webnovel

BIRDBRAINED

"Dan! mahal mo ba ako o ginagamit mo lang ako para makalimot ka sa nakaraan mo!" "Pwede ba Xnne, tama na ang katatanong mo niyan!" nagagalit na sambit ni Dan. Si Dan ay isang Inhinyero na medyo mapaglaro sa mga babae. Makisig ito, matangkad at lapitin ng mga bakla, Hindi ito tipong masyadong gwapo. Pero malakas ang karisma nito. Kaya madali lang niya mapapaakit ang babaeng magugustohan niya. Si Xnne naman ay isang birdbrained, pakitaan mo lang ito ng kabutihan, mapapalapit na siya sayo. Sa lahat ng bagay lage syang naiisahan, mahina ang utak. Isa siyang napaka tangang babae. Pero maganda si Xnne, matangkad din naman, Mapag mahal, mahina nga lang ang loob nito. Nagkita sila ni Dan sa isang grocery store, nadapa si Xnne at nahulog lahat ng bitbit niya, tinulongan siya ni Dan, at napang abot ang mga mata nila. Nagandahan si Dan sa kanya. sabay sabi "ahh, Miss pwde ko ba mahingi ang phone number mo?" Napatulala si Xnne "Huh? number ko? ahh ehh, sisisige, ahh sandali lng ha, kinuha ni Xnne ang cellphone niya sa bag at pinindot pindot ito. "Hindi ko kasi saulo ang # ko", nahihiyang sambit nito, na namumula na ang mga pisngi. "ako na!"sabay kuha sa cellphone ni Xnne sa kamay nito, idinial ni Dan ang cellphone number niya at nag ring ito. "ohh, ayan, nakuha ko na number mo". sabay balik sa kamay ni Xnne ang kanyang cellphone. Umalis si Dan sa harapan niya para magpatuloy na ito sa bibilhin niya, nandon parin si Xnne sa kinatatayuan niya, hindi niya alam kong ano ang gagawin niya sa mga oras na yun. "kinuha niya ang number ko! magkakaroon nakami ng kontak" usal ni Xnne, parang kina kausap ang sarili. "Sandali?! kilala ko ba siya? but ko naman binigay sa kanya ang number ko?" naku! naman! ang tanga ko talaga!" sabay taas nguso na sabi ni Xnne. Hindi niya alam na nakatingin sa di kalayuan si Dan sa kanya, na napapangiti sa nakikita niya. Mapapa-ibig kaya si Dan ky Xnne na malayo sa ideal girl nanaka tatak na sa pusot-isipan nito.

esor101 · Realista
Classificações insuficientes
17 Chs

Chapter 12 Nagulat

"Xnne!" ang masayang bati ni Marie. "Marie, hahah... " sabay yakapan ng dalawa. "Hindi ko inaasahan na ganyan kana kaganda ngayon! dati, ang payat payat mo at ang---" "LAKIIIII ng Mataaa mo!"putol ni Mark sa sasabihin ni Marie. "Ikaw! ikaw! mmm! hampas at suntok ang inabot ni Mark ky Xnne, habang hinahabol ni Xnne si Mark na panay iwas sa mga suntok at hampas nito, nagpalibot-libot sila sa dalawang kaibigan na nag tatawanan.

Ang lumang gusali ay may dalawang palapag, maraming mga tumutubong ligaw na mga damo dito, na may mga iba't-ibang laki ng mga kahoy ang naka kalat sa paligid, may mga bulaklak din na nag bibigay ganda sa buong lugar.

"Noon, dito tayo palaging pumupunta," sabi ni Jhon. habang nag hahabolan parin si Xnne at Mark. Inis na inis talaga si Xnne ky Mark.

"Hindi pa ito ganito---at ang saya-saya lang natin non..!" sabi ni Marie na itinaas ang mga kamay na animo hinahawakan ang hangin at umikot ito ng dalawang beses na naka pikit ang mga mata at naka taas ang ulo.

Tumigil si Xnne sa kahahabol ky Mark at tumabi ky Marie, at niyakap si Marie sa leeg sabay sabi na "Tama ka nga Marie! ang saya natin dito at sabi mo pa nga noon na gusto mo si Mark na maging nobyo---hahah" tawa ni Xnne na binulgar ang sekreto nilang dalawa. Biglang napahawak sa bibig si Xnne na nanlalaki ang bilogang mata nito. lumaki din ang mga mata ni Marie na gulat na gulat sa sinabi ni Xnne!. Napahampas sa balikat ni Xnne si Marie, at namumula ang mga pisngi, na parang naging kahoy sa kanyang kinatatayuan. Nahihiya siyang tumingin ky Mark. "Ha ha ha--ano kaba Xnne, ang tagal na non, uy!" sabi ni Marie na ikinubli ang mukha para hindi mahalata na nahihiya na siya.

