Bro, you're drunk."
"Aren't you used to it Axel?"
"I do, pero nagtataka pa din ako kung bakit. Hindi ka naman alcoholic dati bro."
"People change."
"People change ONLY because of pain Conner."
Hindi ko alam kung paano sya sasagutin. Silence struck for a moment.
"Wag mong sabihing tama ako. Akala ko kaibigan ang turing mo sa akin, pero bakit hindi ka man lang nagkwento? I hate you bro."
"Childish! Gusto mo ba talagang malaman?"
"If you're willing to share at kung kaya mo na talaga."
"Are you insulting me? Kaya ko na. It's already 2 years after all."
"This is interesting. The biggest heartache of a famous, handsome, and youngest CEO in the country. Magkano kaya ang ibabayad sa akin ng media para sa scope na ito?"
[Flashback]
I was only 20 years old back then, inutusan ako ni dad na pumunta sa probinsya para makipag-negosasyon sa may ari ng lupa na gusto niyang pagtayuan ng bagong kompanya. And as his successor, I followed his order.
Nang marating ko ito, isang maliit na kubo ang bumungad sa akin. I didn't expect that the owner of a very huge land is living a very simple life. Dahil doon, inakala ko na madali ko silang mahihimok na ibenta ang kanilang pag-aari.
Kumatok ako sa pinto. When it opens, I was stunned to see such beauty. A very simple woman, yet so unique.
"Sir may kailangan po ba kayo? Ano ang maipaglilingkod ko?" Her voice is angelic as her face. I continue staring at her beauty. "Sir, ayos ka lang ba?"
I suddenly realized that I am fantasizing too much.
"Ow, yes, ayos lang ako. Gusto ko lang malaman kung dito ba nakatira sina Mr. and Mrs. San Agustin."
"Ah, opo sir. Pero wala pa dito ngayon sina lolo at lola."
"I see. Kailan sila makakabalik?"
"Alas-4 ng hapon po sir. Gusto mo bang maghintay sa loob?"
"Kung ayos lang sayo."
She smiled sweetly.
"Syempre naman po."
Nag-alok sya ng kape. She was a kind and attractive woman indeed.
"Sir, pwede ko po bang malaman kung bakit hinahanap mo sina lolo at lola?"
"I just want to negotiate with them."
"Negotiate? Isa ka ba sa mga nag-nanais bumili ng aming lupain? Tatapatin na kita sir, ang pag-aaring ito na lang ang meron kami, at ang maliit na kubong ito ay puno ng magagandang alaala. Kaya sa tingin ko, hinding-hindi ito ibebenta ni lolo."
"Ganon ba? If that's the case, then we won't force you."
"Masaya akong marinig yan sir. Napaka-buti mo."
"In exchange for my kindness, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
"Natalia sir."
"A pleasure to meet you Natalia. I'm Conner, wag mo na akong tawaging sir at wag ka na din sanang mag-po."
"Tali, sino yang bisita mo?"
"Bisita ba o manliligaw?"
Her grandparents arrived.
"Lola, lolo, sya po si Conner, naririto sya dahil-"
"dahil gusto ko pong ligawan si Tali."
"Sir?"
"Magpapaliwanag ako mamaya, sumakay ka na lang muna." I whispered in her ear. "Lola, lolo, payagan nyo po akong ligawan si Natalia. Hindi ko po sya sasaktan."
"Patunayan mo muna sa amin ang iyong sarili hijo."
"Opo, gagawin ko. Pero sa ngayon, kailangan ko na pong umalis. Bibisita na lang po ulit ako."
"Hanggang sa muli hijo. Napaka-ganda mong lalaki." Lola uttered.
Natalia sends me out.
"Sorry kung nagsinungaling ako, I just really need their help to find another land that we can buy here in your province."
"Ayos lang 'yon. Naiintindihan kita sir."
"Calling me sir again? Are you disappointed?"
"H-hindi. Bakit naman? Sige na, ingat ka pag-uwi Conner."
