webnovel

CHAPTER 63 : IKA - ANIM NA PAGBIBILOG NG BUWAN 2 :

Mabilis na pumasok si Prinsipe Borjo sa kanyang silid, habang ang tagapag lingkod ng palasyo ay mabilis ding tumalima sa kanyang sinabi, pisil ang ilong patakbo itong pumunta sa bulwagan upang humarap sa hari.....

TAGAPAG - LINGKOD NG PALASYO 1 : ma al n ai iinawag odaw ao? ang tanong nito sa hari na nalimutang alisin ang daliring nakapisil sa ilong.

Kunot noong napatingin ang lahat dito, bago sabay sabay na nag tawanan ang lahat...

Naguguluhang napatingin ang tagapag -lingkod sa lahat ng naroon sa bulwagan na patuloy sa malakas na pag tawa.....

Muli sanang mag sasalita ang tagapag - lingkod ng maalala niya na natakip at pisil pisil pa ng kanyang mga daliri ang kanyang ilong,

sukat doon ay naisip ng tagapag lingkod ang maling nagawa, mabilis na lumuhod ang tagapag lingkod at humingi ng paumanhin sa hari....

Makalipas ang ilang minuto, tumigil din sa pagtawa ang lahat, himas ang tiyan na nanigas sa katatawa, hinarap ng hari ang nakaluhod na tagapag lingkod.....

HARING BORAS : humanap ka ng majakatulong mo at ihanda ninyo ang silid tulugan para sa mga panauhin sa kanang bahagi ng palasyo,

pagkatapos ay bumalik ka dito. Magsama ka ng makakatulong mo upang samahan si haring Usarin at prinsesa Usana at mga kasama sa kanilang silid .Ang nakangiting utos ng hari sa tagapag - lingkod....

Pagkatapos utusan ng hari ang tagapag - lingkod niyaya ni haring Boras si prinsesa Usana at haring Usarin na mamasyal sa loob ng palasyo, upang ipakita sa mga ito ang mga makabagong teknolohiya at kagamitan....

HARING BORAS : ito ang television, flat screen daw ang tawag dito, ito naman ang videoke ,maaari tayong umawit dito

at ang tila malaking aparador na bakal na iyon naman ay ang refrigerator, maari tayong mag imbak at mag palamig ng mga pagkain at inumin,

meron din niyan sa kusina ng palasyo at sa ilang piling silid, Ang nagmamalaking pagpapa kilala ni haring Boras sa bawat kagamitan sa mag - amang enkantadong Usa

Meron na rin kaming generator na nag susuplay ng kuryente dito sa palasyo at may linya din ng tubig na nangga - galing pa sa talon.

Si Arnie ang personal na tumulong upang maikabit ang malaking tubo ng linya ng tubig, ang patuloy na pagyayabang ni haring Boras, habang nakangiting nakikinig ang reyna at si Arnie.....

HARING USARIN : Napaka - swerte mo haring Boras, makabago na pala ang halos kabuuan ng loob ng inyong palasyo, ang papuri nito sa hari.....

ARNIE : haring Usarin, maaari rin nating iimplemento ang ganitong makabagong teknolohiya, kailangan lamang ay mga materyales....