webnovel

Anxious Heart

Agatha Liondra Martina - COMPLETED Alonzo Series #1 Agatha Liondra Martina o mas kilala bilang Ali Martina. Ang dalagang walang ibang hinahangad kundi ang masaya at tahimik na buhay kasama ang kanyang Mama Alicia at Daddy Philip. Na kahit tatlumpu't anim na taon ang agwat ng edad ng kanyang mama sa kanyang daddy ay hindi iyon hadlang para hindi sila magkaroon ng masayang buhay. Alam ni Ali na pamilyado at kilala ang Daddy niya sa kanilang lugar, paano na kung dumating ang araw na kinakatakot nilang mag-ina? Saan sila kukuha ng tapang para bumangon at ipagpatuloy ang buhay? Paano kung may panibagong gulo ang dumagdag? Kakayanin niya pa kaya? Paano na ang pangarap niyang masaya at tahimik na pamilya? Alonzo Series #1 : Agatha Liondra - Anxious Heart -UNEDITED VERSION-

ArbsByTheOcean · Realista
Classificações insuficientes
29 Chs

Kabanata 17

Hacienda Alonzo.....

Yan ang mga katagang bumungad sa akin na nakaukit sa kahoy na kulay kayumanggi at ang mga letrang nakaukit dito ay kulay puti. May disenyo din ito na tatlong kulay rosas na bulaklak at may dalawa lamang na dahon. Nakalagay ito sa itaas ng malaking trangkahan bago marating ang kabahayan dito sa Hacienda. Isang oras din ang biniyahe namin mula sa Maynila patungong Hacienda Alonzo. Parte ito ng Cavite, South side ito kung tawagin. Malapit ito sa Maynila, para din itong City pero dito sa lugar kung nasaan ang Hacienda ay hindi mo iisiping city dahil sa likod ng mga magarang bahay at Mansyon ay malawak na kalupuan kung saan pinagtataniman ng iba't ibang prutas, gulay, mga naglalakihang puno at iba't ibang mga alagang hayop.

Napagalaman ko na ang Thirdy na kasama namin ni Xander ay ang first born ng 2nd generation ng mga Alonzo. Sinunod daw ang pangalan nito sa lolo namin na si Ferdinand Alonzo Sr. Ang ama ni thirdy ay Jr, at siya naman ang the third kaya ito ang palayaw sa kanya.

"Pumasok na kayo sa mansyon, pinaayos ko na nga pala ang guest room dyan sa malaking bahay na pagtutuluyan mo Ali." Sabay turo nito sa malaking mansyon na nasa harapan namin. "Ipapark ko lang itong kotse." dagdag nito. Bumaba na kami ni Xander.

May puting may kalakihang bilog na fountain sa harapan may ilang metro ang layo sa malaking trangkahan, sa kaliwang bahagi ay may isang kulay asul na bahay na hindi kasing laki ng mansyon at hindi din naman maliit. Sa kaliwa naman ay ang kulay puting bahay na mas malaki kung ikukumpara sa kulay asul na bahay, ngunit hindi kasing laki at gara ng nasa gitna.

"Itong kulay asul, bahay iyon ni Uncle Lorenzo at Auntie Lyka. Ang nakatira doon ay silang mag-asawa at ang anak nilang si Levin at Dawn. May mas nakakatanda pa sa kanila, si Lawrence kaya lang sa Maynila yon naglalagi." Paliwanag nito. Nakatingin lamang kami sa bahay na iyon at nakikinig ako sa mga sinasabi niya. Bigla akong nagkaroon ng interes pakinggan si Xander, marahil ay naisip ko na hindi siya kasing sama ni Charlisle na iniwan si mama nung kailangan niya ito.

"Iyang puting bahay ay bahay natin...Si papa, ako at si Xavier lang ang nakatira dyan pero soon...isa na talaga tayong pamilya. Sa ngayon, pinaparenovate siya ni Papa kaya sa mansyon tayo maglalagi." Dirediretsong paliwanag nito.

Pagtapak na pagtapak ko pa lang sa malaking bahay, malaking mansyon! Sumisigaw ang karangyaan. Ang labas ng bahay ay kulay magenta at ang loob naman ay naghahalong kulay kayumanggi at ginto! Maging ang handle ng hagdan ay akala mo ay pwedeng isanla.

"Ang nakatira dito ay si Uncle Ferdinand at Auntie Felicidad, ang mga anak nitong si Thirdy ang panganay yung kasama natin, ang sumunod ay si Kiefer, yung kinausap kong puntahan si Xavier kanina? Isang taon lang ang tanda ni Kiefer sa amin, si thirdy ay tatlo." naglalakad lamang kami sa living room ni Xander patungo sa mga estante kung nasaan nakalagay ang mga litrato ng mga pamilyar na tao. "Eto yung sumunod kay Kiefer, si Kiesha. Nakilala mo na siya sa school diba? Mas matanda lang kami ng buwan sa kanya. At mas bata ka ng dalawang taon." tumango naman ako doon. "At ito ang bunso, si Khalil." sabay turo sa teenager na lalaki sa litrato.