I TOLD my dad about Natalia's decision. I also told him that I can be the one in charge in finding another location to build a new company in their province. He agreed, which means, I will be able to she my dream girl more often.
Linggo linggo kong binibisita si Tali. Lagi ko silang binibigyan ng regalo and they always appreciates it.
Si lolo ang nagturo sa akin ng mga ibinebentang lupain sa kanilang lugar, and he also helped me in persuading the owner to sell their land.
Dalawang buwan ang lumipas.
"Conner, hindi mo naman kailangan na parating magregalo, nagpapanggap ka lang naman di ba?"
"Paano kung hindi?"
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Tali, what if I do like you? Can you consider my feelings?"
"Conner, nagbibiro ka ba?"
"Noong una, I don't know how to tell you what I feel, so I told you back then that I am only pretending. Pero ngayon may lakas na ako ng loob para ligawan ka. Can you like me back?"
"Niloko mo pa din ako." She pinches my face.
"I didn't mean to do that."
"Bilang parusa sa panloloko mo sa akin Conner, ayusin mo na ang panliligaw mo ngayon. Yung totoo at seryoso."
I hold her hands.
"No problem, I can court you forever."
I know that she likes me too. But she's decent and pure enough to let me court her first.
Matapos ang isang taon, sinagot niya ako. Even though I already finished the task dad gave me, I still travel from city to province once a week to visit my girlfriend.
Until one day, dad proudly announced that he successfully bought San Agustin's private land. Nagulat ako sa sinabi niya kaya't binisita ko sina Tali nang wala sa oras para tanungin siya kung bakit. Pero...
[End of flashback]
"Pero ano? Bro, what happened next?"
"Inaantok na ako Axel. I'll go back to my room."
"Bro confirmed, hindi ka pa din nakaka-move on. Fine, I'll figure it out myself."
"You can't, other than lolo and lola, wala nang may alam sa naging relasyon namin."
"Sige na, go to sleep, you must wake up early, your company's royal visitor will arrive tomorrow."
Humiga na ako sa kama. I saw Tali.... in my dream once again.
Gumising ako ng eksaktong alas-6 ng umaga. I ate my breakfast, took a bath, wore my tuxedo, and went to the company I inherited a year ago. That's my only routine everyday.
Walang oras para magsaya, because every time I tried to make myself happy, I just missed her so much. She's my only source of happiness, but I lost her.
A grand welcome celebration for our new investors was held today. Prince Albertson and Princess Talia from the kingdom of western Europe will personally visit our country.
Yumuko kami at nagbigay galang habang lumalakad sila sa aming harapan.
When I raised my head and looked at them, hindi ako nakapaniwala sa nakita ko.
Am I hallucinating? Totoo ba ito? Si Princess Talia ay si Tali? How come? Sino ba talaga ang babaeng nagustuhan ko?
I've waited for so long to see her again, but I don't feel glad to meet her at all. Because now, she's happy at the arm of a prince.
Sa wakas ay nagtama ang mga paningin namin. Nakita ko sa mga mata niya ang matinding pangungulila sa akin, but it can never change the fact that she didn't chose to be with me.
As the CEO, I need to approach them, so I did. Nag-usap kami ng prinsipe ng napaka-tagal, pero hindi ko na ulit nakita si Tali na tumingin muli sa akin.
My personal assistant sends them to Adonis Racing Club where they can comfortably stay for a month. Hindi naging madali ang pangungumbinsi ko kay Ms. Avery Wilson, the owner of that exclusive club para lang doon sila patigilin. Among all the places in our country, ARC is the best for me, kaya ginusto ko ring maging member ng naturang club.
I can't endure seeing her with other man, kaya umuwi na lang ako para uminom.
I'm a little bit drunk when I decided to talk to her about our past. Gusto kong linawin ang mga nangyari. Kung bakit nya ako iniwan. At kung ano ang nagawa kong mali.
I knocked on her door and hurriedly went inside when she opened it.
"Mr. Conner Chen, what are you doing here?"
"Mr. Conner Chen? When did you start calling me that way Tali, or should I call you princess Talia? Am I not good enough? Is he better than me? I also have the money, status and power. I can give you what ever you want, but why did you chose him? Why did you left without saying goodbye?"
