webnovel

CHAPTER 11

Chapter 11: Second game

Astre's Point Of View

Babalik na sana ako sa silid para sabihin ang mga kagaguhan ni Angel kay Kevin kaso bigla 'kong nakita si Kevin na nakatayo sa hindi kalayuan sa'min.

"Kevin..." Bulong ko. Nakatayo lang ito habang nakatingin kila Angel at Ryu na nag-hahalikan. Dali-dali akong lumapit kay Kevin. "Bro si--"

"Mga hayop." Bago ko pa man mapigilan si Kevin ay agad itong lumapit kay Ryu at pinaulanan nya ito ng suntok. "Walang hiya ka!" Halata sa boses nito ang galit. Hindi ko sya masisi dahil napakawalang hiya talaga ng ginawa ni Ryu at ni Angel kay Kevin.

Napatingin ako kay Angel,nakatayo lang ito habang umiiyak. Wala ba syang gagawin?

"Kev tama na." Pagpipigil ko sa dalawa.

"Pabayaan mo'ko Astre,papatayin ko muna ang lalaking 'to!" Sinuntok ng sinuntok ni Kevin si Ryu,hindi makapalag si Ryu dahil malakas ang suntok ni Kevin.

"Babe! Tama na!" Napahinto si Kevin sa pagsuntok kay Ryu at tumingin ito kay Angel.

"Babe?" Natatawang sabi ni Kevin. "Pagkatapos mo'kong gaguhin nakuha mo pa 'kong tawaging Babe?!" Tumayo ito at lumapit kay Angel.

Agad akong lumapit kay Ryu,hinang-hina ito at hindi ko na maaninag ang mukha nya dahil sa dami ng dugo.

"Babe,let me explain." Umiiyak sa sabi ni Angel.

"Explain what?"

"I---"

"Angel kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano mo'ko niloko! Okay pa sana kung binabastos ka lang nya 'e! Pero hindi'e pumapalag ka! Bakit? Dahil malandi ka!" Rinig sa buong hallway ang sigaw ni Kevin.

Hindi makapag-salita si Angel,siguro dahil guilty sya. Kawawang Angel,napakatanga nya para gawin ang mga ganitong bagay.

"I'm sorry Babe..." Hinawakan nito si Kevin para mag-makaawa pero agad na inalis ni Kevin ang kamay ni Angel.

"'Wag mo'kong hahawakan,nakakadiri ka,and don't ever call me Babe dahil simula ngayon wala ng namamagitan sa'tin." Tumalikod na ito sa'min kaya agad ko itong sinundan.

"Kev--"

"Gusto kong makausap si Ella." Malamig na sabi nito. Bigla 'kong kinabahan. Anong plano nya?

'Ng makarating kami sa Black Room andun sila Mixie at ang iba pang leaders. Wala si Ella.

"Buti naman at dumating na ka'yo." Bungad ni Mixie. "Nasa'n sila Angel at Ryu?"

Walang nag-salita sa'min bagkus ay umupo lang kami ni Kevin.

"May problema ba Astre?" Tanong ni Trevor. Agad akong umiling. Ayokong maki-issue kila Kevin at Angel.

Bahagya 'kong napatingin kay Kevin,nakayuko lang ito habang nakakuyom ang kamay. Alam kong masakit ang nararamdaman nya ngayon dahil nangyari narin 'yon sa'kin noon pero hanga ako kay Kevin dahil hindi nya pinapakita na sya ang talo sa kanilang dalawa ni Angel.

Biglang bumigat ang prisensya ng dumating si Ella. As usual dala nito ang kanyang notebook at diretsong umupo sa kanyang working table.

"Nasa'n si Ryu?" Tanong nito. "Tsaka yung isang babae?"

"Nasa hallway naglalampungan." Bigkas ni Kevin. Napatingin kaming lahat rito.

"Kev..."

"Bakit mali ba'ko?" Sarkastikong sabi nito. "Hoy Ella,sabihin mo na kung ano ang susunod na laro. Nangangati na ang kamay ko,gusto ko ng pumatay."

Napakunot ang noo ko,alam ko ang ibig nyang sabihin sa mga salitang binitawan nya.

"Sure,masyado ka atang nagmamadali." Tumayo si Ella at inilabas nito ang kanyang mikropono na nakakonekta sa malaking speaker ng Campus.

"Ladies and Gentlemen the 2nd game is now starting. Nakuha nyo naman na siguro ang librong ibinigay ko? You need to take care of your books at kailangan ka'yo lang ang nakakaalam kung anong libro ang hawak nyo dahil kung hindi buhay nyo ang magiging kapalit no'n. I will ring the bell when the game is over. Goodluck." Pinatay nito ang mikropono.

