Sa wakas na tapos sila magusap at magtawanan kasi kanina pa ako bagot na bagot sa kanila. Kung maguusap kayo next time na lang please jusko.
"Bree, do you want to go home?" Bry
Siguro napansin niyang medyo na nagiging hangin na ako sa kanila.
"It's okay, magusap lang kayo" kahit gusto ko na umuwi 'wag paren maging bastos.
"Uwi na ren ako. May pupuntahan kasi akong kakilala diyan" Stella
Hay salamat naman no.
"Ihatid ka na namin. Malapit lang ba yun?" Bry
Nagulat ako sa sinabi niya. Ay wow! May paghatid ang nyeta
"Okay lang ba?" Stella
Hindi okay. Buset!
Tumango na lang ako at ngumiti kailangan kong maging mabait dahil 'di naman kami close nito.
Pumunta na kami sa kotse ko at sumakay na. Si Bry na ang nagdrive baka kasi ibunggo ko 'to sa walang oras kasi nandito si epal. Sa shotgun seat dapat ako sasakay pero naunahan ako ni Stella. Ay wow! kotse mo girl!
Wala akong nagawa kundi sa likod na lang ako. Mga buset!
"Saan kita ibaba?" Bry
"Diyan na lang sa subdivision na malapit. Doon kasi yung friend kong pupuntahan" Stella
Oh great! Doon pa talaga a.
"Sakto, doon din kami pupunta" Bry
So ayun kasama namin si Stella hanggang sa loob ng subdivision namin.
"Drop me here, Kai" Stella
Bakit ba 'Kai' siya ng 'Kai'? Akala ko ba ayaw niya ng tinatawag siya non.
Binaba na ni Bry si Stella sa bahay na sa kabilang street lang namin. Bago lumabas si Stella sa kotse ko.
"Thanks sa paghatid, Kai" sabay kiss sa pisnge ni Bry.
Aba buset siya!
Eto naman si Bry ngumiti lang siya at parang sanay sa paghalik ni Stella. Umalis na kami don at pumunta na sa bahay namin.
"Bry, can I ask something?"
Wala na akong hiya dito aba. Ang rami ng tanong sa utak ko.
Tumango lang siya.
"Gaano na kayo katagal magkaibigan ni Stella?"
Nagulat siya sa tanong ko. Feeling may iniisip na 'to.
"Since elem magkakilala na kami" Bry
Napatango na lang. Sana ol childhood.
"So alam mong may gusto siya sayo?"
Potspa! Bakit ko yun nasabi? Ang pasmado na ng bibig ko!
Nagulat siya sa tanong ko tapos biglang tumawa. Baliw ba 'to?
"Yup, I know. Umamin siya sa akin bago siya pumunta sa new york pero nireject ko kasi may gusto akong iba" Bry
Omo! Ang tapang ni Stella. Pero potek nasaktan ako, may gusto na pala siyang iba.
"Sino naman yung gusto mo?"
Wala na akong hiyang nagtanong dahil gusto ko malaman.
"Isang tao na kilala ko na dati pa" Bry
Huh? So may kaibigan pa siya noon. Sana ol
Hindi na lang ako umimik. Ayoko na po masaktan tokwa.
Kanina pa kami nakapasok sa garahe namin pero ngayon lang kami bumaba.
"Thanks sa pagtuturo mo sa akin" sabay ngiti ko
"It's my obligation as your fiance" Bry
As you fiance?!
Nagpaalam na siya at sumakay na sa kotse niya pero eto ako ngayon nakatulala at nagloloading sa sinabi niya.
"Uy girl! Nakaalis na po yung fiance mo!" Quinn
Buset! Narinig nila pinagusapan namin. Shem, kinikilig ako.
"It's my obligation as your fiance~" pinatugtog ni Lei yun
"Mga buset kayo! Bakit niyo nirecord?!"
Natatawa ako sa kanila nyeta.
"Wag kang ano diyan? Magpasalamat ka na lang" Asha
Sabay tawa niya. Ang tagal ko ba nawala at nahawa na si Asha kay Quinn.
"Pakinggan mo yan bago matulog para happy ka" Quinn
Hindi ko alam kung nangaasar 'to.