webnovel

BITTEN (BxB)

After ending an on-again, off-again relationship of 10 years, Liam decides to foster a Siberian husky named Tucker to mark the start of his new single life. He can't wait to cuddle with his new furry roommate, take him on walks, and play fetch. But Tucker is no ordinary dog... and when night falls, Liam is in for a surprise.

ACExGREY · Fantasia
Classificações insuficientes
8 Chs

Chapter 3

Bitten Chapter 3

Liam's Point of view

Rinig na rinig ko ang mga huni ng mga ibon kahit naka tuon ako sa phone ko, nasa park kasi kaming dalawa ni Tucker.

"Tucker, nakapag plano kana ba para sa pag punta mo ng Siberia? Eh ni passport nga wala ka at lalo namang hindi lumilipad yung mga aso." Sabi ko kay Tucker na aso sa ngayon.

"At kung nagpa-plano kang mag punta 'don gamit ang mga paa mo, paano mo naman mahahanap ang daan kung saan ka patungo?" Tanong ko sakanya at tumalon siya pa baba sa bench at yumuko at parang may inaamoy.

"Huh?" Naguluhan ako sa ginawa niya.

"Gagamitin mo yung pang-amoy mo?" Tanong ko parang 'yon kasi pinapahiwatig niya.

Umayos naman siya ng tayo at tumingala sa araw at may parang tinuturo gamit ang kanyang ilong.

...?

"Ah! So gagamitin mo yung araw para maging guide mo para alam mo kung west yung papatunguhan mo." Sabi ko.

"Pero kailangan mo pang tumawid ng Pilinas para maka punta 'don." Dagdag ko.

Umupo naman siya at nakatitig sa mga mata ko, habang may nagtatahol sakanya ng chiwawa sa likod niya pero parang wala siyang pake.

"Hindi mo talaga 'to pinag-isipan ng matagal no? Bago mo ginawa?"

"God, you're so not prepared for this..."

...

Mag gagabi na ng maka uwi kasi mahirap na kung mag papalit siya ng anyo sa public kaya umuwi nalang kami.

"Hays... Kalimutan natin yung mag e-eroplano ka papunta. Kailangan mo munang maka punta ng China gamit ang barko." Sabi ko sakanya habang nag re-research kung paano makapunta ng madali doon.

"Kailangan mo ng kasama pag may araw kasi aso ka pa 'non..." Dagdag ko.

"Anong meron? Marami bang mali sa mga plano ko?" Sabi ni Tucker, kaya napa tingin ako sa gawi niya.

Nag palit na pala siya ng anyo at usual na naka hubad siya.

"Oo. At madami." Dagdag ko.

Tumayo ako at hinatak papuntang kwarto ko at pumunta sa drawer ng mga damit ko at nag ukay ng damit na kasya sakanya.

Nang maka kuha ko ay isinuot ko sakanya ito.

"At ang unang una mo talagang gagawin kahit nasaan ka man ay makapag bihis pag mag papalit ka na ng anyo." Sabi ko sakanya, at inayos ang damit niya.

"Okay." Sagot niya naman.

"May mga damit dito sa drawer na'to na kasya sa'yo, kunin mo lang kung ano ang gusto mo." Sabi ko sabay turo ng drawer kung saan yung tinutukoy ko na mga damit na kasya sakanya.

"Hmm." Tumango tango naman siya.

"Sayo ba 'tong mga damit na'to? 'Di ko alam na nag susuot ka pala ng mga ganito." Sabi niya, sabay hawak sa design ng T-shirt na suot niya.

Ang design kasi ng damit niya ay chiwawa na parang may lagnat.

"Nah, hindi 'yan sakin." Sagot ko naman.

"Itatapon ko narin naman sana 'yan eh, kung gusto mo sayo nalang." Dagdag ko.

"Nice! Salamat."

Lumabas naman kami at bumalik sa pwesto ko sa sofa.

"Bottom line is... hindi ka makakapunta ng Siberia ng mag isa." Sabi ko sakanya.

"Diba sabi mo galing ka sa Daval del Norte?" Tanong ko sakanya.

"Eto phone ko tawagan mo mga magulang mo at umuwi kana sainyo." Sabi ko sakanya sabay bigay ng phone ko, sumimangot naman ang mukha niya at kinuha ang phone ko.

Nag simula naman siyang nag dial at inilagay sa tenga niya.

"Hey, Mom." Sabi niya at tumalikod saakin.

"Nasa Davao City ako ngayon."

"Oo, okay lang ako dito."

"Wag kang mag alala sakin."

"Maayos naman ang lahat."

"Naka-hanap rin ako ng makaka tulong sakin."

"Oo, iuupdate ko po kayo."

"Okay, bye." Sabay bigay niya sa phone ko.

"Di ka ba nakikinig sakin?! Wala ngang paraan para maka punta ka sa Siberia! Itigil mo na nga pagiging hibang mo at umuwi kana sainyo." Explain ko sakanya.

"Sinabihan na nga kita diba, 'di ako uuwi sa amin! Pupunta ako ng Siberia, at yun ang desisyon ko." Ani niya sakin.

