webnovel

CHAPTER 7

CHAPTER 7

JESSICA SANCHEZ POVS

Kagabi pa ako tawag ng tawag kay Joshua pero hindi parin niya sinasagot ang mga tawag at text ko, pinapunta niya ako sa hotel pero wala naman siya doon hanggang sa abutin ako ng gabi kakaantay sa labas ng kwarto niya para akong tanga doon na nag aantay pinag titinginan na ako ng mga taong dumadaan at naghuhulog ng barya sa harapan ko, kaya nag decide akong umuwi, pupunta sana ako sa hotel nag babaka sakali na umuwi na siya maliligo sana ako ng tawagan ako ni tita Marites.

*On the call*

"Bakit po kayo napatawag?"tanong ko.

"Mag kita tayo sa coffee shop at may pupuntahan tayo."sagot niya.

"What time?"

"Now!"

"Tita pupuntahan ko si Joshua!"

"Mahalaga ang pag-uusapan natin at pupuntahan!"

"Okey maliligo muna ako."sabay patay ko ng tawag.

Bwiset naman si tita Marites pupunta ako sa hotel, baka kasi kung anong nang yari Joshua hindi niya kasi sinasagot ang mga tawag ko, ano ba kasi yung kailangan na puntahan namin at pag usapan, ganon ba ka importante iyon, pwede naman sa cellphone sabihin bwisit.

________________________

Narito na ako sa coffee shop at nakita kona si tita Marites sa dulo siya naka upo naghihintay sakin, pumunta na ako sa kinaroroonan niya.

"Anong pag uusapan natin tita?"tanong ko sabay upo sa upuan.

"Hindi gayuma ang binigay niya sayo, kundi pang akit lamang, pupunta tayo roon para malaman."sabay tayo niya at hila saakin palabas ng coffee shop.

Ibig sabihin pang pa akit lang ang ibinigay sa akin ng matandang babae yun binigay ko pa naman 20k bwisit kang matanda ka makakatikim ka sa akin mamaya.saad ko sa aking isipan habang nagda-drive si tita Marites,at narito na nga kami.

Bukas ang pinto ng bahay niya kaya hindi na kami nag atubiling pumasok agad.

"Alam kong pupuntahan niyo ako rito samali kong ginawa, ma'y dahilan ako kung bakit ko iyon ginawa, sana mapatawad mo ako ma'am Jessica."saad nitong humihingi ng tawad.

"Anong dahilan mo para lokohin mo ako ahh!"saad kong galit.

"Parehas lang naman pong gayuma ang binigay ko at hindi ibinigay, k,kasi kapag binigay ko ang tunay na gayuma ang kapalit nito ay buhay mo."pagpapaliwanag nito sa akin na kinagulat ko ng husto.

"Ipapakita ko po sayo yung gayuma po na sinasabi ko po ma'am."saad niya at pumunta sa isang silid.

Inantay namin ito pero matagal rin itong lumabas.

"Ma'am Jessica! Patawad po sa aking nagawa po sainyo! Yung naibigay ko po sainyo ay ang totoong gayuma! Mamatay po kayo mamayang gabi at kukunin po ng demonyo ang kaluluwa mo!"saad nitong nagsisisi talaga sa kanyang ginawa.

"Ako mamatay?! Walang hiya kang matanda ka! Ikaw ang una kong papatayin! papatayin kita!"sabay sugod ko at sabay kuha ng kutsilyo sa lamesa nakalapag, pinagsasaksak ko siya ng kutsilyo sa ibat ibang parte nga katawan niya sabay pugot ko ng ulo ng matanda at si tita Marites naman ay gulat na gulat sa kanyang nasaksihan sa ginawa ko sa matanda.

"Jessica anong ginawa mo?! Bakit mo siya pinatay?! Nagkamali lang siya ng bigay sayo! Hindi niya yun sinasadya!"umiiyak nasabi ni tita Marites.

Lumabas ako habang bitbit ang ulo ng matanda, pati ang katawan nito at hinagis ko sa gitna ng kalsada.

Sabay tinginan ng mga tao sa katawan ng manlolokong matandang iyon.

''Hayyy naku po! Pinatay niya ang mangkukulam na yan!"

"Anak huwag kang tumingin sa katawan!"

"Yuckkk! Kadiri labas bituka!"

"Kailangan niyan isumbong sa mga pulis!"

"Buti nalang! Pinatay niya! Salot sa lipunan ang matandang yan!"

"Naku po! Nakakatakot ang ginawa niya!"

"Nakakatakot siya ang dundis dungis niya puro dugo ang katawan niya!"

"Para siyang demonyo! Nakikita ko sa kanya nama'y sungay at buntot siya!"

Iyan ang mga isa sa mga komento nilang narinig ko.

"Kapag nag sumbong kayo sa mga pulis! Tutuluyan ko kayo! Ganyan ang gagawin ko sa inyo! Kapag nag sumbong kayo! Kapag hindi! Hindi kayo magkikita ni santanas!"pagbabanta ko sa kanila.

Sabay takbo sa kani kanilang tinitirahan.

"Anak! Pasok na! Papatayin tayo niyan!"

"Magsipasok na tayo sa mga bahay natin!"

Iyan ang mga naririnig kong sabi nila, na kinatuwa ko.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan ni tita Marites dahil nasa akin ang susi ng kanyang sasakyan kasi sa akin niya binigay ang susi at pinaharurot ko ito papunta sa mansion para linisin ang katawan ko dahil puro dudo ang mga damit ko pati mukha ko mayroon din.

Narito na ako sa mansion namin nag busina ako, hudyat na ipasok ang sasakyan sa loob ng garahean, pinapasok naman nila ako, pinark ko ang sasakyan at bumaba na ako.

Nagulat sila sa aking itsura dahil puro dugo ang aking katawan.

"Ma'am anong nagyari sayo?! Bakit puro dugo ka?!"tanong ng guard namin na halatang gulat na gulat talaga siya sa kanyang nakita.

"Wala kang paki! Guard ka lang! Hindi ka imbestigador!"sagot kong pabalang.

Sabay pasok ko sa mansion, at nagulat sa akin ang.mga katulong namin.

"Oh parang nakakita kayo ng multo!"

"Ma'am! Ano pong nagyari sayo?!"sagot ng isang maid namin.

"Pwede ba! Huwag ka ngang tanong ng tanong, pa ulit ulit yung mga tanong niyo sa akin!"galit kong saad.

"Nasaan si mommy?!"tanong ko.

"Kausap niya po si sir Joshua sa study room."sabi ng isang maid namin.

"Yaya! Kuhaan mo ako ng towel!"utos ko.

"Opo ma'am."sabay punta sa kwarto ko.

Nagulat ako ng biglang ma'y sumigaw.

"Hindi na itutuloy ang kasal!"saad nitong pasigaw galing sa study room.

Hindi nga ako nagkamali si Joshua ang sumigaw,pero hindi ako papayag, hindi ako papayag.