"Anong libro yun?" Tanong ni Raphael.

"Secret." Nakakalokong sabi nito. "Nasabi ko na sa inyo ang rule at kailangan nyo lang hanapin ang estudyanteng may hawak ng libro tungkol sa mga katotohanan and paalala ko lang ulit na hangga't hindi nyo nahahanap ang estudyanteng yun hindi matatapos ang 2nd game."

"Easy." Tumayo si Kevin at agad na umalis ng kwarto.

Nag-katinginan nalang kaming lahat. Hindi ko dapat pabayaan si Kevin. Alam kong may pinaplano sya kay Ryu at Angel.

"Aalis na'ko." Bwelo ko.

"Sandali." Pigil ni Ella. "Mag-uusap pa ta'yo Astre."

"Mauuna na kami." Tumayo na sila Trevor at umalis ng kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni Ella.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko.

"Anong nangyari sa kaibigan mo?" Tanong nito habang inaayos ang kanyang papel.

"Nakita nya kanina sila Ryu at Angel na naghahalikan sa C.R." Bigla itong tumigil at kumunot ang noo sa sinabi ko.

"Naghahalikan?" Napataas ang kilay nito. "Pero...sure ka ba talagang si Ryu?"

"Oo naman." Hindi maipinta ang mukha nito. "May problema ba?"

"Nasa'n si Ryu?" May kung anong black aura ang bumalot kay Ella na ikinatakot ko. Itinuro ko nalang kay Ella kung nasa'n namin iniwan sila Ryu,baka sakaling ando'n pa sila.

'Ng makarating kami sa hallway,nakita namin sila Angel at Ryu kaya agad na lumapit si Ella sa kanila.

Nagulat ako ng sampalin ni Ella si Angel. Tunog sa buong hallway ang lakas ng sampal ni Ella.

"Ella.." 'Ika ni Ryu.

"What the hell are you doing Ryu?!"

"Let me ex--" Nanlaki ang mga 'ko ng sampalin rin ni Ella si Ryu. Napayuko si Ryu dahil sa lakas ng sampal ni Ella.

"Binalaan na kita Ryu at sinira mo ang tiwala ko kaya hindi ko na kailangan ng paliwanag mo."

"Ella,wala kang alam!" Sigaw ni Angel.

"May dapat pa ba 'kong malaman?" Natatawang sabi ni Ella. "At ikaw,Ms. I don't fucking care who are you,anong pumasok sa kokote mo para patulan ang walang hiyang 'to?" Hindi sumisigaw si Ella pero dama ko ang galit nya. Bakit kaya sya nagagalit?

Hindi na nag-salita si Angel at tuloy parin ito sa pag-iyak.

"Ella,we need to go." Pag-aaya ko. Mas mabuting unahin namin ang laro kesa sayangin ang oras sa dalawang 'to.

"Hindi." Napatingin ako kay Ella. "Hindi ako aalis hangga't hindi sinasagot ng babaeng 'to ang tanong ko." Ano bang--

"Hindi kita sasagutin dahil hindi mapro-proseso ng makitid mong utak ang isasagot ko." Muli ko nalang narinig ang malakas na sampal ni Ella sa mukha ni Angel. Hindi ako makagalaw para tulungan si Angel dahil deserve nya ang sampal ni Ella.

"Ella,stop it." Nanghihinang bigkas ni Ryu.

Magsasalita pa sana si Ella ng dumating si Kevin. "Ella." Tawag ni Kevin kay Ella.

Napalingon kaming lahat kay Kevin at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung anong hawak nito. Agad inabot ni Kevin ang isang libro kay Ella.

"Tapos na ang second game." Bigkas nito. Hindi nakapagsalita si Ella. "Yung estudyanteng may hawak nyan nasa Black Room." Kinuha ni Ella yung libro. Nakatingin lang kaming lahat kay Kevin.

Paano nya nakuha ang lirbo ng gano'n kadali? Wala pang isang oras simula ng mag-start yung laro.

"Paanong--" Hindi rin makapaniwala si Ella.

"Don't worry,wala ng buhay yung estudyante." Tinapik nito ang balikat ni Ella bago tumalikod sa'min. Hindi man lang nya nakuhang sulyapan sila Angel.

Nag-katinginan kami ni Ella. Napangisi nalang ito at bahagyang napailing. "He's crazy." Bulong nito.Kinuha nito ang alarm at agad na pinatunog. Hudyat na tapos na ang pangalawamg laro. "Let's go,Astre." Tumango nalang ako.

Isang Kevin Chua,ang lampa kong kaibigan. Hindi ko akalain na matatapos nya ang pangalawang laro ng wala pang isang oras. Hanga na talaga 'ko sa unggoy na 'yon.