webnovel

Behind the Devil's Mask

Paano kung isang araw, magising ka na lang na may umaangkin na sayo bilang asawa niya? Okay na sana kung isang "hottie guy" ang tumatawag sayong "Wife." Paano kung isa siyang kakaibang nilalang? "This can't be happening"hindi makapaniwalang sabi ni Cassandra nang makaharap niya face-to-face ang shadow like figure na nagpakilalang asawa niya. "I want a normal life to begin with and maybe a married life. But not with him!" -Cassandra "The day I gave life to that girl, was the day I marked her as mine." -Gabriel

Aqua_Adam · Fantasia
Classificações insuficientes
32 Chs

Flashback

Flashback...

Gumagabi na. Tumingin ako sa lumang orasan at eksaktong alas sais na ng gabi. Napagpasyahan kong maglibot na muna at hamigin ang aking sarili. Nagdaan ang ilang araw mula ng huli kong nakausap si Cassandra. She seemed confused about my existence. Well, I can't blame her.

Ayoko siyang biglain sa katotohanang she was married to someone like me but I don't have enough time. I'm dying.

She was the girl I saved from a terrible accident two years ago. Since that day, I am always by her side, protecting her. My way of communicating with her is through her dream, a "nightmare" as she always call it. I am destined to be with her thou I must say I'm not really emotionally attached to her but I know I am capable of loving her. If only time will allow us to get closer.

Napagpasyahan kong bisitahin siya at tingnan kung maayos lang siya. Isang kisap-mata lang ay nasa harapan na ako ng bahay ng kaibigan niya. Madali kong napasok ang bahay pero walang tao.

Nasaan kaya ang babaeng yon?

Baka umuwi na ito sa bahay nila.

I need to know if she's safe then, with a blink of an eye nasa bahay na niya ako. Maliwanag ang loob ng bahay.

"She's here" I made my way into the house and found myself in an empty room.

Nanatili ako sa loob ng kwarto. Iginala ko ang aking paningin. Maraming litrato ang nakadisplay. Halos ang lahat ay kuha noong nabubuhay pa ang papa ni Cassandra. Isang larawan ng masayang pamilya ang nasa bawat litrato. Hanggang sa may napansin akong litrato, si Cassandra noong bata pa. Nakalugay ang kanyang magandang kulay kape na buhok at nakangiti ng malapad habang nasa duyan. Nakasuot ito ng bestidang bulaklakin.

"Wowww...Ang ganda naman ng anak ko manang mana sa akin"narinig kong tinig ng isang babae. Nagmumula ito sa kabilang kwarto.

Lumabas ako ng kwarto at naghintay sa labas. Ilang sandali pa ay lumabas siya kasama ang kanyang ina. Nakasuot ito ng kulay itim na spaghetti strap na bestida hanggang tuhod. Hapit na hapit ito sa kanyang katawan.

"Ba't ang iksi ng suot niya?Saan ba papunta ang babaeng to?"bigla kong naitanong sa sarili. Lihim akong napalunok habang nakatingin sa kanya.

"Baka kung mapa'no na naman ang babaeng to, hindi ba niya naiisip na delikado sa labas lalo na't babae siya tapos nagsuot pa siya ng ganyan kaiksi?!!" mukhang nalakasan ko ata ang aking boses dahil napalingon ang kanyang ina sa bahagi kung saan ako nagtatago ngayon. Nagsalita si Cassandra kaya nabalik ang atensiyon ng ginang sa kanya. Humalik siya dito at nagpaalam na.

I can't believe myself now, nagmumukha akong stalker or should I say possessive stalker dahil sa babaeng to. Kasalukuyan akong nakabuntot sa kanya ngayon. Huminto ang kanyang sinasakyang kotse sa isang restaurant.

"Who are you going to meet Young Lady?"tanong ko na para bang may kausap. Sandali itong nanatiling nakatayo at nakatingin lang sa pintuan. Mukhang nagdadalawang-isip ito.

"Yes...just go back wife"sabi ko ng ilang segundo ay nakatingin pa rin ito sa pinto.

May isang lalaki ang biglang lumapit sa kanya. Pamilyar ito. Naka suot ito ng hood.

Wait. Is that my brother?Nah. It can't be him.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila. I need to come closer. Napahinto ako nang may kinuha ang babae mula sa bag nito. Nakatanggap ito ng tawag.

This is my chance. Mabilis akong nakalapit sa kanila at ganun na lang ang aking pagkabigla nang masigurong kapatid ko nga ang kausap ni Cassandra.

'Damn you Constantine!!! What are you trying to do with her?!!'gusto ko siyang sakmalin sa leeg pero nandito si Cassandra. Ayaw kong masaksihan niya ang ganoong eksena.

Naramdaman ng aking kapatid ang aking presensiya kaya lumayo ito sa babae at pumasok sa makitid na iskinita. Huminto ito sa paglalakad nang masigurong wala ng tao sa paligid.

"I know you're here. Come on, show yourself"sabi ng lalaki.

