webnovel

Chapter 77: Napipintong Digmaan 3

Dali daling nag tungo sa bulwagan ang isa sa mga tagapag lingkod upang ipaalam kay Zeus ang kanilang nasaksihan.

Zeus: Ano kamo??? kumakain din ng tao ang mortal na kasama ng aking kapatid??? Ang gulat na tanong ni Zeus sa tagapag lingkod

Tagapag lingkod: Bathalang Zeus, nakatitiyak po kami na kumakain nga siya ng tao base sa kanyang mga kilos. Ang agad namang sagot nito kay Zeus

Zeus: Hindi maaari ito, kailangang ipaliwanag sa akin ni Neptuno kung bakit isinama niya dito ang mortal na iyon. Baka may masama silang balak gawin???

Tagapag lingkod: Bathalang Zeus, paano po kung balak nilang kunin sa inyo ang pamumuno ng Olympus? Tingin ko po ay hindi normal na nilalang ang babaeng iyon? Mukhang may itinatago po siyang lihim sa kanyang pagka tao??? Paano po kung isa rin siyang Titans na nagpanggap na tao???

Ang sunod sunod na tanong ng nahintakutang tagapag lingkod dahil sa malawak niyang imahinasyon..

Zeus: May punto ka sa bagay na yan Asura, ngunit paano niyang nagawa na ikubli ang kanyang kapangyarihan??? Ipaalam ninyo agad sa akin sa sandaling nagising ang aking kapatid, nais ko siyang maka usap ng kami lamang dalawa.

Ang utos at bilin ni Zeus sa tagapag lingkod bago ito inutusang magbalik na sa kanyang gawain.

Tagapag lingkod: opo bathalang Zeus, ang agad na pag sang-ayon nito bago lumakad na pabalik sa viewing room.😁😁😁

Samantala naiwang malalim ( na namang ) nag iisip si Zeus, hindi siya maka paniwalang ang tila diyosa sa kagandahan babaeng iyon ay kumakain ng tao??? Paano nang yari iyon??? hindi kaya si Neptuno mismo ang nag turo at nag sanay dito???

kunot ang noong itinaas ni Zeus ang isang paa sa kanyang trono bago pasimpleng nag kamot ng puwet at inamoy ang sariling mga daliri

Zeus: hmmmm kay bango naman...

Sa kabilang dako, nakangisi si Ares habang iniisip ang itsura ng kanyang ama habang kausap niya. Halatang halata sa mukha ng kanyang ama na labis itong nag aalala. napa halakhak pa ito ng malakas sa nabuong plano sa kanyang isip.

Ares: Ha ha ha ha.... tingnan ko lang kung hindi manginig ang inyong tumbong sa galit kapag nag umpisa na ang kaguluhan...

Ng maisip nito ang salitang tumbong, wala sa loob na itinaas nito ang isang paa sa upuan at pasimpleng kinamot ang puwet. Nakangiti pang inamoy nito ang mga daliri.

Ares: hmmmm ang bango naman ang nakangiti pa nitong bulong sa sarili.

Napangiwi naman ng palihim ang isa sa kanyang tagapag lingkod ng makita ang kanyang ginawa.