webnovel

Chapter 52: Sa Kaharian ng Tikbalang Palakasin ang Kapangyarihan 2

Walang nagawa si Mayor kung hindi ang pabayaan na lamang na pansamantalang kumpiskahin ang mga pictures at videos....

tama ang sinabi ni Vice Mayor Luigi maaring katakutan ang kanilang bayan kung hindi maganda ang maging pananaw ng mga tao sa nangyari.

Sa kaharian ng tikbalang, nagngangalit ang mga ngipin ni haring Boras ng mabatid ang nangyari, mahaba habang sabunan ang inabot ng mga tikbalang at ni Prinsipe Borjo mula sa hari....

HARING BORAS : puro kayo iresponsable!!! sa palagay ninyo ba ay may magbabago pa kung paulit ulit kayong hihingi sa akin ng Paumanhin at patawad? nalimutan ninyo na bang hindi AKO KUNG HINDI ANG TAONG BAYAN AT ANG ITINAKDA ANG NALAGAY ANG BUHAY SA PANGANIB???

ano ang halaga ng pag hingi ninyo ng paumanhin sa akin? maririnig ba iyan ng mga taong nasaktan????

Sa inyong LAHAT LALONG LALO NA IKAW BORJO hindi ko na nais pang maulit ang ganitong pang yayari.....

PRINSIPE BORJO : 😢😢😢 masusunod ama kong hari

LAHAT NG TIKBALANG : MASUSUNOD PO KAMAHALAN 😬😬😬😬

HARING BORAS : borjo sumunod ka sa akin, kinakailangan nating kausapin at bigyan ng pampalubag loob ang itinakda, marahil ay lubha na itong nag aalala.....

kasunod noon ay tumalikod na ito papasok ng palasyo, kasunod ang nakayukong si Borjo

REYNA MAREANA : Mahal ko, ako'y nag aalala... ayaw tumigil ng munting binibini sa pag iyak, ano ang ating gagawin..... salubong na pahayag nito sa hari

HARING BORAS : wag kang mag alala mahal ko, narito kami ng anak mo upang kausapin siya...

binuksan ng hari ang pinto ng silid kung saan naroroon si Arnie at ngumunguynguy ng iyak.

pumasok ang hari kasunod ang reyna at si Borjo.

HARING BORAS : Mahal na itinakda, huwag ka nang umiyak, ligtas na ang iyong mga kaibigan at nagpadala ako ng aking mga tauhan upang sila ay pangalagaan, ganon na rin ang iyong mga magulang

ARNIE: nagtaas ng mukha at tiningnan ang hari matapos marinig ang mga sinabi nito.

Paano ako makatitiyak na mananatili silang ligtas? ang aking mga magulang at kapatid? paano na sila? tanong dito ni Arnie habang umaagos sa magkabilang pisngi ang mga luha nito.

lumapit si Borjo kay Arnie at may iniaabot dito

PRINSIPE BORJO : arnie, tanggapin mo ito, isang munting regalo.....

kahapon pa dapat ibibigay ni kabatao at kabayuhan ang mga iyan, ngunit nabigo silang lumapit sa iyo...

Minasdan ni Arnie ang ilang butil ng mga brilyante na ibinibigay ni Borjo

ARNIE : sa palagay mo ba ay magagamit ko pa ang mga iyan dito? muli ay tanong nito

mas makabubuti siguro kung ibibigay mo ang mga iyan sa aking magulang upang magamit nila sa pag alis sa aming baryo....

mas mapapanatag ang loob ko kung aalis na muna sila sa aming baryo, malayo sa mga impaktong gustong kumuha sa akin, at malayo sa mga matang mapang husga

nagkatinginan ang reyna at hari, may punto ang sinabi ni Arnie, mas magiging ligtas nga ang mga magulang nito kung lalayo ang mga ito sa kanilang bayan.....

Inutusan ng hari ang isang tauhan na kumuha pa ng karagdagang ginto, brilyante at diyamante sa taguan ng kayamanan ng kanilang lipi....

pagbalik nito ay may dalang katamtaman ang laking kahon na naglalaman ng ibat-ibang uri ng mamahaling hiyas at iniabot ito sa hari

HARING BORAS : kinuha kay Borjo ang mga brilyante at inilagay sa kahon kasama ng iba pang mamahaling hiyas....

Tama ka sa sinabi mo mahal na itinakda, narito ang karagdagan pang mga hiyas upang magamit nila, ngayon din ay ipahahatid ko ito sa aking mga utusan....

ARNIE : muntik ng lumuwa ang mata sa dami ng nagkikislapang hiyas, dagli itong natigil sa pag iyak

Mahal na hari, napakarami ho ng mga hiyas na iyan, nakakahiya naman ho.....

HARING BORAS : balewala ang mga iyan dito sa aming kaharian, munting palamuti lamang ang mga iyan, kung gusto mo pa ay bibigyan pa kita.....

ARNIE : naku... hindi na ho..... ayos na po ang mga ito...

HARING BORAS : kung ganon, ipadadala ko na ang mga ito, wala ka bang nais ipagbilin?

ARNIE : Wala na po... susubukin ko na lamang pong mag chat sa kanila sa messenger, ang sagot ni Arnie dito

HARING BORAS : ah ganon ba? uh??? anong messenger?

ARNIE : ah... isa pi iyong uri ng application na dina download sa play store, bayaan ninyo po tuturuan ko kayo mag chat at mag down load ng fb at messenger.

mag pabili na lang po kayo ng cellphone na may camera para mas maganda, ang nang iingganyong sabi ni Arnie na panatag na ang loob sa hari ng mga tikbalang

HARING BORAS : ahhh oh sige nga, turuan mo kami ng reyna.

magpahinga ka na muna, mamaya ay pahahatiran kita ng pagkain, bukas ay mag uumpisa ka nang magsanay upang palakasin ang iyong kapangyarihan....

bilin ng hari bago lumabas ng silid kasunod ang reyna si Borjo at ang tauhan na may bitbit ng kahon ng hiyas upang ihatid sa magulang ni Arnie.....