webnovel

BLANK (Bookstore Deities 2, Taglish)

Pymi, the messenger of the bookstore deities has found a perfect target to be played and given a curse in disguise through powerful items. Arwin and Aderson Dela Vega have lived their life wasting every damn paper and putting little value on whatever they have. Now, they have angered the Goddess of papers, the scratch queen, Ppela. Taste the wrath of someone who has been disregarded, ignored, and made feel unworthy.

hanarilee · Urbano
Classificações insuficientes
34 Chs

Scratch 10

-*-*-*-*-*-

'Di pa'ko tapos! The fun was spoiled too early. Slave in distress, was saved by his knight in school uniform. Pwe! Kadiri, ang corny! Tsk. KJ talaga ng babaeng yon. Pakialamera!' reklamo ni Andy sa isip niya.

'Tss. Impormasyon na nga, naging bato pa!' Sa isip ni Ark.

Napakunot ng noo si Andy sa inis. Napamura naman si Ark sa pagkabadtrip. Malapit na sana nilang malaman kung nasaan ang sinasabing misteryosong Bookstore Deities ni Sigmund, ang bookstore kung nasaan nanggaling ang mga drawing books na sa paniniwala ni Ark ay may sa kulam o sa mahikang taglay kaya nagkakatotoo ang mga mga iginuguhit nila doon nitong nakaraang araw.

Kating-kati na si Ark na makita kung kaninoman iyon nanggaling. Maraming tanong ang naglalaro sa kanilang isipan matapos ng nangyaring interrogation nila kay Sigmund the slave.

Sino ang Ppelang iyon? Saan ba nila mahahanap ang bookstore of the deities? Anong klaseng lugar iyon? Totoo ba ang hinala niya?

"Tss. Di bale, mahahanap ko rin yun." determinadong sabi ni Ark sa sarili. Walang makakapigil sa kanya na mahanap ang pinanggalingan ng magical item na iyon. This might be his journey towards something magical – not those found in books nor on movies but in real life. He won't let this rare chance pass.

"O tapos, anong balak mo?" bored na tanong ni Andy. Balak niyang sakyan ang kabaliwan ng kambal para patunayan na wala itong katotohanan at magising na si Ark sa mga delusion niya. That's the only way to convince his twin once he gets too determined and stubborn.

"Subukan natin i-search sa net," suggest ni Ark.

Umupo si Andy sa harap ng computer table niya at sinubukang hanapin sa google ang Bookstore of the Deities. Sinubukan nilang hanapin sa google map at sa kung saan-saang search engine.

"No results. See? Sabi sa'yo eh. Pinagloloko lang tayo ni slave. HAHAHA. Ikaw naman, uto-uto!"

"Sinong uto-uto? Pakyu ka!" Pabirong dinumog ni Ark ang walanghiya niyang kakambal. Masyado siyang kontrabida at panira ng pangarap. At ang lakas loob na tawagin siyang uto-uto? Sumusunod rin naman sa kanya ang kambal. Kung uto-uto siya, edi uto-uto rin si Andy! Hindi pwedeng siya lang, ano.

"Aray! Tang'na mo! Bwisit ka! Gago ka!" Gumanti rin ng mura at suntok si Andy.

Nagpatuloy lang sila sa pagpaparamihan ng mga mura, suntok, tadyak, at balibag, habang nadedebate katulad ng lagi nilang ginagawa kapag hindi sila nagkakasundo.

Andy was really convinced the place does not exist in reality. But Ark really insisted that of course, it is not found on the internet because it is magical. Maybe some people or very few people knew about it- including them.

Matapos ang ilang minutong pagbubugbugan nilang magkapatid, bumalik na sila sa paghahanap ng bookstore.

Hindi, Hindi. There has to be a way. There is for sure- that is what Ark firmly believes.

The search continued for another two days pero ang resulta? Itlog. Black hole. Zero. Parang isang game na nagla-lag at hindi naglo-load.

Andy was getting sick already about finding this bookstore of.. ano nga ulit iyon? Ah, nakalimutan niya. Wala siyang pake. Naiinis na rin siya sa kakambal. Kaunting-kaunti nalang, iisipin niya na talagang may kakambal siyang baliw o di nama'y nag-aadik!

'Tss! Bakit ba kasi may kakambal akong baliw? Isusumbong ko na talaga siya kay mommy! Sasabihin kong nagda-drugs ang gago. Lintik!'

Lahat na yata ng paraan, ay nagawa na ni Ark. Nauubos na ang mga ideya niya. Napapagod na sila kakahanap pero wala pa rin silang mahanap. Malapit na silang sumuko. Well, hindi talaga mahahanap kapag ayaw magpahanap.

"Tol, itigil na natin to! Pagod nako! Tangina! Dinamay-damay mo pa'ko sa kabaliwan mo! Itigil mo na nga ang pagda-drugs! Bwisit!" The mission was impossible from the start but he still supported his crazy twin. At ngayon, pinagsisisihan na niya ito.