"Dito din nakatira ang Lola natin, may pagkaistrikta si Lola Gertrude. Pero sigurado akong hindi yun magsusumgit sayo dahil nakikita niya ang sarili niya sayo. Eto naman si Auntie Czarina, Unica Hija ng first generation. Si Czarina Isabelle ang anak niya, itong maputi at seryosong babae. Wala dito ang papa niya." tinitigan ko lang mabuti ang mga tao sa litrato. Tunay nga na malaki ang pamilya ng mga Alonzo. At hindi ko pa maproseso ang utak ko dahil kabilang ako sa malaking pamilya na ito.

"Handa na po ang kwarto ni ma'am ali , sir." ani ng isang kasambahay.

Gusto ko pa sanang marinig ng kwento tungkol sa pamilyang ito pero pinagpahinga na ako ni Xander. Tatawagan niya daw muna si Charlisle kung nasaan na sila ng mama ko.

Ngayon ko napagtanto ang mga naging desisyon ko. Nagtiwala ako kay Yuan dahil nangako siya na hindi niya ako sasaktan. Nagbingi-bingihan ako sa paliwanag ng mga Alonzo dahil naniniwala akong si Daddy Philip lang ang Tatay ko. Binigay ko ang sarili ko kay Yuan para mawala ang sakit na nararamdaman ko, dahil mahal ko siya at alam kong siya lamang ang makakawala ng sakit na nararamdaman ko..pansamantala. Sumama ako kay Xander dahil nasasaktan ako.

Ginawa ko ang lahat ng iyon dahil iyon ang gusto ko. Hindi ako nag-isip, hindi ako naging bukas sa paliwanag. Lalo na sa ngayon, basta ko na lang tinakasan ang problema. Pero ngayon, pakiramdam ko mas maraming tao ang handang dumamay sa akin. Handang alisin ang sakit at takot sa dibdib ko. Mayroon akong isang malaking pamilya na handa akong tanggapin ng higit pa sa pagtanggap sa akin ni Yuan.

Kung may pinagsisisihan man ako sa mga naging desisyon ko ay iyon ang hindi pinakinggan ang paliwanag ni Xander, ni Xavier...ni Mama at ni...Papa.

Tatlong katok sa pinto ng kwarto ng tinutuluyan ko ang nagpabalik sa pag-iisip ko. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako. Pinunasan ko muna ang mga mata ko bago umupo sa kama, na siya namang pagpasok ni Mama. Lumapit ito sakin at umupo sa tabi ko.

"Anak...I'm sorry...hindi ko gustong pwersahin kang tumira tayo dito. Siguro nagagalit ka kasi parang pinagtaksilan ko si Philip." tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni mama. "Anak, minahal ko si Philip. Sa labing siyam na taon naming magkasama ay natutuhan ko siyang mahalin, pero hindi kagaya ng pagmamahal ko kay Charlisle anak. Kay Charlisle ko lang kayang ibigay ang sarili ko. Hindi ibig sabihin na sumama ako kay Charlisle ay hindi ko na mahal si Philip. Andito na siya sa puso ko anak. Hindi mawawala iyon." ramdam ko ang sinseridad ni Mama.

"Pero anak, hindi naman siguro mali kung bigyan ko ng pagkakataong buksan ang puso ko sa lalaking minahal at patuloy na minamahal ko hindi ba? Siguro...sa mata ng ibang tao, malandi ako dahil naging kabet ako ng isang matandang lalaki. Pero hindi naman masamang maging masaya sa piling ng lalaking una kong minahal hindi ba?" napayuko din ako doon. Tumutulo ng muli ang mga luha ko sa mga sinasabi ni Mama.

"Anak...bukod sa dahilan na gusto kong maging ligtas ka at hindi masaktan ng mga Hermosa, gusto ko ding maramdaman mo ang pakiramdam na magkaroon ng isang buong pamilya. Kaya hindi ko kayang tanggihan ang offer ni Charlisle na sumama sa kanya dahil tandaan mo anak...kaligtasan at kapakanan mo ang inuna kong isipin bago ang sarili ko anak...bonus lang na mahal na mahal ko pa din si Charlisle." niyakap ko si Mama pagkatapos niyang sabihin iyon.

Kahit nung una pa naman, tinanggap niya ang offer ni Daddy Philip para may kilalanin akong ama. Na kahit husgahan siya ng ibang tao wala siyang pakialam basta mamulat lamang ako na may kalakhang ama.

Ngayon, ginawa ulit iyon ni Mama para protektahan ako sa mga Hermosa. At bonus na mahal pa nila ang isa't isa.

Ayokong masaktan si Mama. Kahit na gusto kong sabihin sa kanya na nasaktan na ako ng mga Hermosa, nasaktan na ako ni Yuan, hindi ko kayang sabihin sa kanya. Ayoko siyang biguin, ayoko ng madagdagan pa ang iniisip ni Mama.

Gusto ko na ngayon...puso naman niya ang bigyan ng pagkakataong sumaya sa lalaking pinakamamahal niya.

Sigurado naman ako na magiging masaya ang Daddy ko para sa kanya. Dahil ang gusto lang naman ni Daddy ay ang maging masaya kami.