"Oh, for Christ's sake, be realistic." Sabay dabog ko ng phone ko sa center table.

"I-isang batang, I mean, a aso... I-isang werewolf na tulad mo... 'di makaka-byahe ng ng mag isa, it's just physically impossible! Wala akong matatapos neto dahil sayo, my frickin' deadlines are coming up at at...

"Come on, chill." Ani niya sakin ng wala na akong maidagdag, sa hinaba haba ng explanations ko, come on tsaka chill lang natanggap ko.

"God! Hindi ka nga makaka punta 'don hindi ka kasi normal na tao." Sabi ko sakanya.

"At paano mo naman nalaman na may werewolves din na naka tira sa Siberia? Baka kwento kwento lang yon!" Ani ko.

"Come on Liam. Anong tingin mo sakin hindi werewolf?" Sabi niya sakin.

"At kagaya ko rin baka nakita na rin nila kung ano ang hinahanap nila sa kabilang kontinente... ang pag punta ko rito ay para maka punta ako sa Siberia." Dagdag niya.

"At paano mo naman nalaman na may werewolf na nag eexist in the first place?" Tanong niya sakin, nagulo isip ko.

"At kung hindi naman sila nag eexist, paano mo naman nalaman tungkol sakanila?"

"Ha? I mean..."

"Nakita ko na sila sa mga libro at palabas..." Sabay tingin ko sa sahig.

"See?! 'Di mo pa sila nakikita sa totoong buhay pero alam mo na ang tungkol sakanila." Sabi niya na at parang na eexcite.

"Ha?"

...

"Naka kita kana din ba ng kangaroo sa totoong buhay?" Out of the blue niyang tanong.

"...hindi pa?" Ani ko.

"Oh, at paano mo naman nasisiguro na nag eexist nga sila?" Tanong niya sakin.

Napa hawak ako sa baba ko at napa-isip. Oo nga noh.

"Same lang yon." Sabi niya.

"Kung ganon at bakit walang records tungkol 'don? "

"Sabihin mo sakin, naka kita kana din ba ng mga katulad nila?" Dagdag ko habang nilalaro ko ang buhok ko.

"Hindi parin ako fully convinced na may ibang werewolves doon. Not even ikaw na nasa harap ko ngayon." Sabi ko sakanya dahilan para mahulog ang balikat niya.

"They exist, Liam." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko, naging malungkot ang tono ng pag sabi niyang 'yon.

"At dahil lang na hindi mo pa sila nakikita hindi na agad sila nag eexist?" Sabi niya.

I sigh.

"Then... do vampires actually exist, too?" Tanong ko sakanya.

"Ewan ko, di pa ako naka-kita ng kagaya nila." Sagot niya naman kaya napa isip ako.

Do kangaroo exist...?!

Tucker's Point of view

Mag a-ala una ng madaling araw pero gising parin ako at nasa table ni Liam at nag sesearch sa laptop na ipinahiram niya sakin.

Nauna na si Liam sa kwarto niya kanina pa.

Nang wala akong magawa ay naisipan kong buksan ang drawer niya.

May nakita akong maliit na collar na kulay dilaw, kinuha ko naman ito at inobserbahan.

Isang maliit na collar...

Tinungo ko ang kwarto ni Liam kung saan siya natutulog ngayon.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at nakita ko siyang nakahiga na nakatalikod.

Lumapit ako sakanya at umupo ako sa kama niya at nilalaro ang buhok niya.

"Gising ka pa ba?" Tanong ko sakanya, kung sakaling sasagot gising talaga yan.

Tumabi naman ako sakanya sa kama at nakisalo sa nag iisang kumot niya.

Umusog ako palapit sakanya.

"Bakit ka pumunta at kinuha ako sa shelter nung isang araw?" Tanong ko sakanya.

"Hm?"

"Well... sabi kasi nila na papatulugin kana lang daw nila pag walang darating para ampunin ka. At di ko naman na hahayan na mangyari 'yon." Sagot sakin ni Liam.

"Pero di ko alam kung ano ang inisip ko non." Dagdag niya.

Inilagay ko ang kamay ko sa braso niya.

"Pero naisip mo talaga na kukuha n aso bago mo pa ako dinala rito, diba?"

"Gusto mo ng maliit na aso." Dagdag ko.

"Hindi pala ako ang hinahap mo." Sabi ko kaya napalingon siya sakin.

Niyakap ko naman siya.

"Pero masaya naman ako na ikaw yung taong naka kuha sakin."

"Baka kung ibang tao na yun hindi siguro sila kagaya mo na understanding." Sabi ko sakanya.

"Salamat. Liam." Sabi ko.

Goodnight.

...

Liam's Point of view

Na alimpungatan ako sa sikat ng araw na tumatagos sa bintana ko kaya napabangon ako sa kama ko, di ko namalayan na wala na pala si Tucker sa higaan.

"Tucker?" Tawag ko sakanya.

Parang may hindi tama rito.

Saan siya nag punta?

Napa lingon ako sa pader ko nung may nakita akong tig iisang bond paper na naka dikit sa pader ko, at bawat papel ay nakasulat na notes.

Napakunot ang noo ko.

To be continued