webnovel

Chapter 70 : Espesyal Na Sasakyang Pan - Dagat

Matagal na nag lakbay sa nakahihilo at kakaibang transportasyon na nilikha ni Arnie hanggang sa makarating sila sa pinaka dulo at makalabas sa napunit na lagusan

plop

plop

plop

ang sunod sunod pang pag bagsak ng tatlo sa tubig....

Arnie : aaah!!! sa wakas nakarating din kayo!!! ang masayang bati sa kanila ni Arnie.

Pupungas pungas pang tumitig ang tatlo sa pamilyar na tinig at pamilyar na taong bumati at sumalubong sa kanila sa........ tubig????

Diyatat nasa ilalim sila ng tubig, at si Arnie ang salarin na may kagagawan kung bakit sila napadpad doon.

Pakiramdam ng tatlo lalo at higit si Borjo ay ang kanilang buhay naman ang nawalan ng kapayapaan mag mula ng dinala nila si Arnie sa mundo ng mga tikbalang.

okay naman ang lahat ng mga makabagong teknolohiya na dulot ni lalo na ang cellphone pati na ang kapayapaang tinatamasa ng mundo ng mga tikbalang at buong daigdig ng mga enkanto.

ngunit sa kanilang tatlo na madalas mapag tuunan ng mga kakaibang biro ni Arnie sa tuwing naiinip .....

ito ay maituturing nilang parusa. at ngayon nga ay narito sila, sa ilalim ng tubig? o dagat?

at napapaligiran sila ng sandamakmak na sirena, sireno at siyokoy..... kung meron mang siyoke??? yun ang hindi nila alam.....

Prinsipe Borjo : Arnie??? ano ang ginagawa mo dito??? at bakit mo kami dinala dito???

Arnie : ah wala naman, kailangan ko lamang ng espesyal na sasakyang pandagat.....

Prinsipe Borjo : sasakyang pandagat??? dito sa ilalim. ng dagat??? paano??? ano ang koneksyon namin sa sasakyang pandagat? hindi kami makalalangoy at makahihinga ng matagal sa tubig..

Arnie : kaya nyo... easy lang sa inyo yan... tingnan nyo sarili nyo at ng maniwala kayo....

ang nakangiting sagot naman ni Arnie sa maraming tanong ni Borjo.

pare - pareho namang napatingin sa kani kanilang sarili ang tatlo bago nila tiningnan ang isat isa ng may halong pag tataka....

Kabatao : bossing!!! ang talon (hooves ) mo nawala!!! seahorse kana!!! ang sigaw ni Kabatao matapos mamasdan ang itsura ni Borjo....