Lumabas ako at nagpakita sa kanya. Ngumiti ito ng nakakaloko pagkakita sa akin.

"Constantine"tawag ko sa kanya.

"Brother, what are you doing here???"tila inosente nitong tanong.

"I should be the one asking you that Constantine"kalmado kong sagot sa kanya.

"Wait, don't tell me...Are you stalking her??? No way brother"umakto itong hindi makapaniwala. I gritted my teeth to suppress my anger.

"You don't have to answer me brother *chuckles* coz I know you are... But for what???"natatawang pahayag ni Constantine.

"Stop it Constantine"mahinahon kong sagot sa kanya. I calmed myself down.

"Stop what brother??? huh!!! Do you really believe she would recognize you? You're pathetic. Huh! I pity you"tumawa ito ng malakas. Tiim bagang kong pinigilan ang aking sarili. He really knows how to pissed me off.

"Kailan mo pa siya natagpuan?"tanong ko sa kanya.

"Well about that, medyo matagal na mga...ilang buwan na...ikaw?kumusta na ang kabaliwan mo?"sumeryoso ang mukha nito.

I gritted my teeth. Yes. This crazy guy is my twin brother. My brother who tried to kill me once.

"Bakit mo siya kasama kanina?"tanong ko ng hindi pinapansin ang kanyang sinabi.

"I just bumped into her, well she look pretty hot tonight...and you know what?? I think she likes me and as a gentleman I wanted to play along with her...Damn!!! with that beautiful face---

"Stop it Constantine"I said with a warning tone.

"Woahhh...and curvaceous body???who wouldn't play along with her?!!! Such a wast---

Hindi ko na siya pinatapos sa iba pa niyang sasabihin. Mabilis akong nakalapit sa kanya at nagpakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa kanyang kanang pisngi.

"Wag na wag mo siyang babastusin Constantine"pagbabanta ko sa kanya.

Natahimik ito. Kapagkuwan ay may umagos na pulang likido sa kanyang bibig. Pinunasan niya ito saka tumingin ng seryoso sa akin.

"History will repeat itself but this time, ako naman ang may kukunin sayo Gabriel" aniya bago ngumiti ng nakakaloko.

"You can't stop me brother"idinura nito ang dugo mula sa kanyang bibig at ngumiti ng makahulugan.

Hitting him is not enough to make his mouth shut. After all these years, hindi ako makapaniwalang dito ko pa siya muling makikita.

"We'll see" sagot ko bago tumalikod para balikan si Cassandra.

Humakbang na ako paalis nang may sinabi ito na ikinatigil ko.

"I don't have to kill you brother---

He paused from talking and smiled as if he knows it's game over for me.

"She will do it anyway"iyon lang at mabilis na naglaho si Devans.

Dumilim ang aking anyo. Ayokong isiping tama siya.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.

Bumalik ako sa kinaroroonan ng babae ngunit wala na ito.

Nasaan na kaya siya?

Inilibot ko ang tingin sa paligid hanggang sa nakita ko siya sa salamin. Nasa loob ito at may kausap na lalaki. Mukhang nagkakasiyahan sila. Nakaharap ang lalaki sa aking banda. Mabait naman ang aurang ibinibigay ng lalaki kaya umalis na ako at pumunta sa kanilang bahay.

I need to make a move...

Nadatnan ko ang kanyang ina na abala sa pag-aayos ng mga magazine na nakakalat sa mesa. Nanonood ito ng palabas habang pasimpleng inaayos ang mga ito. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin ng bintana. Mukha naman akong desente. Bumalik ako sa labas ng bahay.

Nag doorbell ako at hinintay ang pagbubukas niya sa pinto. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at lumabas ang nanay ni Cassandra. Nakatingin ito sa akin na animo'y naliligaw ako. Tumikhim ako at nagpakilala sa kanya.

"Magandang gabi ho, ako po si Alexander"bahagya akong yumuko sa kanyang harap.

"Magandang gabi hijo, ano bang sa atin?Hindi ka ba naliligaw?"nagpalingalinga ito sa paligid.

Ngumiti ako.

"Ako po si Alexander, ang boyfriend ng inyong anak na si Cassandra"

Nakita kong bahagyang nagulat ang matanda.

"Walang tumatawag kay Anna na Cassandra maliban sa kanyang ama...Nobyo ba talaga ito ng anak ko?Aba't ang gandang binata naman nito" pabulong na sabi ni Cassalea.

"Totoo ba hijo?"paninigurado ni Cassalea.

Tumango si Alexander bilang pagtugon. Sandaling natahimik si Cassalea kapagkuwan ay niyaya na niya si Alexander sa loob.

"Aba't kung ganon tara sa loob"tuluyan na niyang binuksan ang pinto at pinatuloy ako sa loob.

Inalok niya ako ng juice. Naupo kami sa sala at nagsimulang mag-usap.

"Kailan pa hijo?"tukoy nito sa relasyon namin ni Cassandra.