"Conner, lasing ka lang. Just leave."
Niyakap ko sya ng mahigpit kahit pilit niya akong itinutulak palayo.
"Answer me first."
"Don't be so disrespectful, I am still a princess."
Prinsesa? Oo nga pala. Ngayon alam ko na, kaya pinakawalan ko na sya.
"Hahaha, you're right. You're already a princess. Paano mo nga pala naakit ang prinsipe? I didn't expect my woman to be so desperate. Hindi ka pala kasing linis kagaya ng inaasahan ko."
Her right hand landed on my face. Bakit ko ba sinabi yun? I know I'm wrong, but I can't control my anger. Mahal ko lang talaga siya ng sobra.
"How dare you. LEAVE! I SAID LEAVE!"
Bumukas ang pinto at pumasok ang prinsipe.
"Sister, why are you shouting?"
"Sister?"
Did I really misunderstood?
"It's nothing brother. My joy suddenly burst out because one of my close friends visited me."
"Mr. Chen is one of your friends? How come? You didn't even greeted each other earlier."
"Princess Tali is right, we're friends."
"Then, I'll go back to my room. You can continue chatting."
"No Albert, Conner will also leave now. He's actually busy with company's matter. Right Mr. Chen?"
"Yes, good night royalties."
What the hell did I do? Paano ko pa sya haharapin ngayon? I misjudged her. At sobrang sakit ng sinabi ko.
Tatlong araw pagkatapos ng matinding komprontasyong iyon, pumunta ako sa lugar kung saan una kaming nagkakilala ni Tali.
The company that we build in the province is very productive, but I didn't allow anyone to ruin the only memory of Tali that I have. The nipa house is still standing. Itinago ko lang ito sa likod ng mataas na pader at walang sino man ang pwedeng pumasok bukod sa akin.
Uuwi na sana ako nang makita ko siyang nakatingin mula sa malayo. Kinapalan ko na ang mukha ko at lumapit sa kanya.
"Your highness, why are you here?"
"I just missed this place so much."
"Gusto mo bang sumama sa akin?"
"Saan?"
"To a memorable place where we shared laughter and… love."
"Posible bang-"
"Just follow me."
I hold her hand. Dinala ko sya sa kubong dati nilang tahanan.
"Surprised?"
"Thank you Conner."
"I'm sorry Tali. I judged you. Mali ang mga sinabi ko, nadala lang siguro ako ng sobrang pagka-miss sayo."
"Shhh. Conner, let bygones be bygones."
"But how about us? Pwede pa ba nating ibalik ang dati?"
Saglit syang natahimik at tumitig sa mga mata ko.
"Wag na lang. Matagal na din naman 'yun e." She gave me that bitter smile.
I grabbed both of her hands.
"Pero mahal pa din kita Tali, and that will never change. Sinubukan kong maghanap ng iba, pero wala talagang makakapantay sayo."
She withdrew her hands.
"Conner, listen to me-"
"No, ikaw ang makinig sa akin Tali. We didn't broke up at hinding hindi kita papakawalan."
"That's insane."
"No it's not. Hindi na kita tatanungin kung bakit mo ako iniwan nang walang paalam. Just stay with me forever."
Nagsimula na syang maglakad palayo. Ano bang hindi mo nagustuhan sa akin Tali? Please tell me para hindi na ako nababaliw ng ganito. Sinubukan ko syang habulin. Bago pa sya nakapasok sa kotse ay hinawakan ko ang braso niya.
"Tali, please don't do this to me. I love you so much. Hindi mo na ba ako mahal?"
"Conner, you know how much I love you. Pero-"
"Pero ano?"
"I don't deserve you."
Hinatak niya ang kanyang braso at magmaneho palayo.
Damn, what kind of reason is that? You don't deserve me? Ako lang ang makakapagsabi nyan. At para sa akin, karapat-dapat ka sa pagmamahal ko.
I followed her. Base sa direksyon na tinatahak niya, babalik na siya sa club.
