webnovel

CHAPTER 3

JOSHUA VALDERAMA POVS

Narito ako sa kompanya namin, papunta pa lang ako ng office ng babaero kong ama ng ma'y narinig akong ungol ng isang babae, pagkapasok ko sa loob ay nakita kong nakikipag s*x ang aking ama sa kanyang secretary.

"Dad! Hanggang dito ba naman! Nag gagawa ka ng milagro! Dito pa talaga! Dito pa talaga sa opisina niyo dad! Kaya laging nagsusugal si mommy kasi lagi kang nambabae!"sigaw ko sa tatay ko na ang ginagawa ngayon nagbibihis at ang sekretarya naman niya ay tumakbo sa cr na naka hubo't hubad.

"Wala kang karapatan na pagsalitaan ng ganyan! Tandaan mo anak lang kita! Papunta ka pa lang pabalik na ako!"sigaw ni dad saakin.

"Oo! Anak niyo po ako! Lahat po ng gusto niyo ginagawa ko! Noon! At mapa hanggang ngayon pa man! Dad nandidiri ako sayo! Nandidiri ako sayo!"sigaw ko habang dinuduro siya.

"Kung nakakadiri ako! Mas nakakadiri ka dahil anak lang kita! Get out of my company! Get out!"sigaw niya habang turo turo ang pintuan.

"Oo aalis ako rito! Pero asahan mo na wala narin ako sa mansion! Hindi narin maitutuloy ang kasal! Kung gusto mo magpakasal sa kanya! Edi magpapakasal ka! Pero ito ang tatandaan mo! Kapag ako nakapag sumikap! Kakalabanin kita! Kung wala ako! Wala rin ang kompanya mo ngayon rito! Kundi nalugi na ngayon ang kompanya mo dahil sa mga anak mo sa labas! Itatak mo yan sa kokote mo!"sabay alis ko at pupunta na akong mansion.

_______________________

Nag iimpaki na ako ngayon para umalis sa impiyernong buhay na ito.

"Anak! Huwag ka namang umalis! Masanay ka na sa daddy mo!"pagmamakaawa saakin ni mom.

"I'm sorry mom, kung kayo nasanay, pero ako mom hindi! Kung ayaw niyo po akong umalis, sumama na lang po kayo saakin"saad ko habang nagsusuksok ng aking mga damit ng wala ng tupi tupi.

"Anak gusto kong complete family tayo."

"Complete family nama'y number 1,2,3,4 at sobra pang isang libo ata yung babae niya!"

"Anak hindi ganoon si daddy mo! Bigyan mo pa siya ng chance! Please my baby boy! Diba love mo si mommy sige na!"

"Aalis na po ako!"sabay hila ng maleta ko pero hinarang ni mom ang sarili sa pintuan ng aking kwarto.

" Mom buo na po desisyon ko! Mom aalis na po ako! Kaya umalis na po kayo diyan!"

"Hindi! Hindi ako aalis rito! Hangga't hindi ka nakakapag desisyon na hindi ka aalis!"

"Mom mapipilitan po ako na gawin sayo yung iniisip ko!"

"Na patayin ako para makalabas ka! Gawin mo ang gusto mo!"lumapit ako kay mom at binuhat ko siya na parang sako at inihagis sa kama ko, sabay sibat ko kasama ang aking maleta.

"Walang hiya kang bata ka! Ang sakit ng katawan ko!"huling dinig ko kay mommy

________________________

JESSICA SANCHEZ POVS

"What?! Tito hindi matutuloy ang kasal?!"sigaw ko na malakas sa loob ng opisina ni tito Johnny Valderama ang daddy ni Joshua.

"Yes iha, talagang walang galang saakin ang batang iyon!"

"Hindi po ako papayag tito! Na hindi po matuloy ang kasal!"sigaw ko sa kanya at lumabas ng pinto ng office niya.

"Hi ako pala ang legal wife ni Johnny!''sabay lahad ng kamay niya saakin pero hindi ko tinanggap iyon.

"Alam ko kung sino ang legal na asawa ni tito kaya huwag na huwag mo saakin sabihin na ikaw ang legal na asawa ni tito Johnny!"

"Oh! Sorry my dear! Akala ko kabit ka, kaya sorry!"pabebeng arte nito na akala mo naman maganda ehh hindi naman maganda.

"Hindi ako kabit! Ako ang fiance ni Josh!"sigaw ko na pinagtinginan kami ng mga empleyado.

"Oh! Fiance?! O Ex Fiance!"

"Fiance niya ako!"aalis na sana ako pero bigla siyang nag salita.

"Gusto mo ba talaga na mapasayo si Josh?!"

"Oo!"

"Sumama ka sakin" tulad ng sabi niya, sumama naman ako.

____________________

"Narito tayo ngayon sa isang mangkukulam, Jessica."saad ng babaeng ito.

"Ano ba pangalan mo?"tanong ko.

"Ako si Marites ang pang 8 wife ni Johnny."

"Dito ko na gayuma ng husto si Johnny, kaya niya ako nagustuhan."daagdad pa nito.

"Gusto mo bang mapasayo nang tuluyan si Joshua?"tanong pa nito.

"Oo naman! Dapat hindi na ako sumama sayo."sagot ko rito.

"Ok pasok na tayo sa loob."

May nakita akong babaeng naka tungkod, puti na ang buhok niya at uugod ugod na.

"Alam kong pupuntahan niyo ako Marites."saad ng matanda.

"Lagi naman po kayong ganyan alam na alam niyo po na pupunta ako."sagot ni tita Marites.

"Alam kong sadya niyo dito kaya hinanda ko na ang ibibigay ko saiyong mabisang gayuma Jessica."saad ng matanda.

"Kilala niyo po ako!"sabay turo saaking sarili.

"Kilala kita, buong pagkatao mo at lahat lahat ng sayo. Ito ang mabisang gayuma lahat lahat mapapasunod mo si Joshua sayo, ilagay mo ito sa pagkain niya at inomin niya, tandaan mo, isang buwan ay mawawala ang bisa ng gayuma kapag hindi mo siya pina inom ng isang linggo sa isang araw."sabay abot saakin ng gayuma na may laman na ugat ugat, kulay berde ang tubig at nasa boteng Tanduay.

"Magkano po ito?"tanong ko.

"Sampung libo yan sa iba, pero kasama mo si Marites gagawin ko ng walong libo."saad nito.

"Once na niloko mo ako sa gayuma mo na walang epekto! Ipapatay kita!"pagbabanta ko sa matanda.

"Hindi siya manloloko iha."saad ni tita Marites.

"Hindi po ako manloloko! Lahat na po ng pumupunta rito tuwang tuwa dahil sa gayuma ko!"saad ng matanda na may bahid ng takot.

Kumuha ako ng 20,000 para ibigay sa kanya.

"Here sayo nayan lahat."

"Salamat po ma'am Jessica."

"I have to go."

"Alis na po kami."pagpapaalam ni tita Marites sa matanda at ako'y lumabas na.

Mapapasaakin na si Josh, mapapasaakin na siya kung ma'y epekto ba talaga ito.