webnovel

Chapter 13

RILEY POV

Kasalukuyan kameng na sa sasakyan ngayon at tinatahak namen ang daan pabalik sa bahay ni Sir. Lucas.

"Slave. Tawag neto saken.

"Yes sir? Tanong ko dito.

"Anong nangyari sa mata mo? Malamig na tanong neto saken.

Nilingon ko siya at nakita kong busy lang siyang nag babasa.

"N-nothing. Utal na sagot ko dito at iniwas ang tingin.

Hindi na eto umimik at patuloy lang eto sa pag babasa. Ilang minutong byahe lang ay narating din namen agad ang bahay ni Sir. Lucas kaya agad agad akong bumaba kahit wala pa siyang sinasabi at pinag buksan ko siya ng pinto. Bumaba naman din agad eto at diretsong naglakad papasok ng bahay niya.

"Riley. Tawag saken ng driver ni Sir. Lucas kaya nilingon ko naman eto.

"Bakit po kuya? Tanong ko dito.

"Pinapabigay ni Sir. Isaac sayo wag ko daw sabihin kay boss. Ani niya at inabot saken ang isang mobile phone.

Hindi ko alam anong trip ni Sir. Isaac at binigyan pa ako ng cellphone.

"Salamat po kuya. Pagpapasalamat ko dito at kinuha ko ang cellphone na binigay ni Sir. Isaac.

Tumalikod na ako at sinundan sa loob si Sir. Lucas baka kasi may ipa-utos eto. Itinago ko naman ang cellphone na binigay ni Sir. Isaac saken upang hindi eto makita ni Sir. Lucas.

"Slave. Tawag niya saken.

Kasalukuyan siyang na sa mini bar at umiinom kaya nilapitan ko to.

"Yes sir? Tanong ko dito.

Lumingon siya saken at tinignan ako ng diretso sa mata, nakaramdam naman ako ng ilang at iniwas ko ang tingin ko dito.

"May gusto ka ba saken? Diretsong tanong neto saken.

Napalingon naman ako sa tanong niya at biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.

"H-huh? Wala sa wisyo kong sagot dito.

"May gusto ka ba saken? Tanong niya ulet saken.

Gusto ko mang sabihin na oo pero naalala ko yung rules na binigay niya saken.

"W-wala p-po sir. Utal na pag sisinungaling ko.

Tila parang tinik saken ang salitang binitawan ko at hirap na hirap akong sambitin eto. Hindi naman eto sumagot at inalis ang tingin saken. Lumipas ang ilang oras at kasalukuyan akong na sa kwarto ko ngayon dahil oras na ng pag tulog.

"Engaged ka na pala. Bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko alam pero may kumawalang luha sa mata ko habang nakahiga ako tila hindi ko eto mapigilan sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina

"B-bakit sa dinami dami ng tao saken pa nangyari eto? Muling tanong ko habang patuloy na pumapatak ang luha ko.

Napabuntong hininga ako at pinunasan ko ang luhang pumapatak sa mga mata ko. Naalala ko yung cellphone na binigay saken ni Sir. Isaac at kinuha ko eto.

"Bakit naman ako neto binigyan ng cellphone. Takang tanong ko.

Umupo ako sa kama at binuksan ang cellphone na hawak ko at umilaw naman eto. Nagulat ako ng bigla etong tumunog at may message na nakalagay sa screen.

"Hey Riley. Basa ko sa message na nag top up.

Pinindot ko eto at nakalagay na pangalan dito ay Gwapong Nilalang.

"Huh? Hindi ko alam kung tatawa ba ako o hindi sa pangalan na nakalagay sa number na eto.

"Bakit? Reply ko sa message niya saken.

Tumunog muli eto at senyales na nag reply na siya sa text ko.

"Akala ko hindi mo pa nakuha yung cellphone, pwede ba ako tumawag? Reply niya saken.

Hindi pa ako nag rereply ng bigla etong tumawag at sinagot ko naman eto.

"Hello Riley. Bungad saken neto.

"Bakit? Tanong ko naman sa kanya.

"Kumusta ka? Tanong niya saken.

"Ayos lang naman. Pag sisinungaling ko dito.

Ayokong sabihin sa kanya na hindi ako ayos lalo na at hindi naman kame close.

"Nandiyan ka na sa bahay ni Lucas diba? Tanogn neto saken.

"Oo bakit ano kailangan mo? Sagot at tanong ko naman sa kanya.

"Wala, gusto lang kita kumustahin. Sagot neto saken.

"Matutulog na ako sir. Sambit ko naman dito.

Papatayin ko sana ang tawag ng bigla etong nagsalita ng nag patigil sa mundo ko.

"Riley anong tingin mo kay Lucas?

"A-anong ibig mong sabihin? Utal na sagot ko dito.

Hindi ko alam kung anong plano niya pero wala akong balak sabihin sa kanya ang nararamdaman ko kay Sir. Lucas.

"Alam kong may gusto ka kay Lucas. Sambit niya.

Natahimik ako sa sinabi ni Sir. Isaac.

"Riley hindi mo na kailangan sagutin yung tanong ko kitang kita ko naman sa mata mo kung pano siya tignan. Muling sambit niya.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo sir pasensya na.Sambit ko dito.

Pinatay ko na ang tawag at napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"H-halata bang may gusto na ako sa kanya? Bulong ko at napahawak na lang ako sa mukha ko.

"T-tigil mo na tong kahibangan mo Riley engaged na yung tao. Sambit ko sa sarili ko.

Siguro tama na to kailangan ko ng itigil ang nararamdaman ko at alam kong una pa lang talo na ako, bukod sa malayo ang buhay na meron kame ay hindi ako isang babae.