"Ilang buwan na po. Nagkakilala po kami sa isang event. Ipagpaumanhin niyo ho ang biglaan kung pagbisita"yumuko ako ng bahagya sa kanya.

Alam kong mali ang ginagawa ko at sigurado akong kamumuhian lang ako lalo ni Cassandra but I don't have any other options.

My time is running out.

"Ahahaha...Naku hijo! Wala sa akin yun. Mabuti nga at naisipan mong bumisita dito pero wala pa si Anna baby dito ha may pinuntahan lang saglit hahaha"

'Kaya pala parang nag-aatubili siyang tanggapin ang blind date na isinet up ko para sa kanya' tila napapaisip na sabi ng ginang sa sarili.

"Kaya po ako nandito para sabihin sa inyong...nabuntis ko po ang anak niyo at pananagutan ko po"pinigil ko ang aking hininga habang hinihintay ang kanyang sagot.

Nanlaki ang kanyang mata at hulog ang babang nakatitig lang sa akin. Kumuha ako ng isang basong tubig at iniabot sa kanya. Tinanggap naman niya ito at walang anu-ano'y tinungga ito.

I can't back out from this...

"Kailan pa hijo?"mukhang nabigla ng husto ang ginang.

'Patawarin mo ako Ma'am' sa isip ko.

"Tatlong buwan na po ang kanyang ipinagbubuntis, wag po kayong mag-alala pananagutan ko po ang aking nagawa"

Nanatili itong tahimik. Nag-iisip. Ewan ko ba kung saan ko na napupulot ang mga pinagsasabi ko.

Desperasyon ang tawag diyan, Gabriel...tinig mula sa aking isipan.

Mukha ng nag-aalalang magulang ang nakarehistro sa kanyang mukha. Tumikhim ako bago nagsalita.

"I love your daughter Ma'am, please allow us to get married"sincere kong sabi sa kanya.

Tumahimik ito. Makaraan ang ilang minutong pag-iisip ay muli itong nagsalita.

"Then I have no choice. I need to talk to Anna about this"

End of Flashback...

So iyan ang storya sa likod ng sitwasyon ko ngayon. Tapos na kaming mag-almusal at nasa sala ako ngayon kausap ang nanay ni Cassandra nang bumaba ang babae na nakaayos.

Lumapit ito sa amin at humalik sa kanyang ina.

"Oh saan ba ang punta mo?"tanong ng nanay ni Cassandra sa kanya.

"Sa school Mom may aasikasuhin lang po"sagot naman ni Cassandra.

"Ganoon ba?"tumingin ang matandang babae sa akin.

"Paalis na rin po ako Ma'am. Maraming salamat po pala sa pagpapatuloy niyo sa akin at sa pagtanggap na rin ho sa akin bilang kasintahan ng inyong anak"bahagya kong sinulyapan ang gawi ni Cassandra.

Mom?!!Wow ha, ang kapal din ng engkantong ito...hmmp!! Si Mama lang ang boto sayo, ako hindi!!!

"Ahh walang anuman hijo. Salamat din dahil mukhang mahal na mahal mo itong si Anna. Alam ko namang aalagaan mo siya, nakikita ko ito sa pagkatao mo"sagot ni Cassalea na ikinatuwa ko. Teka, kailan nga ba nung huli akong nakaramdam ng ganitong saya?

Tumango na lamang ako bilang sagot sa sinabi ng ina ni Cassandra.

"So kailan ang balik mo?"tila excited nitong tanong sa akin.

Nakita ko ang pagsimangot ni Cassandra. Inis na inis na ito.

"Baka sa susunod na araw pa po"bahagya akong yumuko bilang pagbibigay galang sa ina ni Cassandra.

"Walang problema. Anna baby, sabay na kayo"

"Sasabay ka ba?"tanong ni Cassandra sa akin. Pinandilatan niya ako. Napakakyut niya pag nagtataray siya. Ang sarap niyang inisin.

'Subukan mong sumabay...'pagbabanta niya sa akin. Napangiti na lang ako. Taming this girl will be hard for me.

'Anong nginingiti-ngiti mo diyan?'

Nanlaki na naman yung medyo singkit niyang mga mata. Tinaas ko ang dalawa kong kamay senyales na "I give up."

"Hindi na po. May dadaanan din po kasi ako sa kabilang direksyon. Mauna na ako, maraming salamat Ma'am... Cassandra" bahagya akong yumuko. Ngumiti ang ginang sa akin. Sinulyapan ko si Cassandra na nakatingin lang sa akin.

'Don't come back...'

Napapailing na lang ako sa babaeng to. Now she knows how to use our telephatic communication on her advantage.

Lumabas na ako at nagsimulang maglakad pauwi. I can't use my teleportation thingy. Umaga na at maraming tao ang pwedeng makakita. Habang humahakbang palayo ay nakaramdam ako ng kahungkagan.

I feel happy back then...

Now... it's just empty.

I feel empty.

I feel nothing.

I clenched my fist.

Time is coming after me...