webnovel

C5: Jameliya

Pumunta na ako sa school namin para kumuha ng modules pero bakit nandito 'tong lalaking to? Tanong ko sa sarili ko nang makita ko ang lalaking palaging naka bike, napaka gala naman nito kung saan saan nakakarating. Hindi kona ito pinansin pa at pumasok na sa school nang biglang may humarang sa'min ni mr. biker

"Walang kuhaan ng modules ngayon, next friday pa" Sabi saamin nung guard sa school, mukhang nang aasar pa ang mukha nito kaya umalis na ako kaagad para bumalik sa bahay bago pa dumami yung tao sa labas ng bahay namin.

Fast Forward

Nakauwi na ako, kakagising ko lang rin.

Umiiyak nanaman ako at hindi alam ang dahilan kung bakit palagi nalang ako ganito, nakakasawa narin.

minessage ko si Eyhan at sinabi ang nangyayari sa'kin agad nya naman akong pinakalma kaya medyo umayos na ang pakiramdam ko.

"Nak, umatake nanaman ba ang anxiety mo?" pagtatanong ni mama sa'kin habang pumapasok sa kwarto ko "opo ma, okay napo ako ngayon" sagot ko kay mama nang bigla ako nitong hinalikan sa pisngi "si mama na ang bibili ng gamot mo ha, mag pahinga ka muna dyan nak" tumango ako at umalis na si mama para bumili ng gamot ko, Paano ba kasi mawala tong anxiety nato? Bakit ako pa yung nag karoon? Pilit na tinatanong ko sa sarili ko nang maalala ko yung sinabi ni Eyhan sa'kin "Wala naman tayong karapatan para magreklamo sa buhay, Kung ano yung meron ka ngayon dapat be thankful ayaw mo non unique ka? HAHAHAHA" biro nito sa'kin para mapakalma ako. Kahit ganon sya napapagaan nya yung loob ko halos lahat ng jokes nasabi nya na sakin mapatawa lang ako.

*Ting*

*Ting*

*Ting*

sunod sunod na notif galing sa cellphone ko kaya inopen ko ka'gad ito

;Lim hoy babaita wala kapang message simula kaninang umaga ah, anong balak mo sa buhay aber?

;Lim

;Lim hoy babaeng problematic queen

:ano nanaman ba yon

;hi imissyou hehe

:di kita miss bye na matutulog ako

;Night

:Umaga palang oh

;Mornight

:HAHAHAHAHAHA

;odiba natawa ka sa joke ko, may bayad yan ha lima lang gcash yung payment

loko loko talaga 'to, pero bilib ako sakanya kasi parang hindi sya nagkakaroon ng problema

"saan nga pala ang bahay n'yo?" Pagtatanong ko kay Eyhan

"Ah, malapit sa street ng jameliya" tipid na sagot nya sa'kin na ikinagulat ko