webnovel

Behind the Devil's Mask

Paano kung isang araw, magising ka na lang na may umaangkin na sayo bilang asawa niya? Okay na sana kung isang "hottie guy" ang tumatawag sayong "Wife." Paano kung isa siyang kakaibang nilalang? "This can't be happening"hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra nang makaharap niya face-to-face ang shadow like figure na nagpakilalang asawa niya. "I want a normal life to begin with and maybe a married life. But not with him!" -Cassandra "The day I gave life to that girl, was the day I marked her as mine." -Gabriel

Aqua_Adam · Fantasia
Classificações insuficientes
32 Chs

His wife...Real or just a nightmare?

Kinagabihan ay nagpasya akong mag movie marathon. Ano ba ang magandang panoorin? I turned on my laptop and decided to play one of my favorite classic movie. "A walk to remember" this movie made me cry so hard. Gusto kong mag drama muna ngayon. Inayos ko ang aking higaan at padapang hinarap ang aking laptop. Kung pang ilang beses ko na bang napanood ang movie na ito ay hindi ko na mabilang.

"Ayyy, ayan na!!!Ang favorite part ko" sabi ko na para bang meron akong kausap.

Ayieee...yung kissing scene sa theater.

Makalipas ang ilang minuto ay heto na, umiiyak na ako. Ang sakit, nakakalungkot...

May sakit pala yung babae.

Alam ko na ang tungkol dito but still I'm crying so hard.

"Bakit ba kailangan niyang mamatay?" naluluhang tanong ko sa sarili. Kumuha ako ng tissue na kanina ko pa inihanda dahil alam kong iiyak pa rin ako sa scene na kung saan, tinutupad nila ang pangarap ng babae. They're making the most of her time left creating good memories.

"Haysss, another master piece" satisfied kong sabi dahil natapos ko na ang first movie sa list ko. Suminghot ako at pinunasan ang aking mata. I checked myself in the mirror. Para akong kagagaling lang sa lamay o breakup dahil sa maga ng mata ko.

Blabagg!!

Napalingon ako sa pinto. May malakas na kalabog akong narinig mula sa baba.

"Baka pusa lang yan Cassandra"pagsasawalang bahala ko sa ingay. Kumuha ako ulit ng tissue at pinunasan ang aking mata.

"Pero imposibleng makapasok ang pusa sa bahay"kontra ko sa sarili.

Natatakot man ay pinilit kong kumalma. Kinuha ko ang baseball bat at dahan dahang lumapit sa pinto. I tried not to make a noise.

May naririnig akong ingay na nagmumula sa kusina. Napalunok ako, baka may magnanakaw na nakapasok?!! Tumawag na lang kaya ako sa pulis? Tama. Gusto kong umalis na at gawin ang pagtawag sa pulis pero yung paa ko na parang may sariling pag-iisip ay nagsimulang humakbang patungo sa pinagmumulan ng ingay.

God please help me...

Nanlaki ang aking mata nang tumambad ang isang pigurang itim. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Ngayon alam ko na totoo talaga ang nakita ko. Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa baseball bat. Hindi ako pwedeng magpatalo sa takot na aking nararamdaman ngayon.

Naramdaman nito ang aking presensiya dahil lumingon ito sa aking gawi. Napigil ko ang aking paghinga dahil sa aking nakita.

0_0

Wala itong mukha!!! hugis tao na kulay itim.

Ibinuka ko ang aking bibig pero ni isang salita ay walang lumabas dito. Nanatili akong nakatayo at nakatingin lang sa nilalang na nakatayo lang din at mukhang nakatingin din ito sa akin.

Nanginig ang buo kong katawan at nagsimulang magpanic nang walang anu-ano'y humakbang ito patungo sa akin.

Panginoon ko! tulungan niyo po ako...

"My wife..."anas nito. Huminto ito sa paglapit ng mga isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa.

"Wag kang matakot, di naman kita sasaktan"tila nakangising sabi nito.

Hindi ako makapagsalita...tulong!!!!!!!!

"Takot ka ba sa akin? Bakit? It seems like you don't recognize me at all... Look Love, wala akong masamang balak sayo dahil ikaw ang asawa ko" marahan nitong hinawakan ang aking pisngi.

'Malamig ang kanyang palad...'

"Yun ay dahil...forget it! You don't need to know about that. Maybe not now wife"

Nababasa niya ang nasa isip ko!!!No please!!!Maawa ka wag mo akong saktan... Someone please help me!!!!!

"I can hear your thoughts at ganun ka rin dapat...so anong makakain ngayon dito? Nagugutom ako...Alam mo bang kagagaling ko lang sa isang labanan? Thou I must say I really didn't fought against them, that was an ambush" naglakad ito papunta sa upuan na parang feeling at home ito. Umupo ito habang nakapatong ang kanyang paa sa mesa.

Ano ka ba?!!Anino ka ba?(sa isip ay naitanong ko)

Natahimik ito at nilaro-laro ang kanyang daliri sa mesa.

"Hmmm... What's happening here?" tila may iniisip ito dahil hinawakan nito ang kanyang baba.

"Now I get it, so you can't see me...my real appearance huh? Isa lang ang ibig sabihin niyan..." huminto ito sa pagsasalita. Nakaramdam ako ng takot. I felt intimidated hearing his cold and calm voice.

"You can't hear my thoughts also...which only means that you don't accept me as your husband. That's--that's cruel wife"walang kaemo-emosyong pahayag nito.

"Wala si Ma'am dito kaya baka naman pwedeng dito ako matulog. Let's sleep together"nakita ko ang pagngiti niya na parang may iniisip siyang maling gawin. I need to escape from this!

Pervert!!!

"No!!!!"sa wakas ay nakapagsalita na rin ako.

Feeling din ang engkanto na to, tawagin ba namang "Mom" si Mama.

"Ouch. That's mean wife and because of that. I'll give you reasons to hate me" mabilis itong nakalapit sa akin at sa aking pagkagulat ay hinila niya ako at hinalikan.

0_0

Woahhh. What's happening?!!!This creature is kissing me!!! He stole my first kiss!!!

Biglang nanlabo ang aking paningin at unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata.

"Wife?"dinig kong tawag niya sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay.

"Wag!!!!"sigaw ko. Hingal na hingal ako. Nilibot ko ang aking paningin, nasa kwarto ako at umaga na.

Nightmare?

No please stop! I'm done with all this shhh...

Tinungo ko ang bathroom at nag cold shower. Kailangan kong alisin ang init na nararamdaman ko.

"Ang bangungot na 'yon...parang totoo"hinawakan ko ang aking mga labi.

It felt so real...

Nandidiri ako!!!

Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong nagsuot ng hoodie na jacket, blue pants at white sneakers. Bibisita muna ako kay Kris.

I need someone to talk to. I don't wanna stay here...alone.

These past few months, something weird is happening to me. I don't know why but I keep on seeing things and having sleepless nights because of nightmares. Maybe I should seek some medical help. I'm worried because of the thought. I grabbed my keys and went to the garage. I can't let Mom know about this!

(Now playing: What a Wonderful World by Louis Armstrong)

I took out my sunglasses then I started the engine and head off to Kris's house.