webnovel

CHAPTER 2

JESSICA SANCHEZ POVS

"Grrrrhh! Bakit ba siya ganon fiance ko siya! Pero kung ituring niya ako, para akong pokpok!"sigaw ko kay mommy.

"Anak, pabayaan mo muna siya, siguro kapag kasal na kayo, magbabago na ang ugali na pinapakita niya sayo."payo ni mom.

By the way, hi I'm Jessica Sanchez ang pinaka maganda sa buong mundo, I'm 24 years old.

Narito ako sa mansion namin nakikipag usap ako sa pinakamagagandang mother ko sa buong universe.

"Sigurado ka ba mom!"

"Oo anak kaya, akitin mo lang siya ng akitin para mapalapit siya sayo."

"Tama ka mom! What if! Gayumahin ko po siya!"

"Anak hindi na uso ang gayuma! Gayuma nayan!"

"Mom gusto ko pong I try!"

"Go ahead! Hindi ko papakialaman ang desisyon mo, kasi desisyon mo yan."

"Ok mom! Your the best mom ever!"sabay halik ko sa pisngi niya.

"Thank you! I'll go ahead! May meeting pa ako sa mga ka shareholders ko."

"Ok mom, ingat po kayo."

Gagawin ko ang lahat para mahulog ang loob niya saakin.

_________________________

JOSHUA VALDERAMA POVS

Nandito ako sa red bar para ibuhos ang sakit ng nararamdaman ko.

Nagsi datingan na ang mga kupal kong kaibigan.

"Wattzupp bro!"bati ni Dave saakin, sabay upo sa tabi ko.

"Bro nabalitaan ko na magpapakasal ka kay Jessica."sabi ni Paolo.

"Si dad ang may gusto! Hindi ako!."sagot ko sabay tungga ng alak.

"Bro mag papakasal ka na! Pero bakit nag wawalwal ka ngayon?!"saad ni Dave.

"Si Alynna yan nohh! Kalimutan mo na si Alynna bro! Wala kang mapapala doon dahil mag ka away ang mga magulang ninyo!''saad ni Paolo.

"Kaibigan ko ba kayo?!"

"Oo naman."sabay sagot nilang dalawa.

"Pwess ayoko ng ganyang kaibigan! Umalis na kayo rito! Mga walang kwentang kaibigan!"galit kong saad.

At umalis naman silang dalawa.

________________________

ALYNNA ROSE GARCIA POVS

Kasalukuyang narito ako sa sofa nanonood lang ng tv, wala kasi akong magawa hindi kasi ako nag aaral ngayon, nag stop muna kasi ako ma'y pagkahalong tamad kasi ako ehh.

Biglang tumabi saakin si mom sa sofa.

"Anak anong gusto mo palang kuning kurso?"patanong ni mom.

"Business management po mom, gusto ko po kasi na pagdating po ng araw ako po mamahala ng mga business natin."

"Ayyy, anak ko talaga ito, manang mana ka saakin."malambing na saad ni mom at sabay yakap saakin at umalis pumunta siyang kusina.

Biglang ma'y narinig akong nagsisisigaw sa labas kaya lumabas ako.

"Sir bawal po talaga kayong pumasok sa loob!"saad ng aking guard.

"Kuya sino yung nagsisisigaw?!"tanong ko.

"Alynna! Alynna ako toh! Si Josh! Alynna please come back tayo! Ipaglalaban kita sa mga magulang natin!"saad niyang parang lasing.

"Kuya guard! Lasing po ba siya?!"

"Opo ma'am, lasing po siya."

"Huwag mo siyang papasukin kuya."

"Alynna please come back to me! Ayusin natin toh ngayon!"pagmamakaawa niya.

"I'm sorry Josh! Ikakasal ka na! Doon mo pagtuunan ang atensyon mo huwag saakin.''

Pumasok na ako at tumakbo akong papasok sa aking kwarto at doon ko binuhos ang lahat ng sakit ng nararamdaman ko.