>Veon's POV<
"Sheloah," sigaw agad ni Kreiss at napatingin si Shannara at si Sheloah habang tumatakbo sila on the opposite direction at nahihilo na yung zombie kung paano niya habulin.
"Kreiss," sigaw naman ni Sheloah at tumigil siya sa kakatakbo nang makita niya akong nakatayo sa harapan niya, katabi si Kreiss.
Bigla akong naginhawaan ngayong nakita ko si Sheloah. Maraming tanong lumalabas sa utak ko ngayon. Bakit mukhang okay siya? Bakit kilala niya yung nag kidnap sa kanya? Paano siya nakatakas?
Sino ba talaga itong Kreiss na ito?
Palapit n asana si Sheloah sa akin pero nakuha yung pansin namin nang sumigaw si Shannara.
"Kreiss, Veon, umiwas kayo," sigaw niya at agad kaming tumakbo paalis ni Kreiss bago pa kami nakuha ng napakalaking zombie.
Para siyang tank na napaghaluan ng loud zombie na nasa Resident Evil.
Magkatabi na kaming apat at nagtinginan lang kami habang naglalakad ng mabagal papunta sa amin yung zombie pero kahit ganito yung pangyayari ngayon, hindi ko matanggal ang tingin ko kay Sheloah. Nakatingin din siya sa akin at ewan ko kung bakit bumibilis pagtibok ng puso ko.
Bakit ganito? Pag aalala lang ito, 'di ba?
Biglang humarang si Kreiss sa gitna namin. "Guys, don't forget… we have a date with big zombie here," sabi niya at tinuro niya yung zombie na nasa harapan namin. "We have to show him a good time," dagdag sabi pa niya at kinindatan niya kami.
Aatakihin niya sana kami ng zombie gamit ng napakalaki niyang kamay pero agad kaming uimwas at ramdam namin na yumugyog yung sahig dahil sa impact ng kanyang kamay sa sahig.
"Ano'ng plano," tanong ko at kinalimutan ko muna ang mga iniisip ko tungkol sa pinagdadaanan ni Sheloah.
"Attack," sagot ni Shannara sa tanong ko at agad niyang binaril yung zombie pero tiningnan lang siya at napansin namin ni Kreiss na wala itong epekto sa kanya.
"Hindi effective sa kanya ang bullets. Ang katana," sabi at tanong ko at nag observe siya sa movements ni Sheloah.
Agad tumakbo si Sheloah at pinutol ang kamay niya na hindi malaki. Agad naman itong tumubo. Bumalik si Sheloaah sa amin at tiningnan niya kami dahil yung ginawa niya ang sagot sa tanong ni Kreiss.
"Wala rin palang epekto," sabi ni Kreiss at napa isip ako.
Since nasa iisang lugar lang kami, sabay niya kaming mapupuntahan at isang hit niya lang, apektado na kaming apat. Kailangan naming humiwalay para mahilo siya kung sino ang hahabulin niya; kung sino ang aatakihin niya pero dapat hindi kami masaktan ng sobra sa paraang ito.
Tiningnan ko silang lahat. "May plano ako," sabi ko at tiningnan naman din nila ako. "Dapat humiwalay tayong apat," dagdag sabi ko pa at bigla naging crucial ang facial expression nilang lahat.
"Ano'ng ibig mong sabihin? Isa sa atin magiging bait tapos yung isa gagawa ng plan of attack," tanong ni Sheloah at tumango ako bilang sagot.
"Tatlo ang plano ko," sabi ko at lumapit sa amin yung zombie at agad kaming umiwas nang makita namin ang malaki niyang kamay na papunta sa amin.
"Plan 1: Hiwalay tayo into 2 parties. 1st party is to attack, 2nd party is to look for someone to fight with us. Plan 2: 2 parties ulit. The first will distract zombies and the second will look for other means of defeating the tank. Plan 3: escape," sabi ko at tiningnan nila ako at halata sa kanila na ayaw nila ang huling plano.
"Plan 3 crossed out," sabi ni Kreiss at tumango kami at umiwas nanaman kami sa pangalawang atake ng zombie.
"Masyadong matagal ang plan 1. Hindi pwede na magtatagal ang isang party, baka mamatay sila," sabi naman ni Sheloah at lahat kami nag agree.
"Then plan 2. Mukhang mas effective ito," sabi ni Shannara at tiningnan ko silang lahat.
Decided na plan two ang gagawin namin. Kailangan namin gumawa ng dalawang parties. Isang party to distract, at isang party to make the plan to defeat the zombie.
"Ano'ng plano para simulan ito," tanong ko at biglang nagsalita si Kreiss.
"Alam niyo ang Molotov cocktail," tanong niya at may naalala ako dahil sa sinabi niya. Ginagamit din ito sa games na nilalaro ko at sa war dati. Hanggang ngayon ginagamit parin ang Molotov cocktail.
"Para siyang bomb, pero mga simpleng gamit lang ang gagamitin para makagawa nito," sagot ko at tiningnan ako ni Sheloah tsaka niya ako hinila dahil muntikan na akong madilaan ng zombie gamit ang mahaba niyang dila. Tumakbo kami sa isang sulok para lumayo sa zombie.
"Correct. Kailangan natin ng materials. Simple lang. Isang flammable na bote, yung babasagin. Sa loob niya, lalagyan ito ng gas oil and motorcycle oil. Gagawing wick natin yung cloth tsaka natin ibato sa zombie once nasindian ito," sabi pa ni Kreiss at lahat kami napa isip.
"Sa tingin ko, mayro'n sa'yo ang mga materials kaya ikaw na ang bahala roon," sabi ko kay Kreiss at tumango siya.
"Ngayon kailangan natin ng isang party para i-distract ang zombie," sabi ko at agad kong hinila si Shannara dahil malapit na siyang maitake ng zombie.