webnovel

CHAPTER 59 : PAG PAPAALAM

Malungkot na naglakad palayo sa palasyo ng kaharian ng mga itim na nilalang si prinsesa Karimlan, laglag ang balikat at lumuluha, natatakot na baka hindi na siya muling makabalik o hindi siya magtagumpay na makakuha ng mahiwagang tubig....

Samantala....

Sa kaharian ng mga enkantadong Usa madaling natutunang ng hari at prinsesa ng mga Usa ang pag-gamit sa cellphone na regalo sa kanila ni Arnie, binigyan din sila ni Jr ng prepaid cards at tinuruan kung paano mag load sa kanilang cellphone at pocket Wi-Fi.

Si Arnie naman ay nag log in sa kanyang facebook at Messenger account upang makibalita sa kanyang ate Lia sa sitwasyon sa kanilang barrio.

ibinalita rin niya na makababalik na sa kanilang tahanan ang kanyang itay at (kapatid na tila ayaw ng umuwi) sa kanilang tahanan makalipas ang dalawa o hanggang tatlong araw pa na pamamalagi sa mundo ng mga enkantado.

ARNIE : Ate Lia pakisabi kay inay na huwag mag alala kay itay at Jr, ihahatid sila ni Kabatao at Kabayuhan at tutulong din sila sa inyong pag lilipat sa Olongapo....

LIA : ganoon ba??? mabuti naman at may makakatulong kami sa pag lilipat, nag message na nga si ate Lilac kahapon sa amin, sinabi niya na alam na ni tiya Julia na luluwas kaming lahat sa Olongapo upang doon na manirahan pansamantala sa apartment.

Ang sagot at pagkukwento naman ni Lia sa kapatid na si Arnie....

ARNIE : oh sige ate, ikumusta mo na lang muna ako sa kambal ,kay Morgana at Arriane, saka na lang ako mag chat sa kanila, kailangan ko nang matulog.

maglalakbay pa kami ulit pabalik ng kaharian nila Borjo bukas, pakisabi rin pala kay inay na tulog na si itay, napagod yata sa pagla lakbay....

Ang pagpapaalam na ni Arnie sa kanyang ate.....

KINABUKASAN NG UMAGA...

Maagang nagising si Arnie at ang kanyang tatay na si Peter, laking tuwa niya ng makita ang almusal na nakahanda sa mahabang hapag kainan.

ARNIE : Wow!!!! pancake with syrup!!!! mukhang masarap yan mahal na hari !!! ang sabi ni Arnie na halos tumulo ang laway dahil sa bango at sarap ng amoy ng pancake na mukhang espesyal ang pagkaka luto.

HARING USARIN : aaahhh galing pa ang mga sangkap niyan sa kabilang mundo, sa Australia, kasama sa mga pinamili ng aking anak...

kung nais mo ay magpapahanda ako ng madadala ninyong pancake sa inyong pagla lakbay, may mga naipa handa na akong pagkain, ida dagdag na lamang ang pancake at syrup....

ang turan ng hari na nasiyahang makita na nagustuhan ni Arnie ang inihandang almusal. Bukod sa pancake, mayroon ding pritong itlog , hotdog , bacon at ibat ibang prutas sa mesa...

ARNIE : sige nga po mahal na hari, ang totoo ay paborito ko ang pancake. Ang nahihiyang pag sang-ayon ni Arnie....

Makatapos ang almusal, naghanda na sila Arnie sa pagla lakbay.Si Jr ay malungkot na ngumiti kay Usana na tila ba nag aatubili sa kanyang pagpapaalam....

Lumabas ang hari sa hardin, kung saan naroroon sila Arnie kasunod ang ilang mga tauhan ng palasyo na may dala dalang makukulay na sisidlan...

HARING USARIN : mahal na itinakda.....

uhmm ahem ahemmmm

A _____ Arnie.....

Narito ang kaunting ala - ala mula sa aming abang kaharian, itong nakalagay sa pulang sisidlan ay ang mga pagkain na inyong babaunin.....

Ito namang nasa malaking asul na sisidlan ay ang aming munting nakayanan bilang ala ala sa iyong pagdalaw sa aming abang kaharian

ARNIE : Naku!!! mahal na hari hindi na kayo dapat nag abala pa, ang nahihiyang tugon ni Arnie bago mabilis na tinanggap ang mga regalong bigay ng hari

PETER : (" ____" )

JR : ("___")

nahihiyang napakamot ng ulo si Peter at Jr na sinulyapan si Arnie na maaliwalas ang ngiti sa hari.

JR : si ate talaga..... hindi daw dapat nag abala??? ang bulong ni Jr sa sarili.

Sige po mahal na hari, kami ay lalakad na pabalik sa kaharian nila Borjo. ang muli ay pagpa paalam ni Arnie at mga kasama. Si Jr ay muling sumulyap ng malungkot kay Usana na animo gusto pang magpa pigil.....