"Mom, saan po tayo pupunta?"
Sabi kasi ni mom may pupuntahan daw kami.
"Sa hospital lang, Bry"
"Bakit po?"
Anong gagawin namin sa hospital?
"You remember my bestfriend, Bry?"
Ahh yung lagi namin kasama ni mommy. Yung cute na cute sa akin at kapag nagka anak daw siya ng babae gusto niya ipakasal sa akin.
Tumango na lang ako kay mommy.
Maya maya nakarating na kami sa hospital na tinutukoy ni Mom. Bumaba na kami at pumasok na sa loob ng hospital.
Sinusundan ko lang si Mommy kung saan yung room ni Tita Eli.
Nang makarating na kami ay pumasok na kami agad.
"Hi Eli! Musta?" Mom
May nakita akong babae na may malaking tiyan. Buntis si Tita Eli? Sana babae hehe.
"Hi Bea! Hi Kai!" Tita Eli.
"Hello po, Tita Eli"
Kahit nakahiga lang siya dito nanatili paren ang ganda niya. Siguro maganda din anak nito? Saan kaya asawa niya?
"Kain ka muna Eli. Pinaglutuan kita" Mom
"Ay wow! Buti hindi nasira kusina niyo? Haha" Tita Eli.
Tama si Tita Eli, buti nga hindi? Nagpatulong lang yan sa kasambahay namin.
"Tara dito, Kai" Tita Eli.
Aya niya sa akin kaya pumunta ako sa tabi niya pero nakatingin paren ako sa tiyan niya.
"Samahan mo ko kumain para di ako magisa" Tita Eli.
Sinunod ko na lang siya kasi gutom rin ako hehe.
Kumain na kami ni Tita Eli. Maya maya nagsalita siya nung lumabas si Mommy sa room ni Tita Eli.
"Kai, pagnailabas ko na si Hope. Gusto ko alagaan mo siya a" Tita Eli.
Tumango lang ako sa kanya kahit hindi ko siya naiintindihan. So babae yung anak niya. Yehey!
"Kai, naalala mo ba yung sabi ko sayo?" Tita Eli.
"Ang alin po? Yung papakasalan ko po anak niyo?"
Bigla naman natawa si Tita Bea. Hindi ba yun?
"Ang galing naman Haha. Tama yun nga. Magagawa mo ba yun?" Tita Eli.
"Opo naman po. Maganda ata magiging anak niyo kaya okay lang po hehe"
Lalong natawa si Tita Eli.
"Edi kapag hindi maganda anak ko. Hindi mo ba gagawin yun?" Tita Eli.
"Gagawin ko paren naman po yun basta mabait siya sa akin. Atsaka po imposible naman po iyon e ang ganda mo po tapos siya hindi"
Tumawa na naman si Tita Eli. Buti na lang napapasaya ko si Tita Eli.
"Bolero ka Haha. Ano ba gusto mo? Laruan? Chocolates? Haha" Tita Eli.
"Yung anak niyo po"
Inosente kong sabi. Bakit ba? E yun yung gusto ko e.
Nagulat naman si Tita Eli dahil nakita niya sa mukha ko na seryoso ako.
"Basta aalagaan mo siya ng mabuti a" Tita Eli.
"Syempre naman po"
Nang matapos na kami magusap ay dumating na si Mommy. Bakit naiyak si Mommy?
"Eli totoo ba yun? Pinili mo yung anak mo?" Mom
"Bea, bata pa lang 'to. Gusto ko pa siya mamuhay dito sa mundo. Okay na ako" Tita Eli.
Anong meron?
"Eli, please wag muna" Mom
"Bea, nakapag desisyon na ako" Tita Eli.
"Nakuha ko na mga gusto kong makuha. Oras naman para sa anak ko" Tita Eli.
Iyak lang ng iyak si Mom kaya lumapit lang ako sa kanya at niyakap.
"Ma'am, hanggang dito na lang po kayo" Nurse.
"Eli please lumaban ka naman" Mom.
Ngayon manganganak si Tita Eli.
Nang matapos ang panganganak ni Tita Eli ay binawian na siya ng buhay dahil may sakit ito at mas pinili niya ang anak niya.
Kaya ngayon nasa libing kami ni Tita Eli. Iyak lang ng iyak si Mom dahil sa nangyare pero nung nagtagal na medyo okay na si Mom siguro naiintindihan niya na si Tita Eli kung bakit niya ginawa yun.
Ilang taon na ang lumipas at Grade 6 na ako at si Hope naman ay grade 3 na.Parehas kami ng school ni Hope dahil yun ang pangako kay Tita Eli na alagaan ko siya.
Buong buhay ko babantayin si Hope kaya ng maging 18 na siya ay mas lalo ko na siya mababantayan dahil iaannounce na engaged na kami.
Laki ng tuwa ko noon nung inannounce na yun dahil makakasama ko na siya lagi.
Kaya lagi kami magkasama ni Hope at nakakatawa siya kasama kaya ata ako nahulog na sa kanya kasi mabait siya parang si Tita Eli.
Hindi ko siya tinatawag na Hope dahil baka magtaka siya sa akin kaya tinatawag ko na lang siyang Castillo o Bree.
Napamahal lalo ako sa kanya kaya nung nangyare yung halikan nila ni Liam at Bree sobra akong nasaktan kaya ewan ko ba kung anong nangyare sa akin siguro dahil na ren sa problema sa kumpanya namin.
Nagsisi ako nun dahil feeling ko hindi ko nagawa yung promise ko kay Tita Eli pero nung bumalik ako sa Pampanga para balikan na siya kasi okay na ako pero nalaman ko na may anak kami pero di niya sinabi sa akin nainis ako kasi wala ako sa tabi niya nung nangyare yun.
Sinisi ko sarili ko non pero pinaramdam niya sa akin na hindi ko kasalanan yun kaya siguro ko 'to nagustuhan dahil napaka intindihin niya at selfless gaya ni Tita Eli.
Kaya ngayong papakasalan ko na siya sobrang saya ko kasi eto na yun. Dati pinapangarap ko lang 'to nung bata ako pero ngayon nangyare na.
Mahal na mahal kita, Hope Aubree Castillo Harris.
________________________________________________________________________________
Author's note:
Eto na yung huli. Sana nagenjoy kayo at mas lalo niyong naunawaan si Bry. Sana naging masaya kayo sa story ko. Abangan niyo yung next story ko. Thank you!