Sa tapat ng gate ay bumaba siya at kinausap ang mga lalaking sakay sa dalawang kotse. Hindi maganda ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya bumaba ako at nilapitan sila.
"What's wrong Tali?"
The men she's talking to are not Filipino.
"Wag ka nang makisali Conner, pumasok ka na sa club."
"Princess Talia, Mr. Moritz told us not to come back without you. If not-"
"If not what? Are you forcing her."
"Conner, pumasok ka na."
"Hindi kita iiwan dito Tali."
"Tell Moritz that I'll face him some other time."
"He wants to see you now princess. You must come with us whether you like it or not."
Lumapit sila kay Tali pero bago pa man lumapat ang mga kamay nila sa kanya ay dumapo ang mga kamao ko sa makakapal nilang mukha.
"Pumasok ka na agad sa club, mas ligtas doon Tali."
Bumawi agad ng suntok ang mga mokong. Hindi basta basta ang mga 'to.
"STOP! Don't hurt him. I will come with you. Just set him free."
Teka, hindi pede yun. I took the opportunity to dial Axel's number.
Kusang sumama sa kanila si Tali kaya pinigilan ko silang isama siya ng mag-isa.
"HEY! Do you know who I am? In this country, I am very influential and if you will not take me with you, I'll make sure to put you all in jail, including your boss. Don't forget that you are here in our territory."
"Conner, ano bang sinasabi mo? Tumahimik ka na."
Mabuti na lang ay natinag sila sa pananakot ko. They put me beside her. Kampante na ako ngayon, dahil kahit ano man ang mangyari, kasama ko sya at kasama niya ako.
"Baliw ka na ba?"
"Pinapatunayan ko lang sayo kung gaano kita kamahal. Naniniwala ka na ba ngayon?" I grinned.
"Talagang nakakatawa ka pa."
"Masaya lang ako dahil kasama kita."
"Alam mo ba itong pinasok mo?"
"No, but it's-"
"Shhh, wag kang mag-english, maiintindihan ka nila."
"Sino ba sila? Anong kailangan nila sayo, lalo na yung Moritz?"
"Si Moritz ang tagapagmana ng pinaka-mayamang angkan sa aming bansa. Kaya kahit ang mga dugong bughaw walang magawa sa kanya. Basta ginusto niya, kinukuha niya."
"Gusto ka ba niya?"
"Sa kasamaang palad, oo. Kaya nga bumalik ako dito sa Pilipinas para kahit papaano ay makapagtago sa kanya. Pero kahit dito sinundan niya ako."
"That jerk, sisiguraduhin kong hindi ka nya maagaw sa akin. Don't worry Tali."
"Conner nasabi ko na sayong-"
"Tali I'm sorry, but this time, hindi ako makikinig sayo."
"Conner naman wag mo akong pahirapan ng-"
"Paano ka naging isang prinsesa?"
"Bakit mo iniiba ang usapan?"
"Your mother is a queen?"
"HAYST! Oo. Naging reyna ang ina ko dahil pinakasalan sya ng amang hari ni Albert."
"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin? Papayagan naman kitang umalis. At kung gusto mo, sasamahan pa kita."
Tila na-estatwa siya sa tanong ko at bigla na lang tumulo ang mga luha niya.
"What's wrong Tali? May nasabi na naman ba akong mali?"
I wiped down her tears.
"Akala ko ba hindi mo na ako tatanungin tungkol dyan."
"I'm sorry, nakalimutan ko. Don't cry, hindi na kita kukulitin."
Matapos ang halos isang oras, ipinarada nila ang kotse sa tapat ng isang hotel at pinababa kami.
"Sabihin mo na lang kay Moritz na kaibigan kita, para hindi ka nya pahirapan."
"I'd better die than tell him a lie. Kilala mo ako Tali."
"CONNER PLEASE!"
"Calm down, hindi na tayo aabot sa ganyan. I promise."
Pumasok kami sa loob ng hotel.
"Talia my dear. I'm happy to see you again." A man walked towards us. "And who are you?"
