webnovel

Chapter 79: Pag-bawi Sa Kidlat At Maso 11

Patuloy sa Pagla laban ang dalawang tikbalang habang ang tatlong naka daster ay taranta at di malaman kung paano iilagan ang mga kidlat at buhawi pati na ang mabigat na maso habang si Arnie ay kontentong nanonood sa dalawang nagla laban.

Prinsipe Borjo: Arnie!!! hindi ka pa ba kikilos para pigilan sila???

Arnie: nilingon si Borjo bago sumagot.

Bayaan muna natin sila, hindi pa ito ang tamang oras ang tugon ni Arnie.

Prinsipe Borjo: Ah, anong tamang oras???

Arnie: Basta, wala pa namang nasasaktan sa kanila, hindi ba???

Prinsipe Borjo: Walang nasasaktan? Pasumandaling natahimik si Borjo at napa tingin sa dalawang nag lalaban na pareho ng duguan at puno ng sugat, napa tingin din si Borjo sa dalawang kasama kay Kabatao at Kabayuhan na parehong sunog ang harapan ng daster at halos maubos ang balahibong kabayo sa binti. Siya man ay may mga sugat din at sunog ang harapang bahagi ng daster na suot.

A.... Arnie, kailan mo naman sila balak pigilan? kailan ang tamang oras na iyon? ang muling tanong ni Borjo kay Arnie na noon ay prenteng nakaupo na sa damuhan at may dalang isang malaking bandehado ng pagkain

Arnie: Napa tingin ito kay Borjo na naka tayo malapit sa kanyang kina uupuan.

Gusto mo??? Marami pa sa loob, kumuha ka na lang, isama mo na rin ang dalawa para hindi sila sagabal dito sa pagla laban ng dalawa. Baka matamaan pa sila. Ang sagot nito kay Borjo na hindi naman sinagot ang tanong nito.

Naiiling na lamang na humakbang palapit kay Kabatao at Kabayuhan, niyakag niya ang mga ito sa loob upang doon na lamang mag hintay na matapos ang pagla laban ng dalawang bathala.

Samantala, tanaw mula sa kinaroroonan ni Neptune ang nagaganap na pagla laban ng mag amang bathala. Minabuti niyang mag tungo upang alamin kung ano ang talagang nangyayari.