He feels like a shit. An idiot. A fool. A mentally retarded person for a while kahit na mataas naman ang IQ niya.

"Gago! Mukha ba akong adik?" singhal ni Ark. Napasuklay siya ng buhok sa sobrang frustration. Nawawalan na siya ng pag-asa. Baka nga, tama si Andy.

Ngunit biglang sumulpot ang isang ideya. May isa pang paraan. Nabuhayan ng loob si Ark.

'Paano kung, gamitin ko si Sigmund bilang pain? Tama! HAHAHA! Ang talino ko talaga! HAHAHA. Nice one, Ark! '

"Tol! Alam ko na! Hahaha!"

Sinamaan ng tingin ni Andy si Ark. "Ang ano nanaman? Tumahimik ka na! Isa ka nalang!" Konting -konti nalang ang pasensya niya ha. Pero isa pang pagpupumilit ng kakambal, mabubugbog niya talaga 'to. Wala siyang pake kung pagalitan siya ng mommy niya basta nabubuwisit talaga siya!

Habang nagtatalo ang dalawa, isang batang babae ang nanood sa kanila. Naramdaman niya ang matinding pagnanais ni Ark na manggamit habang siya ay pagala-gala. Kaya sinundan niya kung saan ito nanggaling. Nakita na niya ang hinahanap. Napangiti siya at saka biglang nawala na parang isang multo.

Isang lalakeng payat, at nakasuot ng blue polo na may isang di pamilyar na logo, nakasabit na ID sa leeg nito at black slacks, at black shoes ang lumapit sa dalawa.

"Hi sir! May bago kaming release na mobile game! May free trial po kami para sa Rules of the Deities." Nagsimula mag-explain ang salesman tungkol sa laro habang nagtitipa sa tablet niya. Nang marinig ang salitang mobile game, kaagad na nakuha ng salesman ang atensyon ng dalawa.

Yon! Ang mabuti pa, maglaro nalang sila. Andy needs to break away from stress. Ark needs to take a break for a while kaya sumama sila sa salesman papunta sa 'office nito' sa loob ng mall.

Pumasok sila sa loob ng isang Cyber Game Store. Kataka-taka dahil ngayon lang nila ito nakita sa mall. Matagal na silang game addict. Wala silang hindi nalalaman na laro pero bakit hindi nila alam na nag-eexist ang ganitong klaseng cyber game store?

"Good afternoon, sir Anderson and Arwin." A tall woman in her twenties wearing a green blouse, and black pencil skirt greeted them when they entered the door. She has a peculiar letter tatoo logo on her chest malapit sa collarbone niya.

"Do you know us?" tanong ni Andy.

"Yes of course, sir. There is nothing that we don't know about our customers." Skat replied with a formal smile.

Weird. Hindi nila kilala ang babaeng to. Pero alam niya ang pangalan ng dalawa.

'Daming satsat! Asan na ba yung game dito? Kating-kati na'ko maglaro ulit!' reklamo ni Andy.

Nagpalinga-linga sila sa store. Maaliwalas ang atmosphere. Maliwanag. Puting-puti ang mga ding-ding na pinalamutian ng mga kakaibang letra at simbolo. Katulad ng tattoo ni Skat at ng logo sa damit ng saleman kanina. Mayroong mga muwebles katulad ng chandelier na gawa sa ginto.

Maayos na nakasalansan at nakahiwalay sa isang sulok ang mga panulat, papel, panukat, at mga art materials. Sa kabilang bahagi ng tindahan ay may mga estante para sa nakakalulang dami ng libro. Walang counter, pero mayroong pitong gintong pintuan na may iba-ibang simbolo sa itaas, katulad ng mga simbolo na nakaukit sa ding-ding.

Kasdalasan, maliit lang ang pwesto ng mga store na inuupahan ng mga stall sa mall pero bakit ito, dinaig pa ang national bookstore sa laki?

Akala ba nila, game store ito? Bakit parang naligaw sila sa isang bookstore? Pero, malinaw na nakita nila ang signage sa labas bago sila pumasok. BD Cyber Game Store ang nakalagay. Wag mong sabihing na-scam sila?

'Ate Skat, Pinatawag sila ni ate Ppela.' The salesman communicated to Skat through his mind. The Goddess of numbers and measurements nodded as a reply.

"May hinahanap po kayo kanina, hindi ba? Hindi niyo na kailangang magpakapagod, dahil nandito na kayo."

Isang malaking question mark ang tumubo sa kanilang ulo. Hinahanap? Ibig ba niyang sabihin...

"Tama. Welcome to the Bookstore of the Deities! Your questions shall be answered once you enter that room." He explained as he pointed to a door with a golden cursive letter VF as a symbol.

They could only freeze and gape in shock, disbelief, and excitement.

Bookstore of the Deities really existed?

No way.