webnovel

Army of True Salvation (TagLish)

Hindi mo inakala ang ganitong pangyayari. Nananahimik ka lang, nakikinig sa klase, at bigla na lang nagbago ang mundo. Zombie Apocalypse. Are you ready to survive, fight for your life, and strive in order for you not to die? Are you willing to carry a knife, hold a gun, and kill zombies even though they may be your family, friends, or someone you know? It's your choice. You may choose to survive or if you are too scared, you may choose to die and become a zombie. But if you have chosen to survive... You are already part of the "Army of True Salvation." ~ Credits to Janrae Mendoza for the book cover for Army of True Salvation (TagLish). Want to further show your support? Send me a ko-fi~! ^^ Link: https://ko-fi.com/mysticamy

MysticAmy · Fantasia
Classificações insuficientes
216 Chs

Naging Zombie Na

>Sheloah's POV<

"Ready ka na ba," tanong ni Sir Jim sa kanya.

"Ready na ako," sagot ni Veon sa kanya at tumango si tito at si Sir sa sagot niya at pumunta sila sa harap ng glass door para tanggalin yung mga boxes.

Binuksan ni Sir Jim at ni tito yung pinto at tumakbo sila papunta sa amin. Patakbo na yung zombies papunta sa amin at sumigaw si tito.

"Fire!"

Ginamit na ni Veon yung gatling gun at tinakpan namin lahat ang tainga namin dahil ang ingay talaga ng gatling gun. Ang smokey pa at ang daming zombies nababaril ni Veon dahil sa baril na gamit niya.

Pinapanood namin lahat ng mga zombies na namamatay sa harapan namin. Kung sana pwede namin madala palagi ang gatling gun, edi mapapatay namin lahat pero hindi pwede dahil sa sobrang laki at bigat nito.

Nawalan na ng bala yung gatling gun at tiningnan kami ni Sir Jim. "Take this opportunity to run to the car! We all have to leave," sabi niya at tumakbo na si Sir, tito, Josh at Tyler sa service car at kami ni Veon doon sa kotse na ginamit ni tito.

May mga zombies na tumatakbo papunta sa kotse namin at pinaandar na ni Veon yung kotse. Umatras yung kotse at nasagasaan niya yung mga zombies na nasa likod.

Umalis na kami ng SM at papunta na kami sa barangay nila kung saan ang parents niya. Tiningnan ko si Veon at ang bilis ng pagtakbo niya sa kotse. Halata sa kanya na kinakabahan siya but I can't blame him. We have to get to his family right now.

"Sheloah… ano'ng oras na," tanong ni Veon sa akin at tiningnan ko yung orasan sa phone ko.

"6:42PM," sagot ko sa tanong niya.

"Shit," sabi niya at mas binilisan niya yung kotse. Kumapit ako sa side ng kotse.

"Sorry, Sheloah, pero salamat at nandito ka para samahan ako," sabi niya sa akin at nginitian ko siya.

"Dapat lang. Hindi ko kayang iwang ang kaibigan ko," sabi ko sa kanya at tumingin ako sa bintana.

Habang papunta na kami papunta sa barangay nila, hindi ko matanggal sa isip ko ang pag aalala ko para sa kanya. Hindi ko pa masyado kilala ang parents niya, pero nag aalala ako kasi they're the only parents Veon has.

Masakit talaga sa pakiramdam mawalan ng taong mahal mo sa buhay. Maslalo na pag marami na silang nagawa para sa'yo. Maslalo rin pag close na close kayo.

Nakarating kami sa harap ng bahay nila at buti na lang walang masyadong zombies dito kaso nga lang nakabukas yung gate at main door ng bahay ni Veon kaya mas kinabahan siya para sa pamilya niya.

Bumaba agad si Veon at binaril niya yung dalawang zombie na nasa harap ng gate nila gamit ang machine pistol na dala niya at pumasok agad siya ng bahay. Bumaba ako at sinundan ko siya.

Nandito kami sa bandang living room at nakita namin na ang gulo-gulo ng setting ng bahay. May nakita pa kaming zombie doon sa harap ng TV at nagulat si Veon kasi hindi niya alam kung ligtas ang pamilya niya.

"Ma, pa! Nasaan kayo," sigaw niya at lumingon yung zombie na nasa harap ng TV. Binaril ni Veon yung zombie ng tatlong beses at tumakbo siya pataas ng second floor.

"Ma, pa! Sumagot kayo! Nasaan kayo," sigaw nanaman ni Veon at sinundan ko siya.

No'ng pagkataas ko ng second floor, hindi ko alam kung saan pumunta si Veon. Lahat ng doors sa second floor nakabukas at hindi ko alam kung saan pumasok si Veon.

Sana ligtas yung parents niya.

"Veon!" Sigaw ko ang pangalan niya. "Nasaan ka," sigaw ko habang hinahanap siya.

No'ng pumunta ako sa right part ng second floor, may nakita akong pinto na nakabukas at nakita ko si Veon na nakatayo sa labas.

Nilapitan ko siya. "Veon," sabi ko sa kanya at hinawakan ko yung balikat niya, pero hindi niya ako sinasagot.

"Uy, Veon," sabi ko pa sa kanya at nakatingin siya sa kwarto na nasa harapan niya pero yung expression ng mukha niya, may hint of sadness. Parang…

Onti na lang, iiyak na siya.

Pumasok siya ng kwarto at sinundan ko siya pero nagulat ako nang makita ko ang kalagayan ng magulang niya.

Naging zombie na.

Tiningnan ko si Veon at hinawakan ko yung balikat niya. "Veon… we were too late. I'm sorry," sabi ko sa kanya pero hindi niya ako pinapansin. Teary-eyed na ang mata niya at nakatingin siya sa magulang niya.

"Ma… pa," sabi ni Veon sa kanila at no'ng pagsalita ni Veon, it's as though as his voice was about to break. Parang sirang-sira na ang puso ni Veon dahil sa nakita niya.

Sa lahat pa naman na pwede maging zombies, bakit pamilya pa ni Veon? Ang saklap naman para sa kanya ito. Ang magulang niya na nagbibigay ng pagmamahal. Ang pamilya na nagbibigay ng mga magagandang memories, ng mga mabuting aral…

Nawala na sa kanya.

Mag ingay naman kayo! Hahaha! XD Salamat sa pagbabasa! ^^

MysticAmycreators' thoughts