webnovel

chapter 12 engkwentro :

nakita ni kiko'ng nakatulog na ang pamangkin mula sa pagkakadapa sa kawayang sahig ng kubo.minabuti nyang wag na itong gisingin, dinala nya ulit pababa ang dalawang saging at tasa ng kape.

Kiko : nakatulog na pala si Arnie, mukhang napagod ng husto sa paglalakad.

banggit ni kiko sa mga kasamang noon ay nagkakape na at kumakain ng saging na nakalagay sa sartin na bandehado at nakapatong sa mesang gawa sa tinistis na puno ng niyog.

.

.

.

.

matapos kumain, bumalik sa hagdang kawayan si kiko upang doon magpahinga, si adobo at mga kasama ay lumabas sa maliit na balkon ng kubo at naupo sa mahabang upuan na gawa sa kawayan habang nagkukwentuhan.

Si pekoy ay umakyat sa kubo upang isara ang munting bintana doon, nang siya ay may mapuna.

Pekoy : kakang kiko, tingnan nyo! may dala palang magandang sumbrero si Arnie? at may nakalagay pang prutas?

Kiko : aba? siyanga ba? ay bakit di namin napansin kanina yan? tanong ni kiko na lumapit upang tinggnan ang sinasabing sumbrero ni pekoy...

abaaa.... ay oo nga! saan nya kinuha ang sumbrerong yan? wala naman akong napansin na dala nya kanina?!? usyoso ni kiko sa hawak na sumbrero ni Arnie.

dahan dahang kinuha ni kiko sa kamay ni Arnie ang sumbrerong puti na gawa sa malambot at makinis na tela.

nakita nyang may nakalagay na dalawang manggang kalabaw na hinog dalawang indian mango dalawang malalaking bayabas at dalawang nilagang itlog.

Pekoy : saan kinuha ni Arnie yan? hindi bat wala naman siyang hawak hawak kanina mula ng makita natin s'ya? tanong ni Pekoy kay Kiko.

tinawag ni kiko si Adobo at barako upang pumasok sa loob.

.

.

.

Kiko : barako, hindi ba at ikaw ang naunang humawak sa braso ni Arnie pagkatapos nyang aksidenteng maibalibag si Roger? tanong ni kiko kay barako.

Barako : oho ka kiko, ako nga! bakit ho? sagot at tanong ni barako kay kiko

Kiko: may napansin kabang dalang sumbrero si Arnie kaninang nakita nyo?

Barako : wala ho, kahit tanungin nyo pa si Adobo, s'ya ang umakay kay Arnie paakyat ng patay na burol galing sa kawayanan.

Adobo : oo nga ama, wala nga s'yang dalang sumbrero. bakit nyo ba itinatanong?

Kiko : mangyariy umakyat si Pekoy para isara ang maliit na bintana, napansin nya na may nakakipkip na puting sumbrero sa pagitan ng dalawang kamay ni Arnie. may kasama pang prutas at dalawang itlog na nilaga

Adobo : aba naku! abay wala naman dalang kahit na ano si Arnie, saan nya galing iyan! hindi kaya ibinigay ng tikbalang habang nagkakape tayo? nahihintakutang saad ni adobo.

mabuti pa'y itapon nyo ang mga iyan! suhestyon pa nito sa ama.

Kiko: abay wag! mas mainam bitbitin mo mamayang pauwi, pag liwanag na gigisingin na natin si Arnie at nang tayo'y makalarga na pauwi ng nayon. pagtutol ni kiko sa suhestyon ng anak.

Pekoy : ay bakit hihintayin pa nating lumiwanag? Bakit hindi pa tayo lumakad pauwi ngayon? sabat ni Pekoy sa usapan ng mag ama;

oo nga ka kiko bakit dipa tayo ngayon lumakad pauwi? gisingin na natin si Arnie, ako'y kinikilabutan lalo na pag naiisip ko ang mga nangyar sa'tin sang ayon ni Barako sa sinabi ni Pekoy.

Kiko : hindi pupwede ang nais ninyo, una'y masyado pang madilim at malayo pa ang lalakarin natin; masyadong delikado, iilan na laang tayo nauna ng lahat ang karamihan sa mga kasama natin, di natin alam ang elementong haharapin natin kung susugod tayo ng lakad sa ganitong oras.

mas ligtas tayo dito,; paliwanag ni kiko sa anak at mga pamangkin sa pinsan.

Pekoy : oo nga, tama ka tiyo kiko, mas delikado nga kung lalakad tayo ngayon, ang mabuti pa ay dumito na lang tayong lahat sa loob ng kubo, isasara ko ang pinto ng kubo at maglagay din ako ng asin sa may bungad ng pinto at bintana.

Kiko; mabuti pa nga ay ganoon ang gawin natin, ihanda nyo rin ang inyong gulok, para pang seguridad at proteksyon utos ni kiko sa mga kasama.baka mamaya ay may maka engkwentro pa tayong engkanto, mabuti na ang alerto at handa babala ni kiko