webnovel

Chapter 72 : Tamang Oras 4

Mula sa kanilang kinaroroonan ay masusing pinag masdan ng lima ang itim. na anino na mabilis na tumatakas palabas ng Atlantis.

Neptuno : Diyata't naririto pa rin ang magnanakaw ng aking tinidor sa loob ng Atlantis??? Paanong hindi ko naramdaman ang presensya ng aking trident? Sino ang tumulong sa kanya upang makapag tago dito sa Atlantis?

ang sunod sunod na tanong ni Neptuno kay Arnie sa pamamagitan ng kanyang isip.

Arnie: Dahil ang trident ay nababalutan ng itim na tela, ns hinabi gamit ang mahiwagang tinta ng dambuhalang pugita na naninirahan sa yungib sa labas ng Atlantis.

Neptuno : pero paano??? paanong naka pasok ang magnanakaw na iyan sa loob ng Atlantis???

Arnie : dahil ang magnanakaw na iyan ay mamamayan rin ng Atlantis. Sakim sa kapangyarihan, sa katunayan....

hindi lamang ang iyong trident ang kanyang ninakaw. Maging ang mahiwagang tinta ng dambuhalang pugita ay ninakaw niya rin habang ito ay mahimbing na natutulog.

Ginamitan niya kayo ng isang uri ng halamang dagat, na sa sandaling masamyo mo ang katas, ikaw ay makakatulog ng mahimbing.

Ang tinta na kanyang ninakaw ay ginamit niya upang gawing panangga sa kapangyarihan ng trident at panakip sa kanyang sarili upang ikubli ang kanyang katauhan.

Huwag kang mag alala bathalang Neptuno, ilang sandali na lamang at makikilala mo na kung sino ang pangahas na magnanakaw.

Pag kasabi noon ay natanaw nila ang itim na anino na palabas na ng gate ng Atlantis. Tinangkang kumilos ni Neptuno at Borjo upang pigilan ang itim na anino sa pag takas, ngunit pinigilan sila ni Arnie.

Nag tatakang napabaling ng tingin ang dalawa kay Arnie, bakas ang pag tatanong sa kanilang mga mata ngunit wala silang magawa kundi ang sundin ito.

Maging si Kabatao at Kabayuhan man ay nag tataka rin sa ginawa ni Arnie. Magta - tanong sana ang mga ito ng mapansin nilang...... ....

Nakita nilang tila nangingisay na nakuryente ang itim na anino ng tangkain nitong lumabas sa malaking gate ng Atlantis.

Ang mag kabilang malaking haligi na pundasyon kung saan nakakabit ang malaking gate ay tila may kuryenteng dumadaloy. Dahilan upang makuryente at hindi magawang tumakas ng itim na anino.

Arnie : Tayo na.... at mabilis na lumangoy si Arnie patungo sa malaking gate ng Atlantis, agad namang sumunod ang tatlong sea horse, at si Neptuno na gulat pa rin sa nasaksihang pangyayari.