot naman nya kaya natawa na lang ako.
"Matulog ka na." Sabi ni Andrea at tinanguan ko naman sga at pinatay ko na yung flashlight kong hawak.
-
-
-
Nagising ako dahil nakarinig ako ng mga kaluskos, nakarinig ako ng mga yabag ng paa na umaapak sa mga tuyong dahon.
Kinakabahan ako na baka kung anong mangyari, tumigil ito sa paglalakad at dito ko nakita ang anino nya dahil bilog ang buwan at ito ang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.
Agad kong tinext si Aaron, dahil pag tinawagan ko sya sigurado akong mag riring ang phone nito.
Aaron parang may tao malapit sa tent namin, natatakot ako. Text ko kay Aaron at agad din naman syang nag reply. Ibig sabihin gising din sya.
Wag kang mag papahalata na gising ka. Reply sakin ni Aaron at ginawa ko naman yun.
*
*
AARON'S POV:
Kita namin ni Ezekiel ang lalaking nakatayo sa may tent nila Kathleen. Nakatapat lang ang tent namin sa tent nila Kathleen kaya kita namin ito.
May baril na hawak si Ezekiel kung may gawin man ang lalaking yun at hindi rin namin mamukhaan ang lalaki dahil nakatalikod ito.
Nakatanggap na naman ako ng text galing kay Kathleen.
May padating pa na isang tao. Text ni Kathleen at ramdam ko ang takot at kaba nya. Nakita na nga namin yung isang lalaki at nag uusap na sila.
"Umalis na tayo, ano bang ginagawa mo dyan." Pagyaya sa kanya nung lalaking dumating.
Kahit sa boses hindi ko kilala. Maya maya pa ay umalis na sila, sino kaya yung mga yun?
Nang naramdaman kong nakalayo na sila agad kaming lumabas ng tent ni Ezekiel at pumunta kay na Kathleen.
"Kathleen?" Pagtawag ko sa pangalan nya.
Agad nyang binuksan ang tent at nakita ko ang maamo nyang mukha at pawis na pawis.
"Are you ok?" Pagtatanong ko sa kanya sabay hawak sa pisngi nya.
"Okay lang ako Aaron." Sagot naman nya sakin.
"Dun ka na matulog sa tent namin." Sabi ko sa kanya.
"Paano si Ezekiel?" Tanong nya sakin.
"Edi tabi sila ni Andrea." Napangiti naman si Kathleen sa sinabi ko.
"Okay lang ba sayo Ezekiel?" Pagtatanong ko kay Ezekiel at tumingin ako sa kanya at tumango naman sya.
"Tara na Kathleen." Hinawakan ko sya sa kamay at pumunta na kami sa tent.
Hinintay ko muna sya makatulog at nung makatulog na sya ay natulog na rin ako.
*
*
ANDREA'S POV:
Pakinig ko ang mga huni ng ibon galing sa labas pero nakapikit pa rin ang mga mata ko.
Naka dantay ang mga hita ko sa hita ni Kathleen, at nakayakap ako sa kanya, ramdam ko rin na nakayakap sya sakin.
Iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang gwapo nyang mukha- si Ezekiel? EZEKIEL?!!!!
Hindi agad ako nakapag react, sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa at magkayakap.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Malakas na sigaw ko at sinipa ko si Ezekiel kaya napalabas sya sa tent.
"Aray ko." Pagdaing ni Ezekiel.
"Anong nangyari?" Pagtatanong naman ni Kathleen at kasama nya si Aaron.
Agad akong lumabas ng tent.
"Sorry Ezekiel." Paghingi ko ng tawad, napa lakas yata ang sipa ko
"Ok lang." Sagot naman ni Ezekiel. Nag usap muna kami ni Kathleen ng kami lang dalawa lang.
*
*
KATHLEEN'S POV:
"Anong nangyari? Bakit hindi na ikaw yung katabi ko?" Pagtatanong sakin ni Andrea.
Kinuwento ko sa kanya lahat nang nangyari kagabi.
"Sino naman kaya ang dalawang lalaki na yun?" Pagtatanong ulit ni Andrea.
"Malay ko dun." Sagot ko naman sa kanya.
"Kathleen alam mo ba nung isang gabi may nakita din akong dalawang lalaki pero may kasama silang isang babae at nag uusap sila." Sabi nya, nakapagtataka na ang mga nangyayari.
"Mukang seryoso ang pinag uusapan nyo." May biglang sumingit sa pag uusap namin ni Andrea.
"Oh ikaw pala Louie." Ani ni Andrea.
Ang gwapo parin ni Louie hanggang ngayon, ang tangos ng ilong nya, maputi at matangkad, pero mas gwapo si Aaron, mas matangos ang ilong, mas maputi at mas matangkad ng kaunti kay Louie at dagdag pa cute si Aaron.
Si Louie ang unang naging crush ko at nalaman nya yun dahil kay Andrea ang daldal kasi. Pero hindi tumagal yun, dahil na fall nako kay Aaron. HAHAHA
"Kathleen???" Pag tawag ni Louie sa pangalan ko at nung tumingin ako sa kanya binigyan nya ko ng matamis na ngiti, dun sa ngiting yun unang nahulog ang loob ko sa kanya pero di na yun tatalab kasi andyan na si Aaron.
Naalala ko si Aaron, tumingin ako sa kanya at nahuli kong nakatingin din sya kanina pa siguro agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya.
Baka akalain ni Aaron nakikipag flirt ako kay Louie. Kaya nag excuse muna ako sa kanila maglalakad na dapat ako palayo sa kanila ng biglang hawakan ni Louie yung kamay ko at hinila ako kaya napalapit ako sa kanya, sobrang lapit ng mukha namin sa isat isa.
"Anong ginagawa mo Louie?" Pagtatanong ko sa kanya.
"Gusto kita Kathleen." Mahinahong pag kasabi nya sakin. Si Andrea naman ay nakatayo lang.
*
*
AARON'S POV:
Anong ginagawa nya kay Kathleen. Agad akong lumapit sa kanila, nang makalapit ako sa kanila ay hinila ko kaagad si Kathleen.
"Anong ginagawa mo!!"Malakas na sigaw ko kay Louie.
"Bakit? Gusto ko si Kathleen, may problema ka ba?" Nagyayabang na sabi sakin ni Louie.
"Oo may problema ako dahil boyfriend nya ko!!" Malakas na sigaw ko kay Louie at hinawakan ko ang kamay ni Kathleen at pinagsiklop ito.
"Guyyysss nawawala si Alexandra!!!" Malakas na sigaw ni John kaya napatingin kaming lahat sa kanya.