Matagal na niyang gusto si Mark, at nong nalaman niya na uuwi ito ay nag-ayos talaga siya at tuwang-tuwa na magkikita silang muli. "Wala ka talagang isip! ang tanga-tanga mo parin talaga, hindi ka parin talaga nag babagong babae ka!! grrr! sabi ni Marie kay Xnne sa mahinang tono pero madiin ang pagkakabigkas. "Sorry na! parang hindi naman niya narinig ehh, tingnan mo siya, busy siya sa cellphone niya.."sabi ni Xnne ky Marie na pabulong. Gustong tingnan ni Marie si Mark, kung totoo ba ang sinasabi ni Xnne. Nagdadalawang isip siya kasi nahihiya na talaga siya.

Mag sasalita pa sana si Xnne ng "Malapit na daw sila." Ang sabi ni Mark sabay baba sa cellphone na hawak nito. Hindi masyado narinig ni Mark ang sinabi ni Xnne dahil, biglang nag vibrate ang cellphone niya sa kanyang bulsa. "Ahh! Mark, narinig mo ba ang sinabi ko kanina?"tanong ni Xnne, "Na ano?" tanong din ni Mark. "Ahhh ha ha ha, wala yun Mark" sabi ni Marie na parang nabunutan ng tinik. "cge mag-aayos na muna kami ni Xnne sa mga dala nating pagkain, kasi nagugutom na ako ehh"sabi ni Marie. "Sige ayusin nyo na, malapit narin sila Liza,Clyde at Alex" ang sabi ni Mark. Napa-ngiti lang si Jhon, kasi rinig niya lahat ang sinabi ni Xnne kanina at ang gulat ni Marie. Gusto niya matawa dahil hindi talaga parin nag babago si Xnne.

Hindi nag tagal dumating narin ang iba pa nilang mga kaibigan. Pinagsalohan na nila ang kanilang mga dalang pagkain, at may kunting beer din na dala si Clyde. Nag kwentohan, nag kantahan, may dalang gitara si Alex. Hanggang sa hindi na nila na malayan na malapit ng mag umaga.

Sa bahay nila Xnne:

Alas otso ng gabi pumunta si Dan sa bahay ni Xnne, hindi na siya tumawag sa cellphone. Dahil alam naman niya na laging nasa bahay lang si Xnne kung wala silang lakad dalawa.

"Wala dito si Xnne, Kanina pa sila umalis ni Mark. May pinuntahan sila, baka uumagahin nayon!" ang walang ganang sabi ni Aling Fe. "Bumalik ka nalang sa susunod na araw! bugaw ni aling Fe ky Dan. Galit si aling Fe ky Dan, dahil minsan nakikita niyang umiiyak ang anak niya dahil dito, at mas gusto niya si Mark para sa anak.

"Ahh, sige po, aalis na po ako" ang sabi ni Dan.

"Ahh Nay, itatanong ko lang po, sino itong Mark? pahabol na tanong ni Dan. "kaibigan niya at ANAK-ANAKAN ko narin!" sabi ni Aling Fe na pinag diinan ang "anak-anakan". "Sige na at magsasara na ako, gabing-gabi na, at akoy matutulog na" bugaw ni Aling Fe ky Dan.

"tinatawagan ko hindi naman makontak!" inis na si Dan. "Bahala ka na ngang babae ka!" sabay paharorot ni Dan ng sasakyan.

Kina umagahan sa lumang gusali:

Gising na si Xnne, mag aalas kwatro na ng umaga. "Naku, patay na! inumaga kami dito! patay ako kay nanay nito!" hinanap ni Xnne ang kanyang bag, nakita niya ito sa likod ng isang box na may laman pang mga hindi na buksan na mga beer. Hinalungkat niya ang kanyang bag at nakita niya ang kanyang cellphone. "Naku! wala ng baterya!"

Pinuntahan niya si Mark, at ginigising ito. Naka bilog silang nakahiga sa apat na carpet. Napagitnaan ang kanilang mga pagkain na nakalagay sa isang malit na lamesa at abo ng mga kahoy nalang ang natira , ito ang naging silbing ilaw nila kagabi. "Hoy, Mark, gising! gising!" sabay yogyog nito sa balikat. "Naalimpungatan si Mark at nakita niya si Xnne, bigla niya itong niyakap. "Xnne, sandali lang, antok na antok pa ako". nagulat si Xnne sa ginawa ni Mark. Napatayo siya at lumayo. "