webnovel

Chapter 2

Kinabukasan ay muling dinala si Alison ng kanyang sarili sa rooftop mula sa kaniyang kanang kamay ay hawak niya ang isang envelope na akala niya hindi nya hahawakan kailanman.

"Matagal ko ng sinubukan.. matagal na..ngunit tulad ng isang saranggolang sumabit sa kable..

Katulad niya hindi ko na nakarating ang himpapawid at nabigo ako.. kung sana ang buhay ay parang mga nobelang sinusulat ko lang.. isusulat ko ito na may pag iingat at wala ng pagkakamali.. pero hindi..dahil tulad ng buhay at mga nobela ko walang sino man ang pumapansin nito" aniya sa sarili bago makatanggap ng mensahe sa kanyang cellphone.

Matapos iyon ay agad na siya ng bumaba sa kanilang kwarto upang antayin si billy.

SA HAPAGKAINAN

"Libre ako bukas wala akong pasok baka may nais kang puntahan" wika ni Billy. "Gusto ko iyan maari ba tayong pumunta bukas sa grocery" wika ni Alison. " Maganda ang naiisip mo.. pero gusto ko sanang yayain ka narin hots and pepper para kumain.. iyong ay kung ayos lang sa'yo" wika ni Billy. "Hots and peppers sa lugar kung saan napakasarap ng mga pizza( lumapit sa asawa at niyakap) sa lugar kung saan tayo lagi kumakain at sa lugar kung saan tayo unang nagkakilala.. mahal ko sabihin mo nga sa akin papaano ba tumanggi ang isang asawa na wala namang ibang kasalanan sa mundo kung hindi ang maging paborito lamang ang pizza" wika ni Alison. " Alam kong iyon lamang ang magpapasaya sayo at ang maging masaya ka mahal ko..alam mo iyon ang gusto ko" wika ni Billy

-Makalipas ang ilang oras (Sa grocery)-

"Hanggang ngayon ay matakaw ka pa rin.. hindi ko akalain na kayang kaya mong paring umubos ang isang kahon ng pizza" wika ni Billy. "Correction anim lamang ang nakain ko..baka nakakalimutan mo ikaw ang kumain ng dalawa" wika ni Alison.

" Iba ka talaga.. hindi na ako magtataka kung isang araw ay ipagpapalit mo ako dahil lamang sa pizza" biro ni Billy at nagtawanan silang dalawa habang nag go grocery...

Isang oras ang lumipas matapos nilang mag grocery ay nagulat si Billy at si Alison habang sila ay nasa counter ng may lumapit sa kanilang isang lalaki. " Mukha ng magiging maganda ang araw ko dahil sa napakagandang binibini sa harapan ko" wika ng lalaki kay Alison.

"May kailangan po ba kayo?" Wika ni Alison. "Hayaan niyo ako magka kilala.. ako si Rafael at ako'y nagbabakasakali lamang na baka inyong magustuhan ng aking inaalok na sunglasses..

Oo mukha lamang syang isang ordinaryong sunglasses kung titignan nyo.. pero ang kalidad at tibay nito ay talagang kakaiba.. at ngayon ay ibibigay ko sa inyo ang isang napakagandang balita.. ito ay 999 pesos lamang.. at kapag bumili ka na ng isa ay maaaring makakuha ng isa pa ng libre lamang" wika ng lalaki. " Oo malinaw naman sa karatula na nababasa namin buy 1 take one.. pero hindi ba sya masyadong mahal" tanong ni Billy. " Maaring mahal siya pero hindi nyo ba alam na maaaring nyo itong isuot sa isang napakagandang isla na pwedeng yung puntahan ng hindi kayo nag babayad" wika ng lalaki.

" Isang magandang isla na walang bayad posible ang sinasabi mo.. papaano naman iyong mangyayari?" Wika ni Billy. " Walong tao.. tamang narinig mo..sampong tao ang pwede manalo nang trip to island paradise for free.. kada isang tickets dalawang tao.. limang ticket lamang ang bubunutin bukas gabi kaya ano pang inaantay ninyo.. bumili na kayo ng sunglasses para magkaroon kayo ng ticket.. Hindi natin masasabi ang swerte.. maaring dalawa kayo sa sambong masuswerting mabunot bukas ng gabi" wika ng lalaki. " limang ticket lamang? napakaimposible.. pasensya na.. pero hindi kami intersado" wika ni Alison. ( Nang biglang hinagis ng lalaki ang sunglasses sa sahig) " pagmasdan iyong sunglasses.. hindi man lang nabasag ni hindi man lang nagasgasan... Sabihin na natin kalimutan na natin ang ticket.. ngunit ang kalidad at uri ng sunglasses na katulad nito.. bibihira lamang" wika ng lalaki bago damputin ni Billy ang sunglasses. "Tama sya ni hindi man lang nabasag o na nagasgasan ang sunglasses na ito.. napakaganda nga nito.. tama ka nga.. mukhang ganitong sunglasses ang kailangan ko..lalo na kapag ako ay nag da drive at mainit.. ano sa palagay mo Alison... Wala naman siguro masama kung bibili natin ito.. isa para sa akin at isa para sa'yo" wika ni Billy. " Ikaw ang bahala" wika ni Alison... Mula nga doon ay agad ngang ibinigay ng lalaki kay Billy ang ticket para sa raffle at agad ngang binili ni Billy ang by one take one na sunglasses... " maraming salamat po ulit sir hangad ko po na sana kayo ang palarin at mabunot ang inyong ticket.. pakilagay na lamang po ang inyong numero na maaari naming tawagan sa kaling kayo po ay palarin at mabunot mamayang gabi" wika ng lalaki. Bago umalis sila alison.

" Sa palagay mo ba su swertehin ka"wika ni Alison " maganda ang uri ng sunglasses na ito at hindi na ito masama sa kanya ng presyo. palagay ko doon palang ay panalo na tayo" wika ni Billy bago sila umuwe.