"I'll formally introduce myself. I am Conner Chen, Talia's-"
"Friend." dugtong ni Tali.
"I'm glad to meet you, but you can leave us now.
"I'm sorry to disappoint you but I'll never leave her alone."
Matalim niyang tiningnan si Tali. "Is he the one you're referring to?"
Anong sinasabi ng mokong na ito?
"Don't you dare touch him Moritz. Let him go."
"I allowed him to go, but he chose to die here."
Malupit nga ang isang 'to.
"Moritz, how many times do I have to tell you that-"
"THAT YOU ALREADY LOVE SOMEONE ELSE? NO TALIA! I will never accept that reason."
"Why me? There are plenty more fish in the sea Moritz and I don't have a royal blood, so why me?"
"Talia my dear, you're very seductive. That attractive face and sexy body, I want to own it. But most importantly, you're pure and innocent, very interesting."
This jerk. Nagawa pa nyang bastusin si Tali sa harap ko. I was about to punch him but Tali stopped me.
"Moritz... I am no longer pure."
Nagulantang din ako sa narinig ko. But I am pretty sure that she's just deceiving this man.
"You can't deceive me Talia."
"She's telling the truth. Tali and I already-"
"SHUT UP! YOU TWO, I WILL KILL YOU."
They locked us on a room while that moron is trying to calm himself.
"Alam mo ba ang ginawa mo? Pinahamak mo ang sarili mo Conner, hindi ka na dapat nagsinungaling."
"But you also lied. Tinulungan lang kitang mapaniwala siya," sarkastikong saad ko.
Muling bumagsak ang mga luha niya. Dahil ba sa pagiging insensitive ko?
"SA TINGIN MO BA KASINUNGALINGAN LANG YUN? Sana nga kasinungalingan na lang lahat. Sana nga hindi na lang yun totoong nangyari."
Niyakap ko sya at dinamayan. Purity means a lot to her. Pero bakit kailangan nya itong iyakan ng ganito? Hindi nya ba nagustuhan ang experience na iyon? O kaya naman...
"Sabihin mo sa akin kung sino ang walanghiyang gumalaw sayo Tali. PAGBABAYARIN KO SYA."
"Hindi na kailangan dahil wala na sya, he's dead Conner. At kahit buhay pa sya, hindi ko sya kayang ipakulong."
"Kahit pa, sisirain ko ang pangalan niya. Kung sino man siya, ako ang gaganti para sayo."
"HINDI MO PEDENG GAWIN YUN SA SARILING AMA MO CONNER. NAIINTINDIHAN MO BA?"
"Si Dad ang-"
"Isang araw matapos ng huling pagkikita natin, personal syang bumisita sa amin. Mas gusto pa rin daw niya ang lokasyon ng aming lupain. At nang makita niya ako... pinagsamantalahan ako ng ama mo Conner."
Hindi na sya halos makapag-salita sa matinding pag-iyak. Anong dapat kong gawin? Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko dahil wala ako nang mga sandaling iyon para sagipin siya mula sa sarili kong ama. Ang sakit isipin na napaka-walang silbi ko.
"Patawarin mo ako."
"Wala kang kasalanan. Ayaw kitang nasasaktan, kaya nung pinapili ako ng ama mo kung pakakasalan ko sya o ibebenta na lang namin ang lupa at aalis na ay pinili kong nang lumayo. Tinanggap ko ang buhay na inaalok ni Mommy kahit noong sandaling iyon ay hindi ko pa din matanggap na nagpakasal sya ulit. Para sayo nagpakalayo-layo ako."
"Walang akong kwenta Tali. Hindi ako karapatdapat sayo."
"Ako ang hindi na karapat-dapat sayo Conner dahil hindi na ako kasing linis na gaya ng dati."
"You're a victim Tali. Kung iyon lang ang dahilan mo kaya hindi mo na ulit ako matanggap sa buhay mo, that's unfair. Handa akong kalabanin ang mundo para sayo, kaya hindi mo ako dapat nilayuan nang mga panahong iyon. Handa akong ipakulong si Dad para pagdusahan niya ang ginawa niya sayo."
"Ama mo pa din sya, mas mahihirapan lang ang loob mo."
Kung mahal ko sya, mas mahal pala niya ako, dahil natiis niyang kimkimin ang sakit at pagdadalamhati huwag lang akong masaktan.
"I love you more than anyone else, wag mo yang kakalimutan Tali."
"Sorry kung hindi ako nagtiwala sayo, sorry dahil mas pinili kong umalis." We heard a loud noise from outside. "Anong nangyayari Conner?"
"They're already here. Ligtas na tayo."
Someone broke down the door.
"Nice kick Levi."
"Ayos lang ba kayo Conner?"
"Yeah, thank you man."
"Conner..." patakbong lumapit sa akin si Axel at akmang yayakap.
"Hey, are you gay? Bakit ngayon lang kayo? Napakabagal mo talaga Axel."
"Mahirap yung ginawa ko bro. After I received your call, I hurriedly traced your location. Luckily, nasa loob ako ng ARC that time kaya humingi agad ako ng tulong sa club members na naroroon din."
Noong tinawagan ko sya, binuksan ko agad ang location service ng cellphone ko at hinayaan siyang marinig ang mga nangyayari. He is wise enough to know that we are in a dangerous situation and we need their help.
"Binibiro lang kita. Good job bro."
Inalalayan ko sa pagtayo si Tali, I want her out of here as soon as possible. Dinala ko sya sa rest house ko sa club at hinayaang makapagpahinga muna.
I went to the clubhouse to personally thank those men who didn't hesitate to risk their life para lang mailigtas kami.
"Axel, Levi, Fabian, Blake, Logan, Gavin, Jeong, and Aiden, salamat sa tulong nyo."
"Para na tayong magkakapatid Conner, that's the simplest thing that we can do for our brother."
"Fabian's right, as friends, we will help one another. Tinawagan ko na nga pala si Capt. Chase Natividad para sya na mismo ang umayos ng kasong ito."
"Thanks for that Logan. By the way, where's the prince?"
"Hindi pa namin nasasabi sa kanya ang nangyari. Natakot kasi kaming gerahin tayo ng bansa nila sa oras na mabigo kaming iligtas ang prinsesa."
We all laughed.
"That's crazy Gavin. Ako na lang ang bahalang magpaliwanag sa kanya. How about Ms. Wilson, alam na ba nya ang nangyari sa labas pa mismo ng club niya?"
"I already explained everything to Avery, to Ms. Avery rather."
"That's a big help Aiden."
Matapos ang sandaling kwentuhan, I went to prince Albertson and tell him what happened.
Sinigurado niya sa akin na pagbabayarin si Moritz sa batas ng kanilang bansa.
"If you need financial support, don't hesitate to ask me Prince Albert."
"I will, thank you Mr. Chen. Incidentally, I just wanted to ask, do you have feelings for Talia?"
"Yes. I love your sister so much, and she feels the same."
"Then I'll leave her to you. Take good care of my sister Conner. She's safer if she's with you."
"I will."
Tali's POV
Nagising ako sa maganda at komportableng silid ni Conner. Matagal ko nang gustong gumising sa bahay kung saan siya nakatira, at mamuhay kasama sya. Kung hindi lang sana nangyari ang trahedyang iyon, hindi ko na kinailangang isinakripisyo ang mga bagay na mahalaga sa akin.
Kahit ang pangalan ko nagawa kong palitan para hindi niya ako mahanap. Ang lupain na natatanging ala-ala ni papa kinailangan kong ibenta. At higit sa lahat, ang lalaking una at huli kong minahal, pinilit kong iwan.
Pero sobrang saya ko ngayon, dahil sa kabila ng madilim kong nakaraan, buong puso pa din akong tinanggap ni Conner. Ang pagmamahal niya ang bumuhay sa malungkot at nangungulila kong puso. His presence is more than enough for me.
Bumukas ang pinto at pumasok ang lalaking laman ng isip ko.
"Conner."
"Gising ka na pala."
He walked towards me. I had never seen such eyes, lips, and smile so damn sexy like his.
"How are you?"
"Bakit ako ang inaalala mo? Nanghina lang ako kakaiyak, pero ikaw 'tong napa-away. Nagamot mo na ba yang galos mo?"
"No need. Hindi naman nito mababawasan ang kagwapuhan ko. At kahit meron ako nito, alam kong mamahalin mo pa din ako."
I chuckled.
"Puro ka talaga kalokohan."
"I just want to see you smile."
"Conner..."
"Hmm?"
"Should I stay?"
Ano daw? Bakit sya ang tinatanong ko? Sa sarili ko dapat tinanong yun e. Ganon na ba talaga ang kagustuhan kong manatili sa tabi niya?
He gently hold my hand.
"I want you to stay. And no matter what, I would make you stay Tali. Pasasayahin kita at lahat ng gusto mo ibibigay ko. Papawiin ko ang malulungkot at mapapait na ala-alang dinadala mo. Mamahalin kita sa bawat sandali ng ating buhay. Is that enough reason for you to stay?"
Those were his words that finally put an end to my dillema.
I continue staring at the man who had been a part of my past and present. And recognized immediately that meaning behind the erratic beating of my heart. Confirmed! I was, and still is, in love with him.
"Sige na."
"Really? You'll stay here for good?"
"Oo, nagdesisyon na ang puso ko at wala na din akong magawa. Sayo sayo pa din 'to e."
"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya."
"You deserve to be happy, at kung ako ang happy pill mo, it's a great pleasure for me."
"Halika, sulitin na natin ang araw na 'to."
"Saan tayo pupunta."
"Basta."
Dinala nya ako sa racing circuit ng club. Pero walang katao-tao dito.
"Pina-alis mo ba ang mga tao?"
"Pina-alis is not the right term. Pinaki-usapang umalis is more acceptable."
"Bakit mo naman ginawa yun?"
"Dahil moment natin 'to. Wait for me." Saglit niya akong iniwan para kuhanin ang sports car niya.
"Tali, get in."
"Ang ganda nitong kotse mo."
"It's a Toyota Supra. I named it after you."
Hindi mo talaga ako kinalimutan.
"Salamat Conner."
Malayo layo na din ang narating namin. Ano ba talagang balak niya?
"I have an interesting story to tell you Tali."
"Ano yun?"
"A year ago, gumawa kaming mga ARC members ng Golden Rule na sinang-ayunan naman ni Ms. Wilson."
"Golden rule?"
"Napagkasunduan naming lahat na kung sino man ang babaeng isasakay namin sa pinaka-paborito naming sports car at ililibot dito sa racing track, sya ang babaeng pinili naming makakasama habang buhay. Last month, nagawa na ito ni Aiden sa asawa niyang si Chandria, and this time tayo naman."
I couldn't help smiling. My heart was turning into jelly with his words.
Itinigil niya ang pagmamaneho.
"Nasaan na tayo?"
"Close your eyes Tali."
"Bakit?"
"Just close your eyes."
Ipinikit ko ang aking mga mata. Naramdaman ko ang paglabas niya sa kotse at pagbukas ng pinto sa gilid ko.
"Ano bang ginagawa mo?"
"You can open your eyes now."
"Puro ka talaga kaloko-"
Nang tumama ang paningin ko sa direksyon niya, he got down on one knee while holding a diamond ring.
"Are you willing to spend the rest of your life with me? Will you marry me Tali?"
Marami na din kaming panahong napalampas at gusto ko rin naman siyang makasama habang buhay.
"Say yes." Sabay sabay na sigaw ng mga club members na nakatago lang pala sa gilid ng racing circuit kung saan kami tumigil.
"Don't turn him down sister," singit ni Prince Albertson.
"Sayong sayo ang oo ko Conner, hindi dahil sa golden rule kundi dahil mahal na mahal kita."
He captured my lips with his kiss. And with every sweet kisses we shared, part of me was shed piece by piece, revealing my true feelings I couldn't fully express to the man who had accepted all of me.
The end.